KAPITULO VIII: The Long Run [p.2]

9 0 0
                                    

Tumakbo ako palayo sa kanila. Paglingon ko sa likod ko nanlaki ang mata ko ng may mga naglitawan pang mga kasamahan ang kultong gustong pumatay sakin.

San na ako pupunta?

Nakita ko si Clay na kalalabas lang sa isang food store. Dami niya kasing bitbit na pagkain at kumakain din siya at the same time =_= Nagpabalik balik ang tingin niya sakin pati dun sa tatlong lalaking humahabol sakin.

"Takboooooo......"-ako

At sabay na kami ngayon ni Clay na tumatakbo.

Napadpad kami sa isang madilim na eskinita, nagtago kami sa likod ng dalawang malaking drum.

Hingal na hingal ako, ganon din si Clay. Napaupo siya sa lupa sa sobrang pagod habang ako ay nakalagay ang mga kamay sa aking tuhod.

"Yuji Arcadia, anong nangyayari? Bakit ka nila hinahabol? At anong pauso mo? Bakit may eyepatch ka na ngayon?"

"tsk !"

"Pwede bang sabihin mo naman sakin? Wala ka bang tiwala sakin?"

Huminga ako ng malalim.

"Clay, hindi ko sila kilala promise. Nandon lang ako sa tulay kanina tapos bigla silang lumitaw at hinabol ako."

"Hala ! may balak silang patayin ka?"

"Pano mo nalaman?"

"Ganito kasi yung mga napapanood kung anime eh, hinahabol nila yung bida kasi meron siyang something.....wait...D-don't tell me...."

He gasps.

Ang galing talaga ng lalaking ito magkonek konek ng mga detalye. Natumpak niya eh.

"Tama ka, may kailangan nga sila sakin. Pero hindi ko pa alam kung may kinalaman ba talaga sa bagay na yun kung bakit nila ako hinahabol"

Tinanggal ko ang eyepatch sa aking mata at dahan dahan kong binuksan ang aking kaliwang mata para ipakita kay Clay ang aking itinatago.

"w-wow.. ang gandaaa...Ano yan? M-magkaiba ang kulay ng mga mata mo, pero kung tititigan mong mabuti may parang marka sa loob ng mata mo"

"Hindi ko din alam pero nitong mga nakaraang araw, kapag nagliliwanag itong marka sa mata ko its either makikita ko ang hinaharap 3 minutes before mangyari o ang nakaraan"

"ang galiiiiing.... ang galing galing ng bestfriend ko. Haha. I have an amazing bestfriend. I should celebrate"

"No, I think you should run. Run away far from here. Far from me. Ayokong madamay ka pa dito. Lalo pa't ganito na ang sitwasyon"

"No, dito lang ako Yu, sasamahan kita"

Huminga akong malalim, ang kulit ng lahi nitong si Brion. Ilang beses ba itong ipinanganak.

"Look, Im just protecting you-"

"Then, I'll protect you too."

Napatanga ako sa sinabi niya.

"I, Clifford Brion, Yuji Arcadia's bestfriend promise not to leave his side no matter how worst the situation is. Even if its a matter of life and death. I'll be Yuji's best ally and support. And promise not to betray him. Not ever"

"Clay, di ito joke"

"Mukha ba akong nagjojoke? I know that sometimes paloko ako. Pero seryoso ako kapag ikaw na ang pag-uusapan. You are a family to me. This is just normal for a family, the right to protect."

Napangiti ako sa sinabi niya. Family, huh?

"brr.. ang creepy ngumiti ka nanaman"

Babatukan ko sana siya ng maramdaman kong nabubuhay ang marka sa aking mata.

"woah, I can see clearly the mark on your eye"

Nagulat kami nang may lumitaw na magic circle sa pader, paghawak ko sa pader parang tumatagos doon ang kamay ko.

At sa isang iglap ay may malakas na pwersang humatak sa likod ng pader na ito. Nanlaki ang mata ko ng unti-unti kaming tumatagos sa pader.

"AHHHHHHHHHH !!!!!"-sigaw ni Clay.

Parang kaming nahuhulog sa kawalan. Ewan kung saan kami lalanding.

Maya maya, nahulog kami sa tubig.

Napatingin ako kay Clay kasi kinakapa niya ang sarili niya, pagkaahon namin.

"Buhay pa ako. Hallelujah !"

At may nalalaman pa siyang paluhod luhod, para tuloy siyang muslim kapag nagsasamba sa kanilang Alah.

pft...

"ayoko na, feeling ko sumakay ako sa roller coaster na puros lang pababa"

Reklamo agad ni Clay.

Nasaan kami?

"Nasaan tayo?"-Clay

"Di ko din alam"-ako

Pagtalikod namin ay may mga nakatutok sa leeg namin na mga espada. W-wait espada ba tawag dito? Para yung mga human sized na tinidor. Mga babae sila na..uhh.. pano ko ba idedescribe ang mga kasuotan nila. Para silang mga spartan warriors.
Sabay sigaw ng...

"INTRUDEEEEERRRRSSSSSS......."

THE FALLEN CITY (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon