Chapter 4 Di ako Bading. Bading ba ako?

7.5K 248 12
                                    

Lemuel

Nakarating na kami sa harap ng campus para i-park ang gamit kong motorsiklo. Nakahinto na kami pero nanatiling mahigpit na nakayakap si Lester. Mula pa sa kanilang apartment ay magkadikit na ang aming katawan. Gusto ko ang binibigay na init ng kaniyang pagkakayakap sa tuwing inaangkas ko siya sa likod ko at ang lagi niyang ginagawang pabiting pisil sa aking tiyan.

Gusto ko ang ginagawa niyang ito. Hindi karaniwan sa iba na makita kaming nakasakay sa motorbike kung paano umangkas si Lester.

Mabilis kasi ako magpaandar kaya mahigpit ang yakap niya sa akin. Payag naman ako kung paano niya ako yapusin dahil gusto ko ring ligtas siya sa pagsakay.May pagkakataong may mga matang napapalingon sa amin kaya binabalewala ko na lang.

Kung ano man ang isipin nila ay wala akong pakialam.
Bakit?
Dahil mahal ko ang kaibigan ko ng sobra. Naging magkaklase kami ni Lester noong grade seven hanggang grade eleven ay di na kami nagkahiwalay.

Naroon siya ng magkagirlfriend ako. Naroon din siya ng magbreak kami.Kahit na palibutan pa kami ng ilang mga babae na parang isang ulam sa isang carinderia at talagang naeenjoy namin ang ganoong atensyon.

Bukod sa angkin naming kagwapuhan ay matalino pa. Madali lang sa amin ang magkagirlfriend. Meron pa ngang willing ibigay ang lahat sa amin basta maging syota lang ang isa sa amin. Pero ngiti't kindat lang ang tugon naming dalawa. Kahit paano, masaya na sila sa ganun.

Sa part namin ni pare ay may mga pagkakataong kahit mga estudyanteng lalake ay nagpaparamdam din ng pagkagusto sa amin.

Mga kilos o tingin na halata mong iba kakaibang tago nilang sekswalidad ay binabalewala namin kaya sila na lang din ang nagsasawa dahil malabong patusin namin sila kahit sabihin pang iba sa kanila ay sadyang magagandang lalaki.

Hindi naman ako mapagpatol sa ganoon at basta-basta na lang bibigay.

Pero iba si pareng Lester ko.

Isang siyang Romeo sa aking mga mata.

Noong una ko siyang makita at minsang magkatabi kami bago pa lang magkakilala ay may tangi na akong paghanga sa kaniya sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Nagclick kami sa isat isa na parang magkapatid na nagkalayo at muling nagkita. Mula noon di na kami naghiwalay sa lahat ng bagay at pagkakataon.

Sa pagtagal ng mga araw naging mas malapit kami sa isat-isa.

Madalas siyang nakaakbay sa akin at open sa pagpapahayag ng kaniyang nararamdaman ng hindi nahihiya o naiilang.

Madalas na din ang tawagan namkn sa telepono kahit ilang oras pa lang kaminh naghiwalay galing pagtambay.

Kung minsan nga ay sinusubuan pa niya ako sa tuwing kakain kami sa paborito naming canteen.

Kahit mahina akong kumain ay napipilit niya akong ubusin ko ang aking pananghalian.

Maging sa aming mga tahanan ay di namin naitatago sa aming mga magulang ang aming pagiging malapit sa isat isa.
nakakatulog kami na magkatabi,magsasalo sa isang plato, naghihintay ang isa sa amin sa paggamit ng baso kapag iinom ng tubig, dadalaw kung isa sa amin ay may sakit.

Simula noon iba na rin ang pagtingin ko sa pare ko.

Walang sandaling hindi ko siya hinahanap pag di ko siya kasama.

Basta, naeenjoy ko ang bawat usapan namin.

Hindi kami nauubusan ng topic.
Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nahihimas ang kaniyang mga buhok, ang makatabi at mayakap siya.

Gustong gusto kong akbayan siya at ang paghawak niya sa kamay ko.

Sarap na sarap ako sa kaniyang amoy na naglalaro sa aking paghinga.

Nabibighani ako sa tuwing magsasalita siya at maririnig ang kaniyang boses.

Ang bawat pagdidikit ng aming balat ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kasiyahan.

Hindi ko dapat maramdaman ito sa kapawa ko lalake.

Pero si Lester, iba siya.

Iba ang pare ko.

Parang ang lahat ay tama at ang lahat ay sakto.

Nakapag-ayos na kami matapos bumaba ng motorsiklo kaya nagtungo na kami sa aming mga locker para itago ang ang aming gamit na helmet at kunin ang aming mga kakailanganing gamit sa klase. Doon ay nakita ko ang ilan naming mga barkada na naghihintay sa amin.

Pumasok kami lahat.
Kami ni Lester ang nahuhuli.
Habang papunta sa aming mga upuan ay napansin ko ang isa sa mga kaklase naming si Ian.

Mugto ang kaniyang mga matang nakatingingin sa akin.

"Umiyak ba siya?"
"Bakit kaya?'
"May nambully naman kaya kay Ian?"

Alam naman kasi ng lahat na bully magnet si Ian,bagamat may kagwapuhan din siya,nga lang ay may pagka self absorbed ang ugali na hindi gusto ng iba sa kaniya. Kung babaguhin lang niya iyon paniguradong magkakaroon kaagad siya ng love life.

Napansin ni Lester ang pagbagal ng lakad ko habang nakatingin kay Ian kaya hinila niya ang aking kamay para makaupo na. Pinagdikit pa lalo namin ang aming silya para lalo pa kaming magkatabi.

Relaxed na kami sa pagkakaupo ng dumating si Mr. Caparal para sa aming klase ng mapansing kong nakatitig si Lester sa akin. Nakipaglaban ako ng titigan din inilapit ko ang mukha ko sa kaniya.

"Nakakagigil ka pag tinitingnan mo ako ng ganyan."

Napatawa ako at siya namay namula sa aking mga sinabi.

Nababading na nga talaga ako sa kaibigan kong ito?

*****

IKAW LANG PARE KO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon