Chapter 2: Melon bread fight

106 2 0
                                    

Binuksan ko yung isang mata ko. *Blink, blink* Teka, hindi ko naman kwarto ‘to ah? Ang linis eh. Yung kwarto ko, isang malaking basurahan.

May nakita kong mukhang nakatitig sakin. Bigla akong napabangon.

“Aray!” Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit. Nabigla yata -___-

“Oh, oh. Dahan dahan lang kasi.” Napalingon ako para tignan kung sino yung nagsabi non.

“Kuya Josh?”

“Hinimatay ka nanaman, Ralin. Ano bang nangyari?”

Inalala ko kung ano nga ba ang mga nangyari. Wala na kong maalala pagkatapos nung pangyayari sa classroom. “Hindi ko na maalala eh...Teka, pano ba ko nakauwi sa bahay?”

“Nung napadaan ako sa school nyo, nakita kitang buhat-buhat ng isang lalaki. Buti na lang kakila-------“

“Aray, aray!” Napahawak ako sa ulo ko. Bigla na lang sumakit. Abnormal na katawan talaga.

“Oh, princess, ayos ka lang?”

“O-ok lang ako…”

My hearts a stereo, it beats for you so listen close.

Hear my thoughts in every note, oh oh…

Sinagot ni Kuya yung nagriring nyang phone.

“Hello….Ok, papunta na ko jan. Sensya na pre…..” humarap sya sakin. “Sensya na princess ha, kailangan ko nang pumunta sa Rendezvous. May gig pa kami eh.” Hinalikan nya ko sa noo tapos umalis. Nung may nasa pinto na sya, humarap sya uli. “Magpahinga ka ha. Dito ka na lang muna sa kwarto ko. Hindi ka makakapagpahinga don sa kwarto mo. Buti may nahihigan ka pa don. Tsk. Bye princess.”

Ang swerte ko talaga at nagkaron ako ng gantong kuya. Yung Rendezvous, yun yung bar na pinagtatrabahuhan nya. May banda kasi sila, at sya ang guitarist.

Dahil pasaway ako, pumunta na ko sa kwarto ko. Hindi naman malalaman ni Kuya eh. Nakakastress lang makita yung dump site este yung kwarto ko. Pano nga ba ko nakakahiga sa gantong kama? Kahit malaki yung kwarto ko, punong puno pa din ng kalat.

Hinawi ko lahat ng kalat at damit sa kama ko at nahiga. Inalala ko lahat ng nangyari kanina. Hindi ko alam, pero gusto kong kilalanin yung nerd na yon. Para syang nakabalot sa isang makapal na maskara. Gusto kong tanggalin yung maskara na yon. Gusto ko syang makilala.

As if kaya ko. -_____-“

Hinimatay na nga ako we. Hindi pa ba ko madadala? Pero kasi.. May kakaiba sa kanya eh. Bukas na bukas, itatanong ko kela Denise at Hazel kung sino ba talaga si Nerd. Hindi sa gusto ko, pero may kung anong nagsasabing KAILANGAN ko. Itutulog ko na nga lang ‘to. Nababaliw na yata ako. Tss

*Meooooow, gising na Ralin!*

Ah, ang ingay. Peste. Istorbo! Ang sarap sarap ng tulog ko e. Kasama ko pa si Dylan ngayon.

*Ralin, Ralin! Gising na! Meow!*

Anobey. Wag nyo kaming guluhin ni Dylan Baby ko.  Malapit na nya kong halikan oh. Malapit na.. Konti na lang. Oh kiss me, Dylan. Wag mo silang pansinin.

*RAAAAAAAAAAAAAAAALIN!*

*poooof* Dylaaaaaaaan! No! Don’t go!

Kinapa ko yung alarm clock ko at kamuntik nang mahagis. Buti na lang naalala ko na yun nga pala yung alarm clock na bigay ni Kuya Josh sakin. Hugis pusa sya kasi mahilig ako sa mga cute na pusa, at never kong sisirain.

“Whew. Muntik na ‘yon. Ang ingay ingay mo naman kasi eh.” Tinignan ko yung tiyan nung pusa para tignan yung oras. “Tignan mo! 6am pa lang oh. Sabado pa ngayon. Sinira mo yung moment namin ni Dylan! I hate you! I hate you!” Inalog alog ko yung alarm clock sa gigil. Nakalimutan ko palang tanggalin yung alarm, kaya ngayon, binulabog ako.

Mr. & Ms. Fake Identities (On hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon