Bakit nandito yung nerd na yon? Tss. Sabagay, hindi ko naman party 'to. Bat ba ko naiinis. Haha. Ang loner naman nya. Parang ako lang. Nakaupo lang sya sa isang bench, nakamasid lang din.
Biglang dumating si Kuya Josh at Ate Ysabel.
"Wuy, bat mag-isa ka lang jan?" - Ate Ysabel
"Sino bang tinitignan mo jan? May nakita ka na bang maliligawan, ha?"
"Kuya naman! Nakita ko kasi yung kaklase kong nerd. Yun oh." turo ko sakanila.
"Kaklase mo si Tyron?" Ate Ysabel
"Uhhh.. kasasabi ko lang ate, dba? Paulit-ulit? Unli?"
"Toinks. Oo nga no. Haha." - Ate Ysabel
"Teka, pano mo sya kilala?"
"Pinsan ko yan no. Third cousin nga lang. Pero close kami. Lika, pakilala kita. ^____^"
"Huh? Wag na, nakakahiya. Tsaka baka himatayin lang ako."
"Ay, oo nga pala. Ang mais naman."
"Hindi ka naman hihimatayin as long as hindi ka hinahawakan, dba?" -Kuya Josh.
"Uh...... Oo? Bakit?"
"Yun naman pala e. Lika na, magpakilala ka na." Hinila nila kong dalawa papunta kung san nakaupo si Tyron.
"Tyron!"
"Oh. Ate Ysabel. Happy Birthday."
"Hehe. Thanks. Nga pala, si Josh, boyfriend ko." Nakipagkamay sya kay kuya. "Eto naman si Ralin, kapatid nya."
Tumango tango lang si Tyron. Aba't! Snob ang beauty ko. T___T
"Hi. Ralin Jade here."
"Maiwan na namin kayo ha. Bonding muna kayo jan. Magsiswimming muna kami. Ciao!" Umalis na sila ate at kuya Josh at naiwan kaming dalawa. Spell awkward? Mahaba naman 'tong bench kaya umupo na din ako. Nasa kabilang dulo sya, nasa kabilang dulo naman ako. Walang gustong magsalita.
Silence........
In 5 seconds, sasabog na ko. >.< 5....4....3....2....1.....
"Ayaw mong..." Anak ng. Kung kelan nagsalita na ko, sumabay pa sya. Nagkatinginan kami.
"Mauna ka na." Sabay nanaman.
"Ikaw na." At nanaman..
"Psssh. Nu ba kasi sasabihin mo?"
"Di ka magsiswimming?"
"Wala naman akong makakasama. Ayokong maging loner no."
"Ah..."
"Bat ikaw, di ka ba magsiswimming?"
"Katamad."
"Ohhhh..."
Silence nanaman. Parehas lang kaming nakatingin sa may pool.
"Ano bang kailangan mo sakin non?" Huh? Anong sinasabi nito? Kailangan? Sya? Kailangan ko sya?
"Ha?"
"Nung uwian." Tinaasan ko sya ng kilay para sabihing hindi ko talaga sya magets.
"Tss. Tinanggal mo yung salamin ko."
AHHHHH! Uh-oh. Naalala pa pala nya. Palusot! Pengeng palusot! Panic mode naman ako dito.
"A-ano... May dumadapo kasing ano.. langaw sa mata mo.... Bubugawin ko lang sana." Lame, Ralin, you're so lame. San mo nakuha yung excuse mo na yan? Sana bumenta sakanya. Sana. Please Lord!
BINABASA MO ANG
Mr. & Ms. Fake Identities (On hiatus)
Roman pour AdolescentsSi Ralin, ang ultimate dream girl ng bawat lalaki. Ngunit pagdating sa bahay, ultimate kabaligtaran. Si Tyron, nerd at social outcast. Ngunit pagdating sa bahay, ultimate hunk, supermodel, at sikat na bartender sa isang bar. Nang malaman ni Ralin an...