Chapter 9: Untitled
Kassey's Point of View
**
"Caryl san ka pupunta?" tanong ko kay Caryl na akmang aalis.
"Kay Erol, sama ka? Andon si Kiel." Sabi nya sakin.
"Sige, sasama ako." Sabi ko at umalis na sa park ng school.Papunta na kami sa open field ng Green Dale University. "Planado pala yung date?" tanong ko kay Caryl na parang nagulat sa tanong ko.
"Ah, oo pero pumayag naman si Kiel diba?" Sabi nya.
"Pumayag kasi favor nyo?" Sabi ko sa kanya na may pagka sarkastiko.
"Hindi mo ba nagustuhan Kassey?" Tanong nya.
"Alam mo ba na buong akala ko siya talaga nag plano? Na siya gusto niya talaga ko ka-date? Tapos malalaman ko na hindi pala?! Kasi pinlano niyo 'to? Umasa ko Caryl." Sabi ko sakanya habang naglalakad padin.
"Wala namang masama dun diba? Wala kang ka-date? Wala naman din siya." Sabi nya sakin. Minsan slow talaga tong babae na 'to.
"Wala nga, pero parang lumalabas dun na napilitan lang siya sakin!" Sabi ko na parang naiinis. "Aaminin ko, nagustuhan ko naman, pero bakit kailangan niyo pang i-set? Kung gusto niya gagawa siya ng paraan? Kung ayaw niya dapat di nyo nalang pinilit." Dagdag ko pa.
"Oh ayun na pala sila, qag kana magdrama jan, atleast di ka naging lonely kagabi." Sabi nya sakin at binilisan ang lakad para makalapit na kay Erol. At hinabol ko naman siya.
"Hi babe!" Sabi ni Caryl kay Erol.
"Oh Hi babe! Andyan na pala KAYO?!" Sabi ni Erol na patanong at mukhang nagulat sa presensya ko.
Tiningnan ko naman ito ng masama. At bumaling na ulit kay Caryl. Napatingin naman ako sa walang imik na si Kiel, bakit kaya tahimik 'to? Baka narealize niya na dapat di na siya pumayag kagabi. Haiyst. -.- Lumapit ako kay Kiel, oh diba feeling close? :D
"BULAGA!" Sigaw ko sakanya at mukhang nagulat ko naman siya.
"Oh! Andyan ka pala." Sabi niya na parang nabalik na yung kaluluwa niya sa sarili niya haha.
"Ay. Wala. Ako. Dito. Kiel." Sarkastiko kong sabi.
"Ah sorry, may iniisip lang ako." Sabi niya na parang malungkot, uhm. Hindi malungkot nga siya.
"Bakit naman?" Tanong ko sakanya.
Medyo natagalan siya sa pagsagot, dahil yung couple sa gilid namin naghaharutan, kaines! Sarap sabuyan ng asin. Hahahaha.
"Hindi masamang magsabi ng problema kiel." Sabi ko sakanya at napatingin naman siya sakin. At ngumiti. Oh Vermuda grass eat me now! Ahihi.
"Si Mishian sya problema ko." Sabi nya at napayuko ulit.
"Huh? Bakit? Anong naman pinoproblema mo sakanya?" Tanong ko sakanya. Ano kayang problema nya?
"Diba crush ko siya, lagi niya nalang nirereject tung mga card na binibigay ko, minsan makikita ko punit, minsan nasa trashcan. Bakit ganung yung mga babae? Pag hindi nila gusto yung lalaki babaliwalain niyo lang kaming mga lalaki?" Sabi niya sakin na halatang nasasaktan sa sitwasyon.
Hay. Akala ko naman mga babae lang ang madrama, pati lalaki pala. Hay, ang swerte lang ni Mishian kasi gustong-gusto siya ng taong gusto ko. Pero ang tanga lang niya kasi sinayang niya ang isang lalaki na seryoso at mabait, hindi katulad nung basagulero niyang jowa.
"Andito naman ako Kiel e." Syempre di ko sinabi yan hahaha. Kapal muks ko naman kung ganern. Haha
"Pag ayaw ng isang tao, wag pilitin. Hindi lang naman siya Kiel ang babae sa mundo, wag kang magbulagbulagan, wag mo siyang ikulong jan sa puso mo *turo ko sa dibdib nya* hindi mo deserve na masaktan ng ganyan." sabi ko sakanya.
"Sana nga madali lang kalimutan yung taong gustong-gusto mo, sana madali lang mawala yung sakit, pero hanggang SANA nalang naman, sana ibang babae nalang para hindi ako nasasaktan, tama ka Kassey. Dapat hindi ko siya ikulong dito sa puso ko, hindi na ako magpapakatanga na ipagsiksikan sakanya yung sarili ko." Sabi ni Kiel na halata ang pagkagising sa katotohan na hindi siya gusto ni Mishian.
"Lahat tayo may nakatakdang tao para satin, matuto tayo maghintay ng tamang panahon, mga bata pa tayo, madami pang makikilala jan." Sabi ko na parang isang love expert na kahit sa sarili ko hindi ko magawa o masabi yung mga sinasabi ko ngayon.
"Salamat kassey, dahil sa mga sinabi mo gumaan yung loob ko. Nagising ako sa katotohanan na wala talagang pag-asa kay Mishian." Sabi nya ng may ngiti sa bawat salita.
"So friends?" Tanong ko. Friends lang yan wag kayo haha.
"Sige sige, haha. Pike!" Sabi nya sakin ng may ngiti at nangharot pa.
"Pike pala ha! Ewan ko sayo sakang!" Naggalit-galitan ako at nag walk-out. Haha
"Hoy pike! Saglit lang sabay tayo magmiryenda!" sigaw nya. Haha nikikilig eke♥.
"Ayie yung dalawa oh!" Sigaw naman nila Caryl at Erol. Rinig ko pa yan. Haha
"EWAN KO SAINYO!" sigaw ko na natatawa din. Haha
"Hulikang piki ka! Akala mo ha!" Sigaw sakin ni Kiel at sabay hila sa wrist ko.
"Sandali nga! A-ng bi-lis m-o na-man!" Sabi ko sakanya habang takbo padin ng takbo papuntang cafeteria ng Green Dale University.
Pinagtitinginan nila kami habang tumatakbo, ah! Pagod nako! Nakakainis! Kinukulang nako ng hinga! Napahinto nalang ako nung nakaramdam ng hilo, masyado kasing mabilis tumakbo si Kiel tapos ang layo pa ng Cafeteria sa Open field. Hay.
"Ano'ng nangyayari sayo Piki?" tanong ni Kiel na halata ang pag-aalala. Habang ako naman nakahawak sa dibdib at hinahabol ang hininga, inaatake nanaman ako ng asthma ko.
"Y-ung inh-aler ko sa-bag pa-kikuh-a" hingal na hingal kong sabi kay Kiel at agad naman kinuha sa bag ko yung inhaler at inabot sakin.
Pagkatapos ko makarecover sa asthma ko, umupo kami ni Kiel sa malapit na bench, bat ngayon lang niya 'to naisip. Haha.
"Sorry." Sabi nya at napayuko.
"Sorry?" Sagot ko ng patanong.
"Sorry kung dahil sakin inataki ka ng asthma." Sabi nya ulit.
"No, it's not your fault, hindi mo naman kasi alam na may asthma ako." Sabi ko sakanya.
"Basta sorry." Sabi nya.
"Tss. Tara na nga sakang! Drama mo talaga!" Sabi ko at hinila na siya papuntang cafeteria.
