Naglalakad kami ni Clay papasok sa school pero naglalakbay nanaman ang isip ko.
Ano yun? Nung nakaraan ang hinaharap ang nakikita ko. Tapos kagabi lang nakita ko ang nangyari na. Napatingin ako sa kamay ko. Kapag ba may hahawakan akong tao sa kamay makikita ko ang nakaraan niya?Hinawakan ko sa kamay si Clay, at biglang parang nagbago ang facial expression niya para siyang natatae na ewan. Napaatras siya ng ilang centimetro sakin at tinuro-turo ako.
"M-mmmm...i-iiiii"
Napataas ang kilay ko, hihilain ko palabas dila niya eh. Kailan pa ito natutuong magsalita ng isang letra lang.
"Yan ba uso ngayon? -_-"
"B-bakit mo hinawakan ang kamay ko? Bakla ka noh? WAAAAHHHH !!!! di na ako virgin, huhu"
Ang arte naman ng lalaking ito.
"Arte mo, tara na"
Naglakad na ako pauna habang sumusunod siya.
"Huy Yuji, di ka talaga bakla ha"
"kulit"
Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang sa daan ko. Tiningala ko siya para makita ang mukha niya. Pero humarang sa gitna namin si Clay.
"Anong kailangan mo?"-seryosong tono ni Clay, ngayon ko lang siyang nakitang ganyan.
"Sigurado ka bang haharangan mo ako?"
Nagkatitigan sila ng matiim.
"Hahaha. see you later kiddos"
Nanigas ako sa presence niya. Parang ang init, nakakapaso. Mas lalo akong di nakagalaw ng may binulong siya sakin bago niya ako lagpasan.
"Magkikita pa tayo ulit Yuji Arcadia"
Nang lingunin ko siya...
"W-wala na siya?"
Nagulat ako ng hilain ako ni Clay.
"Bilis ! late na tayooo..."
Napatakbo na din ako dahil ayaw ko din ma'late.
---
Haay salamat, tahimik na din ang buhay ko. Walang nakabuntot na Clay sakin. Napadaan ako sa tulay na malapit sa ilog kung saan ko nakita dati ang matandang yun. Pinuntahan ko ang eksaktong lugar kung saan nawala ang kaliwang mata ko at napalitan ng kakaibang mata.Napabuntong hininga ako.
"Hanggang kailan niyo balak magtago diyan?"
Pagkasabi ko nun ay nagsilabasan ang nasa sampung tao na nakasuot ng weird na damit. Cloaks? Black cloaks? Ano sila, mga kulto?
"Hahaha.. napansin mo kami kid. Nice ! Mukhang ikaw na nga ang hinahanap namin, ang eyepatch na yan sa kaliwang mata mo ang nagsasabi. Diyan inilagay ng matandang yun ang seal hindi ba?"
"Yuji Arcadia, tama? isa sa pamilyang kabilang sa 4 Noble Families"
"Heeh? How dramatic"-ako
Aalis na sana ako ng maramdaman ko ang presence niya sa likod ko, paglingon ko sisipain niya ako kaya out of instinct iniharang ko ang kamay ko para sanggain ang sipa niya.
Pero hindi ko inaasahan na sobrang lakas niya kaya napatilapon ako sa malayo, pagtayo ko naramdaman kong nagdudugo ang gilid ng labi ko."Pwe !"-ako
"Kailangan mong mamatay, iyon ang itinakda ni Hades"
"Well, well, well, that's too bad. We will not let you kill him"
Panibagong mga kulto nanaman ang nagsidatingan, siguro nasa lima lang sila. Dito pa talaga nila naisipang mag'reunion. Tatakbo na sana ako ng hawakan ako sa balikat nung isang lalaki na kasama sa bagong dating na kulto.
"Bitiwan mo ako, di ako kasali dito"
"No kid, because you are the cause of this"
"A-ano bang sinasabi mo"
"Your fate has been decided since you met that old man and accept the contract. For Now, you must run and don't let yourself get caught. We will follow later. Kailangan lang namin tapusin ito."
Pagkatapos nun ay tumulong na siya sa mga kasamahan niya.
"Run kid, RUN !"
Tumakbo ako at lumayo kung saan nagaganap ang labanan nila.
BINABASA MO ANG
THE FALLEN CITY (on going)
FantasyGenres: action, supernatural, comedy, shounen, fantasy Synopsis: 15-year old Yuji is a silent, no-friend, lazy and a cold-hearted highschool boy. Everyday is such another typical day for him. Upon one night, going home from school he saw a man lying...