"Pasensya na po. Ayoko nga po talaga." Kanina pa 'ko kinukulit nitong babae na to. Natutuyuan na ko ng laway dito. -____-" Makaalis na nga.
"Pero miss!" Hinawakan nya yung braso ko. "Malaki ang potential mo. Tiyak kong sisikat ka. Pumayag ka na." Pagmamakaawa nya. Ang kulit ng isang 'to.
"My decision is final. You can't change that. I have no intention to enter the crazy world of showbiz. Keep that in your head." Nagwalk out na ko. Pero lumingon uli ako. "But anyway, thanks for the offer." At nagpatuloy na sa paglalakad. Haaay, isang oras din kaming nagkukulitan nung talent scout ng Disney Channel. Inexcuse pa ko sa klase para lang don.
"Pssst. Anong meron?" bulong ni Denise sakin nang makabalik na ko ng classroom.
"Kinukuha ko para don sa gagawin nilang part 2 ng Percy Jackson. Alam naman nilang wala akong balak magartista. Sayang lang sa oras." sabi ko habang nakatingin kay Maam Sanchez. Terror pa naman 'to, lagot kami kapag nahuling nagdadaldalan.
"WHAT? Bakit hindi ka pumayag?! Chance mo na yon para mameet si Papa Logan!" sigaw ni Hazel. Kaya ngayon, lahat sila nakatingin samin. Eto na nga bang sinasabi ko eh. -___-
"Any problem, Miss Calayag?"
"Wala po maam."
"Then please SHUT your mouth." Sabi nya then nagproceed na sa lesson.
"Ang crazy mo, girl. Bread na, naging rock pa." bulong nya sakin. #1 fan kasi yon ng Percy Jackson kaya ganon na lang makareact.
"Hayaan mo na yon."
Nagtataka siguro kayo kung bakit kinukuha ako ng isang talent scout. Ako nga pala si Ralin Jade Valderama. Isang fourth year student sa St. Mary Elite School. Sabi ng iba, ako na daw yung ultimate "dream girl" ng mga kalalakihan. Madalas kinaiinggitan ako ng bitch*s ng school na 'to. Nasakin na ang lahat. Ganda, talino, talent, charisma, pera. Ang masasabi ko lang.. WALA AKONG PAKE. Aanhin ko naman lahat ng yon kung walang lalaki sa buhay ko. NBSB. Peste kasi 'tong sakit na 'to eh!
Anyways, hindi naman talaga ako ganito. Sa bahay, daig ko pa ang daga kung mamuhay. Mas mukha pa nga yatang bodega yung kwarto ko kesa sa totoong bodega namin e. Oo na, burara na kung burara. Hindi din ganon ang itsura ko pagdating sa buhay. Palagi akong nakabun, may suot suot na makakapal na glasses, nakakalat yung mga pinagbihisan ko sa sahig pati na din yung mga pinagkainan kong chichirya, nakabalandra sa kama pag natutulog. Total opposite kung ano ako sa school.
Kaya nga walang may alam ng tunay ng address ko bukod sa school eh. Kapag nilaman nila na ganto ang tunay na ako, sira ang reputasyon ko. Masasayang lahat ng pinaghirapan ko.
Buti na lang kapag lumalabas ako walang nakakakilala sakin. Hehehe ^___^v
*BRIIIIIIIIING*
Lunch time! Sakto, nagwawala na yung mga bituka ko. Tumayo na kaming tatlo at pumunta sa cafeteria. Dumeretso kami sa table namin, ang table #8. Nasa gitna sya ng buong cafeteria and reserved lang para samin ang table na 'to. Syempre, special kami eh.
Sa cafeteria na 'to, may kanya kanya kaming corner. Ang "The Geeks", "The EMOtional", "The Wannabees", "The Fashionistas", "The Gossip Girls", "The Rebels", "The Jocks", at ang "The Outcasts". Sila yung malapit sa may basurahan.
"Uy girls! Look oh. Transferee?" tumingin kami sa direksyon kung saan nakatingin si Hazel.
Sa table #13, may isang lalaking mag-isang kumakain.
"Oh my gas! transferee nga yan, swear. Ang lakas ng loob nya umupo don ha. Wala nga syang alam. Eeeh, creepy!" sabi ni Denise habang hinihimas ang dalawang braso.
BINABASA MO ANG
Mr. & Ms. Fake Identities (On hiatus)
Teen FictionSi Ralin, ang ultimate dream girl ng bawat lalaki. Ngunit pagdating sa bahay, ultimate kabaligtaran. Si Tyron, nerd at social outcast. Ngunit pagdating sa bahay, ultimate hunk, supermodel, at sikat na bartender sa isang bar. Nang malaman ni Ralin an...