"Nandito na ako"-ako, habang nagtatanggal ng sapatos."Okayrii"-Mama
Napansin kong may kausap si papa sa sala at nagtatawanan sila. Isang lalaki na kaedaran din nila Papa. Di ko naman siya kilala kaya di ko siya pinansin.
"Yu ! anak, ito nga pala si Ed isa sa mga matatalik kong kaibigan noong panahon namin"
"Hello"-sabi ko
Bago pa ako umakyat sa kwarto ko narinig ko ang iba nilang pinag-uusapan
"Natutuwa daw si Yu na makilala ka"-Papa
"Di naman mukhang natutuwa ang mukha niya eh, blanko lang"
"Ah. hahaha. ganon talaga yun. Kahit masaya siya, malungkot o nagugulat ganon na talaga mukha niya"
Tss. Pag'chismisan ba naman ako. Eh sa ganito na talaga ang facial expression ko eh. Plain, blank, steady. The right definitions.
"Anak?"
Si mama pala.
"Po?"
"May problema ba ang isa mong mata? Bakit laging natatabingan ng buhok mo?"
Hahawiin na sana ni Mama ang buhok ko pero hinawi ko ng bahagya ang kamay niya at umatras.
"Ok lang po ako Mama, namamaga kasi"
Sabi ko habang tinatakpan ng kamay ko ang kaliwang mata ko. Mahirap na, baka makita ni mama kung ano ang tunay na nangyari sa mata ko.
"Ganoon ba? Baka matagal pang gagaling yan o kea ay $@%#&"
Ano daw?
"Po?"
"Ah. wala naman, ito gamitin mo muna ito para hindi mo na kailangan takpan ng buhok mo ang pamamaga ng kaliwang mata mo baka lalo ma'impeksyon eh"
Ganyan lang si mama, hindi siya nagalit kailanman. Lagi lang siyang kalmado at nakangiti.
Tiningnan ko ang hawak kong bigay ni Mama.
"Isang eye patch"
Tiningnan ko siya hanggang sa pababa na siya ng hagdan.
---
Sumunod na araw, napansin kong aligaga sila Mama at Papa. Si papa busy sa phone, si mama naman parang di mapakali."Anong meron?"
Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Clay na nagtatanggal ng sapatos.
"Nagulat ako sayo"
"Nagulat ka? Di halata. Hahaha. Good evening po, tita tito. Ano pong meron?"
"Oh ! Clifford mag'sleep over ka ba ulit dito?"
"Opo, inalok po ako ni Yu eh"
"Tss. Ikaw nag-alok sa sarili mo eh"
Kahit kumakain na kami ay parang busy pa din silang dalawa.
"Uhh.. Tita tito, ano pong meron?"
"Nawawala kasi ang blueprint ng company branch na itatayo sana natin sa Argon, ewan kung sino ang kumuha, wala pang lead ang investigation team ng Arcadia family"
Tumigil ako sa pagkain at nakinig sa kanila. May nawawalang blueprint?
"Importante po ba yun? Di kumuha na lang po ulit kayo ng Engr. na gagawa nun"
"Hindi eh, kasi ang gumawa ng blueprint na yun is si papa pa, ang lolo ni Yu."-Papa
"Iyon pa naman ang huling hiling ni papa, ang itago ang blueprint na yun"-Mama
Nakarinig kami ng sunod sunod na doorbell. Pinagbuksan yun ni Mama.
"Oh Ed, gabi na ah. Anong sadya mo?"
"Nahuli na ang kumuha ng blueprint, at nasa pangagalaga na ng Arcadia facility ang blueprint ngayon"
"Talaga???"-Si mama na tuwang tuwa.
"Salamat sa tulong mo Ed"
Dahil sa kaugalian ng pamilya namin pati ako ay kailangan ding magpasalamat sa taong tumulong samin. Nakipagkamay ako sa kanya.
Hawak ko na ang kamay niya ng maramdaman kong nagiging visible nanaman ang seal sa loob ng mata ko.
Pagkatapos nun ay may mga imaheng lumabas sa utak ko.
Nakikita ko si.....Ed?
may kausap siyang tao pero nakatalikod ang taong kausap niya sa point of view ko.
"Kunin mo ang blueprint pagkatapos ay dalhin mo sakin. Ipapalabas nating may nagnakaw nun at ako ang magbabalik sa kanila para isipin nilang tumulong ako. Para hindi na magdalawang isip si Arcadia na ipasok ako sa main company nila sa Greece. At kapag mangyari yun, magagawa ko na ang mga dapat gawin para matanggal ang mga Arcadia sa 4 noble families."
"A-aray !! ano ba?!!"-daing nung Ed nung higpitan ko ang hawak sa kamay niya.
Hinawakan ako ni Clay sa balikat.
Parang pinapakalma ako.
Pagkatapos nun ay umalis din agad yung Ed dahil sisiguraduhin pa daw niyang maayos ang blueprint at mahigpit ang pagbabantay."Haay salamat, makakahinga na tayo ng maluwag Mahal"-Papa
Kasalukuyan kaming nasa sala.
"Papa, naalala mo yung usapan natin nung nakapasa ako sa Armenia Academy at nag'top ako?"
"Ah. yung hahayaan kitang humiling sakin ng kahit ano basta i'top mo lang ang exam sa Armenia? ofcourse, I remember. De? What about that?"
Ngumiti ako.
"Brr.. grabe nakaka'goosepumps ka talaga Yu kapag ngumingiti ka"
"Shut up! -_-"
"oh? hoho~ wag mo sabihin saking may natitipuhan ka sa school niyo at hihingi ka ng tulong sa iyong Papa? hahaha.. Mahal lumalaki na ang anak natin"
"tss. aanhin ko ang babae?"
"ah? hindi ba yun? Eh ano pala?"
"Gusto kong wag mong ipasok sa company natin yung Ed, sa kahit saang branch at kahit saang Department"
Natigilan silang tatlo sa sinabi ko.
Napangiti ng makahulugan si papa at tumango kay mama. A-anong ibig sabihin nun?"Wish granted"-si papa habang nakaakbay kay Mama. Minsan ang weird nila, di ko na lang pinapansin. Ganon siguro kapag matatanda na.
Tumayo na ako.
"Matutulog na ako"
"W-wait lang Yu, baka i'lock mo ang pinto eh sa sala pa ako matulog nito. Goodnight tito, tita"
---
Naglalakad kami ni Clay papasok sa school pero naglalakbay nanaman ang isip ko.Ano yun? Nung nakaraan ang hinaharap ang nakikita ko. Tapos kagabi lang nakita ko ang nangyari na. Napatingin ako sa kamay ko. Kapag ba may hahawakan akong tao sa kamay makikita ko ang nakaraan niya?
BINABASA MO ANG
THE FALLEN CITY (on going)
FantasyGenres: action, supernatural, comedy, shounen, fantasy Synopsis: 15-year old Yuji is a silent, no-friend, lazy and a cold-hearted highschool boy. Everyday is such another typical day for him. Upon one night, going home from school he saw a man lying...