Chapter 3: Ysabel's pool party

93 2 0
                                    

*lub dub. lub dub*

Anong meron? Bakit OA makareact yung puso ko? Hinawakan ko yung dibdib ko.

"Tumigil ka nga!" 

Ay, pag tumigil pala 'to, mamatay ako. -___- Joke lang naman. Makauwi na nga.

Bawing bawi ang tulog ko. Ala una na, ngayon lang ako nagising. Angas ko, no? Hehehe. Bumaba na ko para maglunch. Nadatnan ko si Kuya Josh at Ate Ysabel na naglalaro ng Wii sa sala. Mukha silang tanga, promise. Nagtetennis sila eh.

"Panalo na naman ako! Weak mo, Josh." pailing-iling na sabi ni Ate Ysabel.

"Eh dinaya mo kaya ako."

"Anong dinaya? Ikaw mag-isa yung natapilok no. Hindi mo tuloy natira. Mwahaha."

"Natapilok? Oh tinisod?"

"Huh? Sino naman titisod sayo?" 

"Painosente ka pa. Di bagay, Ysabel."

"Ah, ganon? Wag na nga tayo maglaro! Napipikon ka na e."

"Ako pa talaga napipikon sa lagay na 'to."

"OO! SINO PA BA?"

Pinapanood ko lang silang mag-away. Para silang magkapatid na ewan. Ang weird ng dalawang 'to. 

"Ayon kutsilyo, kung gusto nyo." Sabi ko.

"Ikaw pala, princess." sabi ni Kuya Josh. Lumapit sakin si Ate Ysabel at hinila ko.

"Halika Ralin. Tayo na lang ang maglaro. Yung kuya mo kasing pangit, pikon." sinamaan nya ng tingin si Kuya Josh.

"Hoy Ysabel. Kung pangit ako, ang gwapo ko namang pangit." Ano daw? Ang labo mo Kuya.

"Tse! Wag mo kaming kausapin. Epal na kulugo." Binulong lang ni Ate Ysabel yung dulo.

"Narinig kita." 

"So? Lika na Ralin." Haaay. Nagpadala na lang ako sa agos. Baka masali pa ko sa away nila eh. Naglaro kami ng tennis ni ate Ysabel. Magaling nga sya. Baka nga pikon lang talaga 'tong si Kuya. Haha

"Diba kaya ka pumunta dito para imbitahin si Ralin?" Sabi ni kuya habang nakasandal sa sofa at pinapanood lang kami.

"Ay oo nga! Pano mo nalaman?"

"Adik ka ba? Sinabi mo kaya sakin yon." 

"Ha? Talaga? Buti naalala mo."

"Minuto minuto mo kayang sinasabi sakin."

"Wala akong maalala. *___*" Ay sabog talaga. Hindi ko na sila matake.

"Iimbitahan ba san?" Tanong ko nang matapos na 'to. Jusko.

"18th birthday ko na kasi sa bukas. Pool party sya. Gusto ko sana nandon ka din. ^___^" 

"Pano yon, eh may klase?"

"Gabi naman e. 7pm sya magsastart. Ano, game ka?"

"Ah.. Eh. Try ko." Hinawakan nya ko sa kamay tapos nagpuppy eyes. Uh, pag ganto na, hindi na ko makatanggi e.

"Please, Ralin? Please, please, pleaaaaaaaase?"

"Aish. Oo na, sige na, ate Ysabel."

"Talaga?" Ay hindi. "Yaaaay! Kailangan nakaswim wear ka don ha. Kaya lika na, magshashopping tayo!" Teka, teka... Ano daw? SWIM WEAR?! Hindi naman sa hindi maganda ang katawan ko. SEXY BODY kaya 'to no. Kaso nakakahiya. Balak ko na sana magback out kaso bigla na kong hinila ni Ate Ysabel papuntang sasakyan.

After namin bumyahe ng 10mins, nakarating na kami sa mall. Pumasok kami sa isang shop na puro swim suit. Tumingin tingin si Ate Ysabel, at nagtingin na din ako.

Mr. & Ms. Fake Identities (On hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon