Lester
Nakarating din kami sa aming destinasyon.
Nakarating kami sa isang beach camp site dito sa Batangas.
Pag-aari ng Tito ni Anthony ang lugar kaya welcome kaming magstay dito ng tatlong araw at dalawang gabi.Pwera ang gabing ito sa aming pagdating.
Naipark na ang sasakyan at masaya kaming apat na bumaba. Patakbo pa ang dalawa na dala ang dalawang tent at ilang mga gamit namin at kami ni Lemuel ang nahuli bitbit ang ice box at ilang baon na nabili namin sa daan na aming pinagtulungan buhatin.
Mga tatlong oras din ang biyahe bago kami nakarating kaya nagpahinga muna ng ilang sandali para mawala ang stress ng pagkakaupo sa biyahe.
Masaya kaming naghanap kung saan namin ititirik ang aming mga tent. Bagamat may mga cottages na pwedeng gamitin ay nagpasya kaming magcamp malapit sa beach.
Nakahanap kami ng pwesto malayo sa ilang mga guest room ng resort. Inuna muna naming ayusin ang aming mga gamit. Nagtulong kami ni Lemuel na itayo ang dalawang tent na aming tutulugan samantalang sina Sid at Anthony naman ang nag-ihaw ng aming kakaining barbeque.
Marami kaming baon kahit biglaan ang nagyaring pagkacamp. Iba talaga pag walang plano. Mas masaya pa kesa sa birthday party ni Anne.
Kahit nakapahinga na sa biyahe ay nakakain at nagkasiyahan pa kami sa pagkukuwentuhan. May ilang beer in can kaming dala para mainom habang nagkakasiyahan sa outing na ito. Nagkwentuhan,nagtawanan at nagkantahan, mga bagay na namiss namin na dati naming ginagawa noon.
Napagod din kami ng bandang alas onse ng gabi kaya nagkayayaan ng matulog.
Nauna na ang dalawa sa kanilang tent para matulog. Kami naman ni Lemuel ang naiwan. Naglinis muna kami ng aming naikalat dahil nakakahiya namang abutan sa umaga ang basura namin.
Nagpahinga kami pagkatapos.Naupo ako sa ibabaw ng mesa. Nakatingin sa mga ulap,inienjoy and pribadong kalikasan para magrelax.
Walang gaanong bituin dahil sa liwanag ng buwan.Bihira ang season ngayon para sa mga guest ng resort dahil sa pasukan pa ng ilang estudyante. Kung meron mang maligaw na guest, mga GRO na kasama ang kanilang mga customer at dito nagchecheck in ng short time.
Si Lemuel nama'y nagtungo sa tent namin. Bumalik na may dalang blanket. Tumabi sa akin at ibinalabal ang blanket sa aming dalawa.
"Inaantok ka na ba?"
Tanong ko."Hindi pa. Bakit gusto mo ng matulog?"
Tanong ni lemuel.Magkadikit na naman ang aming katawan kaya nabawasan ng bahagya ang lamig na narardaman ko. Niyaya ko siya ng maglakadlakad sa pangpang ng dagat,may gusto akong sabihin sa kanya.
Pumayag siya at sabay kaming naglakad na nakaakbay sa akin habang nakabalabal sa amin ang blanket."Ano ba sasabihin mo?"
Kinakabahan ako sa pagtatapat ko sa kanya. Pero buo na sa kalooban ko na malaman niya kung kung sino siya sa akin.
"Pare, wag ka sanang magagalit. Matagal na tayong magkakilala. 2nd year highschool,friends na tayo,naging best friends at ngayon para na tayo ng magkapatid. Halos tuksuhin na tayo na bromance sa ginagawa natin.Mula noon nagbago ng unti-unti ang nararamdaman ko sa iyo...Okay lang kahit layuan mo ako o magalit ka sa akin. Dahil ayaw kitang lokohin o lokohin din ang sarili ko..."
Hirap akong sabihin ang totoo.
Parang may kumakain sa lalamunan ko para sabihin ang nararamdaman ko. Natatakot akong magbago na siya ng pakikisama sa akin."Pare ano ka ba? Kahit ano pa sabihin mo promise di ako magbabago sa yo. Cross my heart."
Assured niya sa akin habang nag antanda pa siya sa kaniyang dibdib.
BINABASA MO ANG
IKAW LANG PARE KO (BxB)
RomancePaano kung sa hinabahaba ng inyong pagsasamahan at pagkakaibigan ay nagising ka na lang sa katotohanang inlove ka na pala sa bestfriend mo. Susugal ka kaya sa iyong nararamdamang pag-ibig o isasawalang bahala na lang dahil kaibigan mo siya? Ipagsasa...