Day 136 : A wall away

12.1K 522 110
                                    

A wall away
-----

We arrived at a two-storey modern house. Malalaki ang salaming bintana, matatangkad ang mga pinto, at maraming kanto. Harry pressed a remote and the gate opened. He drove in.

Wala kaming imikan nang pumasok sa loob ng bahay. Nakasunod ako sa kanya.

He switched the lights on and, "Sorry. Pangatlong araw ko pa lang uli na natutulog dito. Magulo pa."

I looked around. Evident kung alin ang nagagamit na niya at kung alin ang hindi. Sa buong living room, 'yung u-shaped lang na set ng couches ang malinis. The rest are covered with a white cloth.

"It's okay..."

What else should I tell him? I wasn't expecting this. 'Yung sumulpot siya sa date ko because of JT, pwede ko pang ma-predict. Pero 'yung bigla akong mapunta sa bahay niya? Hindi ba dapat, nag-iiwasan kami? O nakampante siya sa'kin dahil alam niyang nagda-date na 'ko ng iba?

"Kumain muna tayo?" tanong niya sa'kin. "Functional 'yung kitchen at dining. Nagluto si Jeric no'ng isang araw e."

"Sige. Nagugutom ako."

I followed him to the kitchen. Pinipigilan ko 'yung mata ko na manood nang manood sa kanya. He thinks I'm dating. I should act like I've let go of my damn feelings.

Nag-set kami ng table. Naglipat ng pagkain sa plato. Naupo.

Wala kaming imikan kahit nang magsimulang kumain. It's a good thing na hindi niya tinatanong kung sino 'yung iniwasan kong lalaki sa labas ng bahay ko; or kung sino dapat ang date ko. Pero mahirap ding maging komportable sa sobrang katahimikan.

Tumikhim ako.

"Uh... Sabi mo, three days ka pa lang dito? What's happening sa lab?" usisa ko.

"Nagre-renovate sa main building. 'Yung new site, ginagawa pa rin ngayon. For now, itinigil muna lahat ng laboratory works. Pero baka makabalik na tayo in one to two months."

Tumango ako. "Great."

"Yeah."

Nagkatinginan kami. Una akong nagbawi ng mata.

"Uh... Sorry kung nandito ako sa bahay mo ngayon."

"Ako ang nagyaya, 'di ba?" he said.

Yeah. Siya ang nagyaya. Kaya—

"Bakit?" tanong ko sa kanya. "I may sound ungrateful but... you don't have to be this kind to me."

"I know."

Natahimik kami. He looked burdened again.

Ngumiti ako sa kanya.

"Hey, Harry..." sabi ko at hinintay siyang tumingin sa'kin, "It's okay. I get it. You're just being kind. I won't put much thought about this."

Sumulyap lang siya sa'kin at hindi nagsalita.

***

By midnight, nasa kwarto na niya ako sa first floor. He insisted I use the bed. Kumuha lang siya ng unan at kumot para sa couch matulog.

I washed and prepped to sleep. I tried not to think too much about being in his bed, in his room, in his house.

But it was so damn hard. I was wearing his big shirt and his pajamas. His bed smelled of his cologne. At siya, na nami-miss ko, nasa labas lang ng pinto.

Ibibigti ko talaga si JT.

Ilang minuto akong naglulumikot sa kama niya. I couldn't sleep. I wanted to see him. Kahit silip lang uli.

I tiptoed to the door. Nakiramdam ako. Kung maabutan ko siyang gising sa labas, kukuha ako ng tubig sa ref. If he's not...

Gosh. I hope he's sleeping.

Ilang minuto akong nasa pinto, pinag-iisipan kung dapat na ba 'kong lumabas. I was about to reach for the handle when the door opened. Dahan-dahan.

Nang tuluyang bumukas ang pinto, nagkatinginan kami ni Harry. Both of us dumbfounded.

He cleared his throat.

"May kukunin lang ako sa kwarto," sabi niya.

"Iinom ako ng tubig," sabi ko.

Pumasok siya ng kwarto. Lumabas ako.

I went to the fridge and drank from a bottle of water. Nagwawala ang puso ko.

I tried to look as calm as I could nang madaanan ko si Harry sa couch. Nakasuot siya ng salamin niya at may nakabunton na makakapal na folders sa mesa. Bukas ang floor lamp, with enough light for him to read.

This guy... magtatrabaho pa rin siya? Sa hatinggabi? Sa bahay niya?

"Hey, Dr. Lastimosa..." tawag ko sa kanya at pinaningkitan siya ng mata, "Lights off na."

Napatanga siya sa'kin.

"Oh." Alanganin akong ngumiti. "Just out of habit. Don't mind me."

Nilampasan ko siya at pinigilan ang leeg kong lumingon. Kinutusan ko ang sarili ko pagbalik ko ng kwarto.

Spell o-b-v-i-o-u-s.

Nakipagtitigan ako sa kisame. Ilang minuto. Pero hindi pa rin ako inaantok.

Kinukulit ang isip ko ng lalaki sa labas. Is he working? O natutulog na siya kasi lights off na?

Bumangon uli ako at dumikit sa pinto. This time... I will be really careful. Sisilipin ko lang siya.

Nakiramdam ako sa pinto at tumitig sa handle. Nang hindi 'yun mag-isang gumalaw, pinihit ko nang dahan-dahan at sumilip sa labas. Naka-off na 'yung floor lamp sa living room. Mahinang ilaw na lang ng night light ang nakabukas sa kisame.

Nagbuga ako ng hangin bago isara uli ang pinto. I waited for fifteen minutes more before finally going out of the room.

Sisilipin ko lang si Harry.

I tiptoed to the long couch. I'm alert with all the sounds. Tatlong ulit akong huminto sa paghakbang dahil sa kaluskos.

Napabuntonghininga ako nang nasa tagiliran na 'ko ng couch at makita siya.

Harry's sleeping. Tuwid na tuwid siya sa pagkakahiga. May nakapatong na throw pillow sa dibdib niya.

Napangiti ako. He looked peaceful. I want him looking like that, kahit kapag gising siya.

I've got no idea kung gaano katagal akong tumitig sa kanya. Basta hindi ako nakakilos agad nang bahagya siyang gumalaw at magmulat ng mata.

Shit. I'm the first thing to see.

Nagtagpo ang mga mata namin.

Hindi ako makaisip ng palusot. Thank you, brain.

Trying pa rin akong maghagilap nang idadahilan nang ngumiti si Harry sa'kin.

I momentarily stopped breathing.

"Sleep, Jianna. Lights off na."

I don't know what to say except, "Yeah."

"Goodnight."

"G-groodnight."

Nabulol pa 'ko! Argh! Great, Jianna! Just great!

Hindi naman halata sa yellow light kapag namumula, right? Oh my God, self!

Tumalikod ako at nagmamadaling pumasok sa kwarto niya. #0300ma / 11252016

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon