Day 363 : Long midnight

17.2K 724 341
                                    

TCWDM : Red beryl ring on media

Long midnight
-----

Naalimpungatan ako sa gutom at sa paghalik ni Harry sa sentido ko. Tumagilid ako pasiksik sa kanya at huminga nang malalim. I smelled my perfume on his skin. I kissed whatever part my lips could touch.

"Jianna? Gising ka?" bulong niya.

Tinatamad akong sumagot at magmulat. It felt good to be held under the same blanket. Hinahaplos niya 'yung likod ko habang yakap ako.

He's really warm.

It took me a moment to remember why we were skin to skin under the same blanket. Kung hindi ko pa naramdamang medyo masakit 'yung ilang parte ng katawan ko, hindi pa lilipad ang antok ko.

"You're awake. I can feel you," he teased and played with my hair.

I think I might have froze.

Pa'no ako magre-react? I mean, hubad pa rin kami. How should I show him my face when I'm the one who asked to be... ano. Did I take advantage of him? Is this too fast?

"Ano na naman kayang iniisip mo?"

Tulog ako. Great. Lokohan ng sarili.

Bumuntonghininga siya. "Baka naman ngayong may nangyari na sa'tin, magsawa ka agad sa'kin."

Natigilan ako sa sinabi niya bago ako magmulat at itulak siya nang kaunti. Isn't it a line from the movies? "Ano ba, Harry Lastimosa? Are you joking right now? Ugh!"

Humalakhak siya sa ginawa ko at niyakap ako. Hinalik-halikan 'yung tuktok ng ulo ko. "Ang cute mo kasi ma-tense. Pagkatapos mong pagsamantalahan ang karupukan ko, mahihiya ka?"

"Hindi kita pinagsamantalahan!" giit ko.

"Okay lang kahit samantalahin mo 'ko. The feeling is mutual," tukso niya pa.

Umangil ako. Niluwagan niya ang pagkakayakap niya sa'kin at itinaas ang mukha ko sa kanya para magtagpo ang mga mata namin.

"You're wonderful," sabi niya. "And I see that you're wearing the ring."

Itinaas ko ang palad ko para makita ang singsing. "Yeah. It's beautiful. Anong gem 'to?"

"Red beryl."

"What?" I asked in amazement. "Red beryl is rare, 'di ba?"

"Like you are. Kaya bagay sa'yo. You're my red beryl and my blue roses. Do you like it?"

"What's not to like about this?" sagot kong nakatitig sa singsing sa daliri ko.

"Just so you know, hindi mo na mahuhubad 'yan." Ngumiti siya. "Kaya kung may balak kang pag-isipan, wala ka nang time dahil isinuot mo na."

"I don't have to think about this, Harry. There's no other life for me than with you."

Lumunok siya. Natigilan. "There's no other love for me than with you, too."

Ngumiti ako. "The feeling is mutual nga."

"Nagugutom ka?" tanong niya. "Naririnig ko 'yung tiyan mo."

"Oo. Saka ano..."

"Hm?" he asked. "Are you sore?"

Tumango lang ako.

Ang lapad ng ngiti niya. "Let me take care of you."

"Huh?"

Bago pa 'ko makapag-isip sa mangyayari, bumangon na si Harry. Napatingin agad ako ro'n sa ano.

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon