Day 73 : Swiftly

12.7K 708 337
                                    

Swiftly
-----

Nagkasalubong kami ni Harry sa pinto ng office. I ignored him and continued walking. I was going to Lab 2 kahit na wala naman akong gagawin ro'n. I planned to stay there all day. 'Yung breakfast niya, nakahanda naman na.

For the last thirty five days, Harry and I have this certain set-up. By eight, may breakfast na sa common room. By twelve, may lunch. By seven, may dinner. 'Yung snacks niya, inilalagay ko lang sa table niya. Kapag Sabado, inilalagay ko rin sa table ang bill niya. Kapag Sunday, inilalagay niya sa table ko ang payment. We barely talk kahit sa chat.

I tried to resist stealing glances at him, but it was so damn hard, I stopped. Binawasan ko na lang para hindi obvious. Though, I think, obvious pa rin kasi sina Vina, ang lakas mang-asar.

No one believes that we're not in a relationship.

I only hear his voice when we're on a meeting. Every two in the morning, pinapatay ko ang power supply sa office niya. Hindi pa rin kasi siya marunong mag-check ng oras. Fifteen minutes after lights off, chini-check ko siya sa quarters niya.

But last night, he checked on me after I checked on him. Siguro dahil maghapon na umuulan at kumukulog. But I have his player with me so I'm a little safe with the thunder.

Thirty five days of resistance made every piece of me weak against him. Kaya ngayong walang tao sa lab, dapat umiwas akong mabuti. I still have to resist for six days.

Pero kahit hindi ko tapusin ang experiment, alam kong walang nagbago sa sagot.

This love is getting impatient. It clawed and clawed and clawed on me. Tuwing titingin siya, tuwing maaamoy ko ang pabango niya, tuwing nasa paligid siya...

I'm seriously into him.

The hours of the day passed painstakingly slow at the lab. Wala nang nagrereply sa group chat namin nina Vina. Busy siguro sila. Ako... nagkukunwari lang na busy.

Ilang ulit pang dumaan si Harry sa lab 2. Parang nananadya. Alam na ngang umiiwas ako, kung bakit nanunukso at sumisilip.

By eight in the evening, the rain was pouring down. I was worried. Malungkot na naman siguro siya.

Nang hindi ko na kaya ang katahimikan sa lab, bumalik ako sa office. Walang tao sa office ni Lord Commander so I assumed na nasa main lab siya o sa Biotech.

I wanted coffee so I went to the common room. At muntik akong mapaatras dahil inabutan ko siya ro'n.

Good grief. Impeccable timing, Jianna. You just shorten your patience by ten days.

Bubuwelta sana ako pero nagsalita siya.

"There's coffee."

Napapikit ako. Shit. Is it possible to be insanely  attracted to a sentence just because he said it?

Lumingon ako sa coffee maker. The coffee was definitely freshly brewed. Kailan pa siya natutong gumawa ng sarili niyang kape?

Naupo si Harry sa pinupwestuhan ko sa mesa dati. May hawak siyang kape niya. Nasa harap niya sa table ang creamer, asukal, at skim milk.

I cleared my throat before going straight to the coffee maker. I poured myself a cup of coffee. Then, naupo ako sa dati niyang pwesto sa mesa.

Iniusod niya ang creamer, skim milk, at asukal sa akin. Kinuyom ko muna ang kamao ko para masigurong hindi ako manginginig (na makikita niya) bago ako naglagay ng asukal sa kape.

I was about to drink when—

"Careful. Mainit 'yan."

Tumingin ako sa kanya. Our eyes locked for... I don't know how long. But we couldn't seem to pull away from each other's trance.

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon