CHAPTER 15...Jealous

1.1K 14 2
                                    

CHAPTER 15…Jealous

 picture po sa right :)

update po ulit ako mamaya

Reina’s POV

Kinausap ko na din si Divine sa problema ko and guess what. Ito ang sinabi niya sakin.

*flashback*

“Ahy bes ang t*nga mo. Besfren ba talaga kita?”tanong niya.

“oo na okay? Ikaw na si matalino. Ako na si t*nga. So anu isusuggest mong gawin ko?”tanong ko.

“magtatalon ka sa saya. Siyempre magsorry ka! Un naman talaga dapat gawin pagmay kasalanan ka di ba?”sagot niya.

Pareho sila ni mama ng sinabi. Kailangan kong humingi ng sorry

*end of flashback*

Nandito na kami ngaun ni besDivine sa building ng mascom department. Hinihintay ko si james na lumabas ng classroom.

Nagsilabasan na ang mga classmates niya kaya siguradong lalabas na din siya.

Nakita ko siya lumabas ng classroom. Lalapitan ko sana siya ng may humalik na babae sakanya saka pinulupot ung kamay sa batok niya.

“Hello honey, long time no see.” Sabi nung girl.

Nagtinginan lahat ng tao sa paligid.

“Panyo bes oh.” Sabi ni Divine saka nagabot ng panyo.

Kinapa ko ang mukha ko. May luha na nga. Umiiyak ako ng walang tunog. Kinuha ko ung panyo ni Divine saka siya hinila palau kila James. Mas maganda kung hindi niya malalaman na nandun ako.

James POV

Nagulat ako nung may humalik sakin. Mabuti sana kung si Reina pero si Jessa pala. Alam kong dadating na siya pero hindi ganito kaaga.

“what do you think your doing?!” sigaw ko saka inalis ang kamay niya sa batok ko. Pinunasan ko rin ng marahas ang labi ko gamit ang kamay ko.

“I know you missed me honey.” Sabi niya na lalo kong kinainis. Naaasar ako dahil sa away namin ni Reina kahapon tapos may dadagdag pa.

“will you please stop dreaming? It’s disgusting.” Sabi ko. Wala akong pakialam kung nasasaktan siya dahil wala ako sa mood makipagbiruan. Umalis ako dun sa scene. Maraming nakatingin sakin pero wala akong pakialam ng may marinig ako sa bulungan.

“ di ba girlfriend ni James ung galing sa fashion designing department. Ung umiiyak kanina na may hila hilang babae?” bulong ng isang babae pero halata namang nagpaparinig.

“  oo, nalaman ko ngang nerd un dati. Sobrang ganda pala. Bakit kaya siya umiiyak?”tanong ng isa.

Napatakbo ako sa katabi naming building. Ibig sabihin nakita ni Reina ung nangyari kanina. Baka iba ang isipin niya.

Tinawagan ko ung phone niya pero walang sumasagot. Si Divine ang kinongtak ko.

“hello? Kasama mo ba si Reina?” tanong ko pagkasagot ng tinawagan ko.

“ No Divine. Stop answering calls from that guy!” narinig ko ang boses ni Reinang sumisigaw saka naputol ang linya.

Patay. Galit nga. Nasan kaya sila. Si Divine siguro ung sinasabi nilang hila hila ni Reina.

Divine’s POV

“Don’t you ever mention his name in front of me!” sigaw ni Reina sakin. Eto na naman tayo. Shock absorber na ata ako ngaun. Naiinis na din ako kay James. Lagi nalang siya ang dahilan kung bakit ako nasisigawan this past few days. I sighed. Trabaho ng bestfren eh.

“ganon na ba kadaling makahanap ng ibang babae? A day will do?!.  OHMAYGAD.  Isang araw lang Divine. Isang araw!” sagaw ulit niya. Nga pala. Andito kami ngaun so Condominium ko. Mas malapit kasi ‘to sa school kaysa sa bahay nila.

“ baka naman may dahilan bes. Malay mo. Kausapin mo muna siya.” Sabi ko.

“ anung idadahilan niya? Lagi namang ganyan. Kung sino sinong babae humahalik sa kanya.” Sabi niya.

“ang sabihin mo nagseselos ka lang.” sabi kong nangaasar.

“Anu? Ako nagseselos. Bes, will you stop making me laugh? Magseselos ako dahil sa lalakeng un. No way!" Sigaw niya.

“ May kasabihan ngang pagmasyado mong tinatanggi, ibig sabihin totoo.” Sabi ko

“hindi nga totoo. Bakit ba pinagpipilitan mo?”tanong niya.

“ikaw kaya ‘tong masyadong affected. Anyway, napaghahalataan ka.” Sabi ko.

“mabuti pa pumunta na tayo sa school.” Yaya ko.

Tahimik naman siyang sumunod. Malapit ng magumpisa next class namin eh.

FAST FORWARD

Divine’s POV

Pagkatapos ng klase, nakipagkita ako kay James pero siyempre hindi ko sinabi kay Reina. Baka umusok ilong nun. Sinabi kong kailangan ko ng pumunta sa trabaho.

Pagdating ko sa café na meeting place namin. Nakita ko si James na nagiisip ng malalim. Umupo ako sa harap niya saka lang niya ko napansin.

“ mukang madami kang iniisip ha?” tanong ko

“ Si Reina?anung sabi niya? Galit ba siya sakin?” tanong din niya.

“Oo galit na galit. Hala ka.” Sabi kong nangaasar.

Dumating na din si Tita Jane. Tinawag ko din pala si tita. Tutulungan namin si james kung maganda magiging rason niya.

“ oh mga anak. Anung meron at tinawagan niyo ko?”tanong ni tita saka umupo.

“tungkol po ‘to kay Reina at James. Nagaaaway sila ngaun dahil sa babae.”sagot ko

“mommy, hindi ko po niloloko si Reina. Ung babaeng humalik sakin, si Jessa po yun. She is just obsessed with me. Hindi ko po kayang lokohin ang anak niyo.” Sabi ni James saka inabot ang dalawang kamay ni tita.

Tumingin si tita sakin na nagtatanong ang mata. Tumawa kaming pareho. Si james naman, nagtataka sa inasal namin.

“  a girl kissed you and Reina saw it?” tanong ni tita kay James.

“yes mom, actually this is the second time.” Sagot ni james.

“anung ginawa niya nung una?” tanong ulit ni tita.

“wala po, actually deadma lang.” sagot ni James

“ ngayon naman?” tuloy ni tita

“ nagalit na siya.”sagot ulit ni James.

“OHMYGAD. I’m so happy to hear that.” Sabi ni tita.

“we will help you James. Sundin mo lang lahat ng sasabihin namin.” Sabi ko. Tumango naman si James.

“Good”. Sabi ko ulit

May masamang balak kaya sila?

Nerdy Girl =The MODEL in MASK?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon