Clay's P.O.V.
Nasa harapan kami ng tatlong malalaking upuan na kasing taas ng 80 floor buildings.
Ok? anong meron dito?
"Reina, anong sadya mo dito?"-bahagya siyang yumuko kaya sumunod din kami.
"Mayroon pong dalawang nilalang na nais kayong makita"
"Hmm.. mukhang hindi sila mga tiga rito sa Fallen City"-sabi ng malaking boses na di namin alam kung saan galing
Maya maya pa ay may tatlong nilalang na naka'cloak ang nasa harap na namin. Ibinaba nila ang kanilang mga hoods at sumilay samin ang tatlong lalaki. Sila marahil ang mga vessels.
May mga gold silang mata. WOW *0*
"Ako si Zeus, at ito ang aking mga kapatid na sina Poseidon at Hades. Maligayang pagdating sa aming lungsod. Ano ang maipaglilingkod namin sainyo mga binata?"
"Bakit kami nandito?"
Napa'facepalm na lang ako sa sinabi ni Yu, ang straight forward talaga kahit kailan. Wala man lang paligoy ligoy?
"Hindi namin sigurado ang sagot sa tanong mong iyan binata, pero iisa lang ang malapit na sagot. Maaring may inheritance kayo kaya kayo nandito saamin"-Poseidon
Dahil tamad si Yu ako ang nagkwento ng lahat ng nangyari mula nung napasok ako sa eksena.
"So, ang sinasabi niyo ay may lumitaw na magic circle sa pader at hinila kayo nun...at nalaglag kayo sa tubig?"
*tango tango*-Yuji
"Hmm...at may humahabol sa inyong mga weird na figurine?"-Hades
"mga taong naka'cloak aking kapatid at hindi figurines"-Sabi ni Zeus, habang si Poseidon naman ay ni'tap ang balikat ni Hades.
pft..
"Sabi ng isang lalaking nagtanggol sakin magbabago daw ang buhay ko mula noong tinanggap ko ang kontrata sa matandang yun. Tsk !"-Yu
kontrata?
"Kontrata?"-Zeus
"ah. tama ! yung kaliwang mata mo Yu, ipakita mo sa kanila"
Tinanggal ni Yu ng parang tinatamad ang eyepatch niya at doon sumilay ang napakaganda niyang mata.
Ewan ko pero para sakin ang ganda ganda ng mata niya, kung nasa mundo namin siguro siya aakalain nilang cosplayer itong si Yu or may contact lens sa isang mata. Pano ba naman eh magkaiba ang kulay ng mga mata niya. Its still amazing for me.
Nagkatinginan ang 3 gods, na parang di makapaniwala.
Yu, brace yourself.
*smirks*
Alam ko kasing may matutuklasan kaming malaking sekreto.
YUJI'S P.O.V.
"May tanong ako, bakit nabanggit ng mga gustong pumatay sakin ang pangalang HADES? Sabi nila, kailangan ko daw mamatay yun ang itinakda daw ng Hades"-at napatingin ako kay Hades
"Huh? ako?"-turo niya sa sarili niya.
Nagkatinginan nanaman silang tatlo at sumeryoso ang kanilang mga itsura."Hades?"
May panibagong boses kaming narinig. At nagsilitawan ang iba't ibang tao.
Sa pagdating nila, nakompleto na ang labing-isang Greek gods and goddesses.
Pero Parang may mali...
"Bakit kasali si Hades?"-matalim niyang titig kay Hades
Sa pagkakaalam ko siya si Hera.
"Nanggugulo ka nanaman ba sa mga mortal?"-at ito marahil si Athena dahil sa may espada siya sa beywang.
"Paano ka nga ulit binata nakatakas sa mga gustong pumatay sayo?"-Poseidon
"May mga dumating din pong naka'cloak na itim at sila ang nagligtas saakin"
Napahawak sa chin niya si Zeus.
Lumapit sa kanya si Athena.
"Ama"-tumango si Zeus
"Doon tayo sa silid tanghalan"-Hermes, may pakpak kasi ang sandalyas na suot niya.
Pagkapasok namin sa isang silid umupo sa kanya-kanyang pwesto ang labing-isang gods & goddesses.
"Yu, bakit feeling ko masasabon tayo dito?"
Naupo na din kami sa upuan na nasa harapan nila.
"Ang ganda naman ng mata mo"
Napaatras ako kasi ang lapit lapit ng mukha niya.
"Aphrodite, please behave yourself infront of our guests"-si Poseidon
"Parang nakita ko na ang mga matang yan dati, I mean yung kaliwang mata mo. I think I saw that somewhere"-Artemis
"You are right Artemis because that eye is your twin brother's"-Zeus na kadadating lang kasama si Athena na may dalang makapal na book.
Napatingin kami sa kanya.
"Sinasabi ko na nga ba, tama ang hinala ko, just I thought that I saw that somewhere....just because its my twin brother's"-Artemis
Ha? Naguguluhan na ako, pagmamay-ari ito ng twin brother niya? Ang kaliwang mata ko? Sino ba ang twin brother niya?
"Matanong ko lang, sila ba ang mga taong tumulong sa inyo?"-Zeus
Pagkasabi nun ni Zeus ay may naglitawang mga taong naka'cloak out of nowhere, bigla na lang silang sumulpot.
Naalarma kami ni Clay, napatayo kami. Nakitang kong nag'smirk ang isa sa kanila. Kumunot ang noo ko.
Isa-isa nilang ibinaba ang mga hoods ng kanilang cloak. Lima silang lahat, may tatlong lalaki at ang dalawa ay babae.Nag'bow sakin ang lalaking mukhang leader nila. Malaki siyang tao at may scar siya sa gilid ng kanan niyang kilay.
"Masaya po kaming makita kang ligtas"
Natatandaan ko ang boses niya, siya yung nagsabi sakin na ako ang dahilan ng gulo sa mundo namin bago niya ako pinatakbo.
"Natatandaan kita"-sabi ko
Matapos kong i'confirm kela Zeus na kilala ko sila, pinaalis din kaagad sila.
"Kung maari lamang ginoong Clifford ay nais naming makausap si Yuji ng siya lamang"
"No, dito lang siya. Malalaman din naman niya ang lahat"-ako sabay lingon kay Clay. Nag'thumbs up lang sakin si Clay.
"Tama, dito lang ako"-Clay, sabay akbay sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hihi, peace" 😝
BINABASA MO ANG
THE FALLEN CITY (on going)
FantasyGenres: action, supernatural, comedy, shounen, fantasy Synopsis: 15-year old Yuji is a silent, no-friend, lazy and a cold-hearted highschool boy. Everyday is such another typical day for him. Upon one night, going home from school he saw a man lying...