For you
-----"Umalis ka na," sabi ko kay Harry.
Inihatid niya 'ko sa sleeping quarter ko. Nakaupo ako sa lower bunk bed habang nakatayo siya sa malapit na pinto. My eyes were swollen from crying.
"Why?" tanong niya. "Malakas pa ang kulog."
Masama akong tumingin sa kanya. He smiled.
" 'Wag kang ngumiti," inis na sabi ko.
Itinago niya ang labi niya.
"Pwedeng umupo?"
"Hindi. Ayoko nang may katabi," asik ko sa kanya.
Lumakad siya sa katapat na double decker at doon naupo paharap sa'kin.
"Ang assuming mo, Jia. Dito ako sa isang higaan uupo."
Ngumiti uli siya. Para naman akong sinasaksak.
"Bakit ka ngumingiti?" sita ko.
"Bawal ba?"
"Do you even want to smile?"
"I don't want you afraid."
Napapitlag ako sa malakas na tunog. Masama akong tumingin sa itaas.
Kaswal na lumipat si Harry sa tabi ko.
"Malayo naman dito 'yung kulog," sabi niya. Nakikitingala rin.
Tumalikod ako sa kanya at isinampa ang paa ko sa higaan.
"Get out of my bed."
Hindi niya 'ko pinansin.
Tuluyan akong tumalikod, humiga, at nangumot. "Matutulog na 'ko. Umalis ka rito sa quarter ko, Harry."
"Kahit may kulog?"
"Thunder lang 'yan. Walang kamay para masaktan ako."
"Pambihira, ang tapang ni Aling Jia. Kaya pala, naiyak. Naiyak sa tapang," tukso niya.
Nilingon ko siya at nakita siyang malapad ang ngiti.
"Do I look like I'm playing with you?!" Kinontrol ko ang lakas ng boses ko dahil pakiramdam ko, mabibiyak iyon at maiiyak ako. Why do you get to have a smile that beautiful if you're going to hide it forever?
Kung gusto pala niyang magluksa buong buhay niya, hindi na lang sana maganda ang ngiti niya!
"You're not," he said.
"Then, don't play with me!" sigaw ko sa kanya.
Tumitig lang siya sa'kin. The kind that makes me angry that I'm angry.
"I'm not playing with you, Jianna."
Binawi ko ang mata ko sa pagseryoso niya. Tumayo siya sa kinauupuan niya at tumitig sa'kin. Tumagilid naman ako ng higa, patalikod sa kanya. I was waiting for him to leave.
But there was silence.
Nasa kwarto pa ba siya? Hindi ko pa naririnig ang pinto. Why would he stay? Ano'ng ginagawa niya?
Napapitlag ako nang gumulong ang kulog. The sound was deafening. It felt so close.
Huminga ako nang malalim para makalma pero nakuyom ko lang ang comforter na nakatakip sa katawan ko. I used to believe that I'm not this weak against the thunder anymore. But...
"Pinapaalis mo 'ko pero ganyan ka maiiwan?" tanong ni Harry.
Hindi ako tuminag sa pagkakahiga. Lumundo ang higaan sa likod ko nang maupo siya.
"I will stay," he said.
"I'm not asking you to stay."
"I'm not staying because you asked."
"I don't need for you to stay."
"I'm not staying because you needed it."
Hindi ako nagsalita.
"I'm staying because I want to. So, I will," sabi niya.
Natahimik kami. Nanggulat ang kulog at patuloy ang lakas ng ulan. Nakakapit ako sa kumot ko. Gusto kong sumiksik saanman pero pader lang ang kaharap ko. At si Harry lang ang nasa likod.
"You always take care of me and listen to me," halos bulong niya. "Now, there's something I could do for you but I don't know what."
Hindi ako kumibo.
"Tell me what you need me to do for you, Jia."
Pumikit ako nang mariin. All I want is someone close to feel I'm not alone. Kaya niya bang ibigay 'yun para sa'kin? Kung hihingiin ko ba, will he obliged?
Nabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
"Humiga ka sa tabi ko," sabi ko sa kanya.
"Huh?"
"Or leave."
"Ulitin mo lang. Hindi ko talaga narinig. Ang hina ng boses mo."
"Humiga ka sa tabi ko..." I repeated before pressing my lips together.
I felt him lie down.
"Are you lying on your back?" tanong ko.
"Yeah."
"Tumagilid ka. Patalikod sa'kin," sabi ko. Ipinatong ko ang palad ko sa dibdib ko para pakalmahin ang tibok n'on.
Hindi siya umimik. Naramdaman ko na lang ang paggalaw niya.
"Are you on your side now?" I asked him.
"Yeah."
I shifted my position as thunders rolled outside. I faced his back. Sumiksik ako sa likod niya at nagtalukbong ng comforter.
"Hey..."
"I won't touch you," una ko sa kanya.
"Hindi naman 'yun. Are you okay?"
"Kailangan ko lang nang masisiksikan. Don't move."
"Okay."
Idinikit ko ang noo ko sa likod niya at pumikit. "I wasn't this vulnerable to thunder... I thought I was cured. Pero no'ng namatay si Mommy, thunders became scary again. Siguro dahil mag-isa na lang ako. I know no one will come even if I cry.
"At kung may darating... it isn't for relief but for more of the scary."
Thunders cracked outside the room.
"Who hurt you?" tanong ni Harry sa'kin.
Mariin akong pumikit. "I want to sleep."
I felt him tensed before he sighed. "Okay."
"Umalis ka na lang kapag tulog na 'ko," sabi ko at kinumos ang bandang dibdib ng damit ko. My heart won't stop pounding just because of this man.
"Okay."
Hindi na 'ko nagsalita. Huminga na lang ako nang malalim at hinayaang mapuno ang sistema ko nang lahat ng tungkol kay Harry — his smell, his heat, the broad of his back.
"Rest well, Jianna."
Jianna.
He sounded so gentle whenever he says my name.
I slept.
Kinabukasan, patong ng unan na lang ang nasa tabi ko. Pero ang weird dahil nagising akong may kuyom na butones ng polo. Ni Harry.
I didn't do anything weird while sleeping, right? Like grab him and the like?
Good grief. #1004g / 11152016
BINABASA MO ANG
Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)
ChickLitHe is the universe. - Jianna Arcenas