Lemuel
Alas tres na ng hapon at ikatlong araw na ng paghihintay. Parating na sa wakas ang anak ko. Ang anak namin ni Lester. Nakita na namin ang kaniyang larawang ipinadala sa aking cellphone.
Malaki ang utang na loob namin sa kaniya dahil nagkaroon ng katuparan ang pangarap ko na magkaroon ng anak na magdadala ng aming pangalan.
Tahimik lang kaming magkatabi ni Lester na nakaupo, naghihintay sa pagdating nila. Ayon sa pinagkasunduan bawal akonh makita ng ina ng anak ko bilang pag-iingat.
Batid ko ang ganitong kasunduan dahil isa akong abogado na nag-asikaso sa settlement namin ng baby maker.
Sabay kaming napatayo ng may kumatok sa pinto at masayang binuksan ito.
Ang aming mga magulang pala ang dumating na siyang-siya dahil darating na ang kanilang apo. Niyakap kaming mag-asawa ng aming mga ina at kinamayan naman ng aming mga ama.
Nahawa naman ako sa excitement nila. Kung kanina ay tahimik kaming magkatabi ay para na kaming nasa sabungan na nagkukuwentuhan sa mga plano namin sa batang darating.
Nakikita ko na kung paano magspoiled ang kaniyang mga lolo. At ang kaniyang mga lola, ha ha ha! Ano kaya ang gagawin nila pag sila na ang kukulitin nito?
Naihanda na namin ni Lester ang aming mga sarili kung sakaling magtanong siya balang araw bakit dalawa ang daddy niya. Papaunawa namin na nabuo siya sa aming pagmamahalan. Magiging tapat kami. Kung sakaling magdesisyon siya na makita ang ina ay bahala na. Basta naroon kami sa tabi niya.
Dalangin ko na lang na sana maging matapang pa kami dahil anak na namin ang nakakaalam sa plano niya balang araw.
" Dad! Dont smoke here! Maamoy ng baby ko ang usok!"
Napalingon ako sa Dining area ng kwarto namin kung saan nagkukuwentuhan ang mga ama namin. Natawa naman ako na parang bata ang biyenan kong lalake na di na itinuloy ang pagsisindi ng sigarilyo dahil sa pagsaway ni Lester.
"Oops, sorry natetense ako e!"
Dispensa ng biyenan ko ha ha ha!lahat naman kami ay nagtawanan sa nangyari. Mayamaya ay may kumatok muli sa pinto kayat nagkatinginan kaming lahat.
Tumayo ako upang pagbuksan ang pinto pero naunahan na ako ng aming mga Mama na nagbukas. Tumabi sa akin si Lester at humawak sa aking kamay. Ramdam ko ang panginginig nito kaya mahigpit ko itong hinawakan.
"OH MY GOD!!!"
Isang masayang sabay na sigaw ng mga ina ang aming narinig.
Ito na sa wakas! Dumating na ang aming pinakahihintay.Masayang pumasok si Sid na dala ang ilang bag na gamit ng bata habang ang fiancé naman niya ay kinukunan kami ng video.
Pumasok na rin si Lester na nakangiti at pinapanood kami at tumabi kay Sid.
sumunod naman ang Mama ko na pumasok na naiyak karga ang aming anak. Palapit na kami ni Lester ng kasunod naman ang Mommy niya na may karga ring isang sanggol.
"We have twins!!!"
Iyak ng Mama ko sa amin. Nagkatinginan kami ni Lester. Lahat kami ay nagkagulo dahil hindi ko akalain na kambal pala ang anak namin."Surprise!!!"
Abot tenga ang ngiti ni Anthony at Sid sa amin dahil talagang nasorpresa kami sa kanilang ginawa. Niyakap naming mag-asawa ang dalawa. Walang paglagyan ang kasiyahan namin dahil sa ginawa nilang paglilihim na kambal ang aming magiging
anak.Ibinigay sa akin ang panganay na sanggol. Nakasulat pa sa kaniyang baby bracelet ang pangalang Baby Emmanuel. Si Baby Alister nama'y ibinigay kay Lester.
Pareho kaming naiyak habang pinagmamasadan namin ang dalawang anghel. Ang kanilang mga mata, ang matangos nilang ilong, makapal na buhok, ang makinis at maputi nilang braso.
Halos binilang pa namin ang kanilang mga daliri sa mga kamay at paa. Naniniguradong kumpleto ang bawat parte ng katawan nila. Perpekto! Walang labis, walang kulang ang mga anak namin!
Umiyak pa ng sabay ang kambal kayat ibinalik namin sa mahusay na kamay para patahanin sila. Parang inapi naman na kinanlo ng aming mga ina ang kambal na pinatahan ang dalawang sanggol.
Nagkasiya na lang kaming panoorin ang aming mga pamilya na parang isang artista ang kambal. Tahimik kaming magkahawak kamay ni Lester sa kanilang likuran.
Niyakap ko siya ng mahigpit sa sobrang kasiyahan. Hinalikan niya ako sa labi at tinitigan ng nangingilid kong luha sa mata.
"I love you baby..."
Bulong ko kay Lester."I love you too baby..."
Habang pinupunasan niya ang pumatak na luha ko.Magkaakbay kaming muling sumilip sa kanila. di na kami nakatiis at nakihalubilo sa pag-aaskiso sa aming kambal.
Kumpleto na pangarap ko para sa amin ni Lester. Kabuhayan, tahanan, matapat na kaibigan,mapagmahal na magulang at anak.
" We have twins!"
Di pa rin ako makapaniwala!!!*****
BINABASA MO ANG
IKAW LANG PARE KO (BxB)
RomancePaano kung sa hinabahaba ng inyong pagsasamahan at pagkakaibigan ay nagising ka na lang sa katotohanang inlove ka na pala sa bestfriend mo. Susugal ka kaya sa iyong nararamdamang pag-ibig o isasawalang bahala na lang dahil kaibigan mo siya? Ipagsasa...