Chapter 5: "The plan."

63 2 1
                                    

Kinabukasan, kinausap ko agad si Tyron para sa plano nya... namin? Hinila ko sya papunta sa soccer field sa may likod ng school. Buti wala ganong tao. 

"So.. ano na? What's the plan?"

"The plan? For what?"

"Uhhh.. yor your mission???"

"Do I really have to do it? I have my own problems, go solve your own. Para kang math. -__-"

"At least may solution for every math problem, diba? At sa love problem ko, ikaw ang solution. ^___^"

"This is irritating.."

"Ho? May sinasabi ka? ^_- Hoy mister nerd-slash-bartender, you better be good to me, or else..." Tiningnan nya ko ng masama. Yung parang anytime makakapatay sya ng kahit sinong  malapit sakanya. UH, and ako lang naman yung malapit sakanya. Sabi ko nga shut up na lang diba. Imbis na ako yung nagtetreathen sakanya, ako pa yung natetreathen. Reverse psychology?

"Continue what you were just saying, Ralin."

"Huh? Wala naman akong sinasabi."

"No, you were saying something. Continue. I'd like to hear it." Nagsmile sya, yung ngiting nangaasar. Pero imbis na maasar ka, mas maiinlove ka pa. >____<

"A-ano.... ano na kasing plano?! Pano mo ko matutulungan?"

Biglang nahagip ng tingin ko.... si Dylan. Nakita ko sya na sumandal don sa puno at nagbasa. Bakit ba ang gwapo gwapo nya? (>>o<<) Yung bawat movement nya, yung eyes, lips, nose, yung shape ng mukha nya, yung buhok nya, pati yung.. ahem.. yung macho nyang.... Chos...., every single part of  him makes me fall a little even bit more. I can't help but feel attracted sakanya. Kahit na masira pa yung pants nya, kahit maglakad lang sya na nakabukas pala zipper nya, kahit tubuan pa sya ng kulugo o pimples sa mukha (pero EW naman, db), kahit pumuti man lahat ng buhok nya o magpakalbo pa sya, he is still the guy that I love and will love. Kahit na mabulag, mapipi, mabingi o mapilay pa sya, I won't care. I will accept him ng buong buo. All his flaw and his imperfections. I'm willing to accept those. Sya lang naman nagmamayari ng puso ko. Yun nga lang...hindi nya alam. :(

Hindi ko napansin, pero nakasmile na pala ko habang nakatitig sakanya. Automatic na yun e. Alam mo, Dylan, ikaw lang laman nito. Wala ng space para sa iba. Isa lang ang bedroom, at isa lang ang kama. At ikaw lang ang pwedeng matulog don. Tabi na lang tayo, nu? Hihi

May biglang lumapit sakanyang babae at binigyan sya ng lunch. Ngumiti sya at tinanggap yon. Nagtawanan lang sila habang sabay na kumakain. 

Nawala yung ngiti sa mga labi ko. Oo, nasasaktan ako. Oo, nagseselos ako. Wala naman masama diba? Ang may karapatan lang ba ang pwedeng makaramdam ng selos? Hindi ba pwedeng pag may nararamdaman?

Kung bakit ba kasi sakin pa napunta 'tong sakit na 'to! Bakit ako pa?!! Ang dami-dami namang iba, bakit ako pa nagmamahal ng  sobra?! Gusto ko ding maranasang magmahal... at mahalin. Pero bakit pinagkakait nyo yon sakin, Lord?!

"Isigaw mo lang yan."

"Ha?"

"Kung nasasaktan ka, isigaw mo. Yung malakas na halos lumabas na yung tonsils mo. Hindi man mawawala ang sakit na nararamdaman mo, pero kahit papno, makakabawas yon."

"*stare*"

"What? I''m just trying to help you, stupid. You really look pathetic when you're looking to that guy. You feel so hopeless and stupid. Tss."

Ang sama talaga nya. T___T But did I really look like that to him? Nakaupo kami sa damuhan. At bigla na lang akong tumayo at....

"WAAAAAAAAAH!!! BAKIT KASI AKO PA?! HINDI BA PWEDENG MAGING TULAD SA MGA FAIRYTALE YUNG LOVESTORY KO? WHY DID YOU CHOSE ME TO SUFFER LIKE THIS, LORD?!! WHY ME, OF ALL PEOPLE!! NAGMAMAHAL LANG AKO! WAG MO NAMAN PO IPAGKAIT SAKIN YUNG PAGKAKATAON NA SUMAYA!! SUMAYA SA PILING NG MAHAL KO!! THIS FEELING SUCKS PO EH!! I HATE THIS LORD, I REALLY DO!."

Mr. & Ms. Fake Identities (On hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon