KAPITULO IV: The Left Eye and the Contract

18 0 0
                                    

click multimedia above to see Yuji's left eye seal------>

---
Nag-aalmusal ako habang nanonuod sila Mama ng TV.

"Isang bangkay ng isang matandang lalaki ang natagpuan sa silangang bahagi ng Armenia, na tinatawag na Argon. Ang nasabing bangkay ay pinaniniwalaang pinagdiskitahan ng mga naglipanang mga adik......"

"Nakakatakot naman"-Mama

"Kaya ikaw Yu, umuwi ka agad ng bahay pagkatapos ng klase mo at baka ikaw naman dyan an mapagdiskitahan, ipapasundo kita sa sasakyan"-Papa

Hindi ko sila sinagot dahil nakatuon ang atensyon ko sa balita.

"Siya nga yung lalaki kahapon. Tsk ! pinatay ng mga adik? kalokohan"

"Yu? Yuji? anak!?"-Mama

"ah?"-baling ko kay mama.

"A-aray"-napahawak ako sa kaliwang mata ko kasi kumikirot sya.

"ok ka lang ba anak?"

"o-opo, saglit lang po"-tumakbo ako papuntang banyo, at hinawi ang buhok kong tumatakip sa kaliwang mata ko.

Sa tanang buhay ko ngayon lang ako natakot ng ganito.

Yung kaliwang eyeball ko kusa syang gumagalaw parang gusto nyang lumabas sa mata ko.

"a-ahhh!!"

pinagmasdan ko ang unti-unting pagbabago ng mata ko.
Kumalma na sya at bumalik na sa dating itsura. Hindi na siguro maibabalik ang dati kong mata. Ganito na siguro ito. Parang may magic circle na nakaukit sa kaliwang mata ko. At hindi ko alam kong para saan ito.

Kailangan kong malaman kung anong nangyayari sakin.

Ano ba yung sinasabi niyang wag kong hahayaang mamatay ako?

May mga gusto bang pumatay sakin?

Bakit nila ako papatayin?

May kinalaman ba dito ang nangyari sa kaliwang mata ko?

Mga tanong na kailangan ko ng sagot. Pero saan ako magsisimula?
---
Naglalakad ako ngayon papuntang school at naglalakbay ang isip ko. Napag-isip isip ko na kung kailangan ko ng sagot sa katanungan ko kailangan kong magsimula sa pagbabasa.
Lumiko ako sa kanan which is taliwas sa daan papuntang school namin, wala akong pakialam kung pagalitan ako ni papa basta may kailangan akong gawin.

"Hep hep ! saan ka nanaman pupunta Yu? May pasok ngayon di mo ba yun alam?"

Nakataas kilay nyang tanong habang nakaharang sa dadaanan ko.

"Paki mo? Tabi."

Lalagpasan ko na sana siya kaso bigla niya akong hinawakan sa balikat, lumingon ako diretso sang'ga sa paa niyang papunta sa tiyan ko. Hah ! akala mo ha. Hinatak ko siya, sabay ikot ng mga kamay niya sa likod niya at pinadapa ko siya sa lupa.

"a-aray ! suko na ako, okay?"

Tumayo na siya habang pinapagpagan ang school uniform niya.

Nauna na akong umalis at sumusunod pa din siya.

"Bakit mo ba ako sinusundan?"

"Syempre, sasama ako sayo no.. delikado ang laging mag-isa sa panahong ito"

Napalingon ako sa kanya.

"De? saan nga ulit tayo pupunta?"

-_- mukha ko
^_____^ siya

"Tsk ! bahala ka kung ano gusto mo gawin"

"hmm~ hmm~"

Pakanta kanta pa siya habang nakasunod sakin.

Siya si Clay Brion. Ang "bestfriend" ko.....sa isip niya. =_=

"pft.... wag mo naman ako kinakawawa sa isip mo"

"anong ibig mong sabihin?"

Nabasa niya isip ko?

"ah.. hahahaha.. nandito na ata tayo? tara na"

Nauna na siya habang ako ay tinitingnan lang siyang papasok ng pinto.

"heeh..."-ako *smirks*

Ito nga pala ang public library ng Armenia City. Di ito parehas ng ibang library na maliit at pili lang ang mga librong nakalagay. Dito, maraming libro magmula sa myths hanggang sa mga novels. Magbabasakali akong makakuha ng impormasyon tungkol dito sa kaliwang mata ko.

THE FALLEN CITY (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon