Chapter 13 Tampo

5.5K 177 6
                                    

Lemuel

Sa hinaba ng pagkakaibigan namin ay lalo ko pang nakilala at minahal si Lester. Nalagpasan namin ang mga balakid ng mapanuring mundo at ang pagsubok na pinagdaanan gaya ng nangyaring pananamantala ni Ian. Dito kami sinubok ng tadhana. Lahat ito ay napagtagumpayan namin dahil sa aming di matutumbasang pagmamahal sa tulong ng aming mga magulang at mga tunay na kaibigan kaya maging kami ay di sila binigo sa pag-ibig na ibinigay nila para sa amin.

Isang araw ng biyernes at huling araw ng klase para sa aming bakasyon. Malapit na pala aking magkolehiyo. Gaya ng dati kong ginagawa sa umaga ang maligo, magbihis,ihanda ang mga dadalhin sa eskwela,ang helmet na gagamitin namin ni Lester, magpapaalam kay mama at aalis lulan ng aking motorsiklo para sunduin ang mahal ko.

Gaya pa rin ng laging umaga ko siyang dinadaanan. Lagi siyang naroon sa waiting shed na naghihintay sa akin. Ang upo, ang titig,ang ngiti at halik sa aking labi na sasalubong sa aking pagdating.

Walang nakakasawa sa taong mahal mo kahit pauli-ulit mo siyang makikita. Ako pa rin ang nagsusuot ng helmet na gagamitin niya. Sisiguruhing nakastrap ito ng maayos. Pauupuin sa likod ko at yayakap sa aking tiyan. Kulang ang umaga ko kung di nagaganap ang ganitong tagpo sa amin.

Nakarating kami ng school. Kinatagpo ang aming mga kaibigan. Panandaliang nagkwentuhan sa parking area, matapos noon sa hallway ng aming mga locker pinagpatuloy ang aming yabangan at kulitan. Nandiyan pang babatiin kami ng aming mga schoolmates na dating nagkacrush sa amin ay pabor at tanggap na ang aming relasyon.Wala na si rin si Ian. Balita namiy nagdrop sa school at nagpatransfer sa Bacolod. Napatawad ko na naman siya sa magawa niya pero siya na ang kusang lumayo. Makakabuti na rin para sa aming lahat and kaniyang ginawa.

"Mamaya pala may kukuwento ako sa yo baby!"
Habang ipinipinid ni Lester ang pinto ng kaniyang locker ng yakapin ko siya sa kaniyang likod. Sa tuwing ginagawa ko sa kanya iti ay hindi ko maiwasang tayuan ako ng ano ko. Ewan ko ba at sa tuwing ginagawa ko ito sa kaniyang ay di ko maiwasang ma-el.

Sino ba naman ang hindi? Kahit maraming beses na kaming magtalik ay di ko nagawang pasukin siya. Haplos,halikan at subuan pang ang madalas naming gawin. Ang pusukin siya at di ko pa nagagawa. Mahal ko siya kaya kahit isanguni ko at di ko ginagawa. Hahayaan ko siya mismo ang magbigay sa akin noon.

"Really baby? Ano kukuwento mo?"
Humarap siya sa akin at nagtama ang aming mga ilong. Agad naman kaming naging aware na may mga tao sa paligid dahil baka higit pa sa halikan ang magawa namin kaya agad kong binawi ang paglapit niya sa aking mukha.

"Mamaya ko na lang sasabihin may aayusin muna ako sa registration. Kita na lang tayo sa room. Love you baby!"
Hinalikan siya sa noo at tumakbo palayo.

Maghapon naman akong abala at maghapon naman akong kinukulit ni Lester kung ano talagang ang sasabihin ko sa kaniya. Tanging sagot ko ay
"Wait lang baby ha busy pa e."
Naging mailap ngayon sa akin ang mga haplos niya. Naging malungkutin maghapon at walang kibo sa aming klase. Matabang ang ngiti niya kung titingnan ko.Bagamat huling klase ay naging abala kami para sa aming mga clearance. Isang pahirap para sa mga naghahabol ng kulang sa aming mga kailangang ipasa.

Sina Sid at Anthony namay abala rin sa kanilang mga ginagawa kayat di rin siya makausap ng mga ito.

Gusto ko man siyang samahan ay tiniis ko. Namiss ko tuloy ang yakap niya at ang mga akbay ko. Ang mga labi ko na naliligaw sa kaniyang batok at ang paghahawakan namin ng kamay. Parang sasabog ako sa tuwing iiwas niya ang kaniyang mga mata sa akin at aabalahin ang sarili. Narito nga ang presensya ko ngunit ang buhay ko para sa kanya ay wala. Ramdam ko ang kalungkutan niya na kaya ako ay nalungkot na rin. Gusto ko lang sabihin ay di pa oras.

Natapos ang klase kaya sabay na kami umuwi. Sina Sid at Anthony ay nauna na sa amin na nagmamadali kayat di na sila nakasabay sa amin. Sa pagpunta sa parking area ay hindi na niya ako tiningnan o kinakausap na dating niyang ginagawa. Nagtampo na siya sa akin dahil sa di ko siya napagtuunan ng pansin.

IKAW LANG PARE KO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon