Nandito pa din ako sa library, at ito namang kasama ko kinakain na ata ang mga papel -_-"Yu~ tapos ka na ba?~"
"Di"
"May CR ba dito? naiihi na ako eh"
"Ewan"
Namalayan ko na lang na tumayo na siya sa kinauupuan niya an tumakbo palabas.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng biglang naramdaman kong kumikirot ang mata ko. Napahawak ako sa mesa dahil parang nagdidilim ang paningin ko. Ano nanaman ba ito? Napatingin ako sa shelf cabinet nah nasa kanan ko. Yung shelf cabinet na yun ay gawa sa salamin kaya nakikita ko ang repleksyon ko pati na din kung anong nangyayari sa kaliwang mata ko. Parang nagliliwanag ito at nagiging mas visible ang seal na nakaukit sa mata ko. Habang nakatitig ako dito ay may lumabas na pangitain sa utak ko.
"T-tulong.... argh....Y-Yu..."
Napamulat ako.
Hindi...
Hindi maari..
Si Clay.
Nakita ko siya, nakahandusay sa sahig ng banyo at may tama ng saksak sa bandang tiyan.
Nagmadali akong tumakbo. Ni'dial ko ang number niya.
"Hewow? Yu? bakit?"
"Asan ka na?!"
"Wag ka magalit, nasa CR ako. Haba ng pila eh"
"Wag ka papasok ng banyo"
"Huh? bakit? ai wait, ako na sunod. Bye!"
*toot toot*
Naloko na ! Saang banyo ba siya napadpad? aish !! Pagdating ko ng ground floor nakita ko ang agad ang sign na "THIS WAY TO COMFORT ROOM"
Pagdating ko sa pinto...
"Yo !"
O.O
"UMALIS KA DYAN !"
tinakbo ko ng ubod ng bilis ang distansya namin ni Clay, nakita ko ang parang baliw na madungis na lalaki na nakatayo sa pinto ng banyo at inaambahan ng kutsilyo sa likod si Clay.
"woah. woah. woah. Don't underestimate me fool!"
Naunahan ako ni Clay at siya ang nakapatumba dun sa baliw. Nakita ko na lang ang lalaking nakahandusay. Pinilay ko ang kamay niya para mabitawan niya ang kutsilyong hawak niya at agad siyang dinampot ng mga dumating na pulis.
"Oh anong nangyari sayo? Bakit ang haggard mo?"
"Ha? Wala.."
"Hahaha. nag-alala ka lang sakin eh"
"Tsk ! tara na"
Narinig ko siyang bumungisngis sa likod ko. Nilingon ko siya at tiningnan ng matalim.
"Peace ^_^v"
Yan si Clay, masasabi kong siya ang maituturing kong tunay na kaibigan. Mula pagkabata lagi na siyang nakasunod sakin at ewan ko nasanay na lang din akong nandyan siya. Nagmula siya sa pamilyang Brion, isa sa four noble families. Para siyang pusa =_= clumsy, parang may kiti-kiti sa katawan, madaldal at happy go lucky, at siya lang ang malakas ang loob na tawagin ako sa palayaw kong "Yu", makapal mukha niya eh.
---
Pagdating ko sa bahay nahiga agad ako sa kama ko. Bumalik sa akin ang nangyari kanina."Wala din naman akong nakuhang impormasyon"
Pero yung nangyari kanina, parang nakita ko ang mangyayari sa hinAharap. Napahawak ako sa kaliwang mata ko. Lumapit ako sa salamin sa may banyo ko at pinakatitigan ang mata ko. Di na ulit visible ang circle na nakaukit sa kaliwang mata ko. Pero di pa din nito maitatagong magkaiba na ang kulay ng mga mata ko. Sa kanan ay berde, at sa kanan ay lila kung nasaan nandon ang pruweba ng kontrata daw namin nung lalaking nakita ko sa daan. Hindi kaya nagiging visible lang ang circle kapag may ipapakita siya sakin na mangyayari 3 mins. bago mangyari ang bagay na yun?
"Aish !!"-ginulo ko ang buhok out of frustration, at nahiga ulit sa kama.
Di ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa kisame at pagkatapos nun ay nakatulog na ako.
a/n: Lakaki din po si Clay Brion ^_^
Happy reading..
BINABASA MO ANG
THE FALLEN CITY (on going)
FantasyGenres: action, supernatural, comedy, shounen, fantasy Synopsis: 15-year old Yuji is a silent, no-friend, lazy and a cold-hearted highschool boy. Everyday is such another typical day for him. Upon one night, going home from school he saw a man lying...