"Lumayo"

5.3K 77 3
                                    

Ako'y lumayo di dahil ayoko na. 
Ako'y lumayo di dahil tayo'y tapos na. 
Ako'y lumayo di dahil ako'y suko na.
Ako'y lumayo di dahil ako'y nagparaya na . 
Ako'y lumayo dahil alam kong ito ang tama. 
Tama na mas masakit pa kesa madapa. 
Tama na alam kong mas ikasasaya natin dalawa. 
Alam kong masakit ang lumayo sayo. 
Pero kung ang sakit na ito ay para sa ikabubuti ko, 
para sa ikatatahimik ng isip ko, 
at sa ikasasaya ng puso mo, 
lalayo ako kahit nagdurugo itong puso ko. 
Puso ko na walang ibang sinasambit kundi pangalan mo. 
Pangalan mo na nakaukit na sa isip ko na kahit anong gawing ko di ka mabura-bura dahil nakatatak ka na dito. 
Pero kakayanin ko. 
Kakayanin kong kalimutan ang mga alaalang iniwan mo. 
Alaalang di ko alam kung masasabi ko bang may tayo o ito lamang ay isang laro. 
Laro na ginawa natin na kung sinong mahulog siyang talo. 
Laro na di ko alam kung ako ba ay talo. 
Talo na ba talaga ako? 
Talo na ba ako dahil nahulog ako sayo? 
O talo na ako dahil nagpakatanga ako sayo? 
Oo tanga ako. 
Tanga ako, dahil minahal kita kahit alam kong may mahal ka nang iba. 
Minahal kita kahit alam kong malabong maging tayo pa. 
Minahal parin kita. 
Minahal parin kita ng sobra na sa mata ng aking mga kaibigan ako'y isang tanga na. 
Nagmumukha na akong tanga. 
Nagmumukha akong tanga kakaasa sa ating dalawa kahit alam ko naman na wala ng tayo dahil kayo na. 
Kaya ako'y lalayo na. 
Lalayo upang ang lahat ay matapos na. 
Lalayo upang ika'y malimot ko na. 
Lalayo at iisiping ito'y isang kwento lamang na ako mismo ang gumawa. 
Kwento na akala ko ay happy ending yun pala ako ay wala sa ending. 
Kwento na akala ko tayo ang bida yun pala ako ang kontrabida. 
Kwento na sa una lang masaya at sa huli ay luha na. 
Kaya paalam, dahil sa aking paglayo ikaw ay sasaya na.

- crdzm💞

"Tula para sa lahat"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon