CHAPTER 7…Andrew vs. James
Picture ni Divine sa Right side
James POV
Nasaan naba ung babaeng un? Tinatakasan ba niya pagiging katulong niya?Ang boring tuloy.andami pang mga babaeng nagpapansin. Nakakaasar.
Nakita ko nalang si Reina kasama ung pangit niyang bestfren. Nakaakbay sa kanya habang naglalakad sa hallway. Naguusap ata sila tapos bigla nalang hinalikan ni bestfren si Reina sa noo. Si Reina ngumiti naman dun sa pangit niyang bestfren. Mas lumala pa ung asar ko. Nilapitan ko silang dalwa saka hinila si Reina.
“aray ko naman James. Anu ba un?”Reklamo ni Reina.
“San ka ba galing?Kanina pa kita hinahanap! Tinatakasan mo ba ko ha?!”sigaw ko.
Reina’s POV
Nagtinginan mga tao sa hallway. Natakot talaga ako. Natatakot kasi ako pagsinisigawan pero saka lang ako napapaiyak pag alam kong galit ung sumisigaw sakin . OA na kung OA pero pag may sumusigaw sakin, naaalala ko si dad noon nung nagaway sila ni mama dahil sa lalake.Bata pa ako nun kaya siguro natrauma ako. Hindi ko namalayang humihikbi na ako. Nagulat ata si James kaya bigla akong niyakap.
“Hey, I’m sorry. Nabigla lang ako” sabi niya habang hinahaplos buhok ko.
James POV
Di ko alam gagawin ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa hallway. Nakita kasi nilang pinaiyak ko si Reina. Nakakaguilty. Nanginginig pa siya ngaun.
“I’m so sorry. Tahan na ha?Di ko na uulitin. I’m sorry talaga.” Pag-alo ko sa kaniya habang siya eh umiiyak pa rin. Feeling ko tuloy ang laki laki ng kasalanan ko.
(sambayanang Pilipino: MALAKI NAMAN TALAGA!)
Hala pa. pati mga nagbabasa lang eh pinapagalitan na ko.
“ Anu bang problema mo pare?Pati si Reina sinisigawan mo!”sabi nung asungot sa harap ko habang hinahawakan ung kamay ni Reina. Balak pang agawin sakin si Reina . Siyempre hindi ako papayag kaya pilit kong tinatanggal ung kamay niya. Galit na talaga ako. Nakatingin lang ako sa mag mata niyang galit na rin.
“ Oh my Gosh!dalawang hottie, pinagaagawan ang isang nerd. Magpapakanerd na rin ako!”sigaw nung isang bakla saka naghanap ng mahihiraman ng salamin.
Di ko nalang pinansin ung mga taong naguusap sa paligid namin. Nagulat ako ng magsalita si Reina.
“Tama na please, nasasaktan na ako” sabi niya ng humihikbi pa rin.
Napabitiw naman si Bestfren kay Reina. Hahahaha. My win (Thank You Author!)
(WElCOME:) )
Tinanggal ko ung isa pang kamay ni Reina na nakahawak sa mukha niya saka tinanggal ung salamin niya at saka binulsa. Nabigla na naman ako sa ganda niya pero pinunasan ko pa rin ung luha niya.
“Sorry na ha? Tahan ka na. ‘Di ko na uulitin Promise.” Sabi ko na tinaas pa kanang kamay ko na parang nagpapangakong makabayan.
Tumingin naman siya sakin saka tumango ng mabagal.
Hinawakan ko ung ulo niya saka marahang hinila palapit sa dibdib ko. Baka may ibang makakita sa ganda niya eh kung anu pang mangyari. Walang nagawa si asungot dahil kusang sumama si Reina sakin papuntang clinic. Ayun siya, nagngingitngit sa galit. Wahahahaha!
Nang makarating kami sa clinic eh nakiusap ako sa nurse na payagang bantayan si Reina habang tulog. Kasalanan ko naman kung bakit siya nagkaganyan.
“Pahinga ka muna. Sorry ulit ha? ‘di ko na talaga uulitin.” Sabi ko habang inaalalayan siyang umupo sa kama.
“Tanggalin mo muna kaya yang ipit mo” suggest ko, Pero di naman siya tumalima kaya hinawakan ko na ung tali ng buhok niya saka hinila.
HAALAA! Hindi lang tali ung natanggal ko! Pati buhok niya! Nagulat din siya at balak pang kunin ulit ung buhok niyang nahuhulog na pero pinigilan ko. Wahahahaha. Wig pala un
“wahahaha wig pala un! Juice ko! Kinabahan ako!” sabi kong natatawa pa pero napatigil ako sa pagtawa ng makita kong bumagsak ung tunay niyang buhok. May anghel ata sa harap ko.
“ Hmp, tatawanan pa talaga ako.” Sabi niyang nagpout pa.
“opps, wag mong gawin yan. Baka mahalikan kita ng di oras” babala ko. Napaganda talaga niya. Kailangan ko siyang itago para akin nalang.
Hala, anu ba ‘tong iniisip ko?
“ Ma’am nurse?! Nasan po kayo? Hihingi po sana ako ng gamot. Naubusan ng gamot sa kabilang building.” Sigaw ng lalakeng di ko alam kung sino.
Huli na para takpan ko si Reina. Pumasok nalang bigla ung lalake sa kwarto.
Sino kaya ang lalakeng pumasok?
BINABASA MO ANG
Nerdy Girl =The MODEL in MASK?
Novela JuvenilNalaman ni James ang sekreto ni Reina at gagamitin niya ito para maging Personal ALALAY o para lang mapalapit ito sa kanya? Ano nga ba ang tunay na motibo ni James? Is it for fun or for love?..