Lester
Nakakakigigil daw ako kung makatitig sabi ni Lemuel ng may halong mahinang tawa.
Namula ako at umiwas ng tingin sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi."Nakakagigil ha? Antayin mo pag ako nanggigil sa yo. Kung wala lang tayo pare sa school. Iiyak ka sa akin pag ako nanggigil, kakagatin kita sa tiyan he he he."
Bulong ko sa kaniya.
Siya naman ang namula kaya napatawa ako ng malakas at narinig tuloy ako sa unahan.
" Lester may gusto ka atang i-share sa buong klase?"
Si Mr. Caparal ang history teacher namin. Mabait siya at bihirang magalit sa amin.
"Sorry sir..."
Malambing kong sagot at isang maamong tingin sa kaniya.
Napansin ko naman si Lemuel na pinigilan ang tawa kaya maging ako'y pigil na rin sa pagtawa. Sa totoo lang ayaw ko talaga ishare sa klase ang dahilan kung bakit ako natawa.
"Seryoso na muna tayo ha. Group your selves into two. Go find a partner now at malalaman ninyo kung bakit."
Ang pagpapatuloy ni Sir Caparal. Di na ako naghanap ng iba dahil inakbayan na agad ako ni Lemuel ma halos yakapin ako. Senyales na ako ang gusto niyang makasama sa ipapagawa sa amin. Kaya nanood na lang kami sa pag- iingay ng mga mga kaklase namin habang sila ay abala sa paghahanap ng makakapartner.
Samantalang ako ay secure na sa malajaworsking pagbabantay ni pare. Di ko naman talaga naabutan si Jaworski. Narinig ko lang yun sa Tito ko kung paano iyon kagaling sa basketball.
Sa mga ganitong pagkakataon si Lemuel na siguro pinakamagaling bilang guard ko. Isang tango lang niya alam ko na ang ibig sabihin lalo pang nakabakod na agad ang mga bisig niya sa balikat ko.
Nang matapos silang makahanap ng partner ay namahagi si sir ng gagawin namin.
Isang report assignment patungkol sa mga bansa.
Bansang Singapore ang topic ang napunta sa aming dalawa. Medyo di kami ganoon ka kabisado ang Singapore kaya wala kaming idea.
"Next week ninyo ipapasa ang assignment. Include some amazing history and facts about your designated country na interesting, kaya mahaba-haba pa ang time ng pagreresearch ninyo. So there is no reason na hindi kayo makakagawa. Is that clear?"
Paliwanag ni sir sa amin.
Bumalik siya sa kaniyang mesa.
"Pwede na kayong magsimula sa research ninyo and please make it without making any noise. Nakakahiya naman sa kapitbahay."
Paalala muli niya habang nagtitipa sa kaniyang laptop.
Inayos naman namin ang aming upuan na lalo pa naming pinagtabi. Umupo kami na halos magkadikit na ang aming mga balikat. Sa pagkakaupo ay muling ibinalik ni Lemuel ang kaniyang pagkakaakbay sa akin. Nagsimula na naman ang lihim kong kiliti at kilig na pakiramdam sa tuwing aakbayan niya ako. Nagkatitigan kami ng panandalian. Para na naman akong nagising sa isang panaginip dahil sa nakakatunaw niyang mga mata kung makatitig sa akin. Hinipan ko ang mga mata niya para maiiwas sa akin.
"Ano una nating gagawin?"
Panimula ko sa aming assignment.
"Wala kong gaanong alam sa Singapore bukod sa merlion. Pwede tayong magresearch muna sa internet."
Sagot ni Lemuel sa akin. Lagi na lang siyang nakangiti kahit alam kong di lang merlion ang alam niya patungkol sa Singapore.
Allowed sa loob ng klase namin ang gumamit ng laptop sa pagreresearch. Free WiFi ang campus kaya accessible sa amin ang hahanaping information na kailangan. Kinuha ni Lemuel ang kaniyang laptop. Iniabot sa akin para ako ang maghanap.
Pinalapit ko pa siya para makita niya ang mga hahanapin ko. Di lang akbay ang ginawa niya sa akin. Maging ang ang kaniyang kanang dibdib ay nakadikit na sa likod ko. Halos yakapin na niya ako dahil nagtatama na ang pisngi namin habang nag reresearch ng mga impormasyong magagamit. Gamit ang mouse, ako ang drag and Ctrl C sa web,siya naman ang Ctrl V sa MSword. May mga pagkakataon naman hinihigpitan niya ang yakap sa akin kaya lalo akong nagiging komportable sa aming posisyon.
Di man aksidente ay naipatong ko ang kaliwang kamay ko sa kaniyang hita. Wala siyang pagtutol sa ginawa ko kaya di ko na iyon inalis. Nasa punto na kami ng palitan ng kurokuro ay manakanaka kong hinihimas ng malumanay ang kaniyang hita. Medyo tumataas na ang kamay ko.
Ilang pulgada na lang at pwede ko ng madakot ang matambok niya ano sa pagitan ng kaniyang mga hita. Kung pwede lang sana...Isipin ko pa lang na mahahawakan ko ito ay kakaibang kuryente na ang hatid sa akin na nagpapatigas naman sa kuwan ko.
Hindii ako kinakabahan dahil di ako nananamantala sa pare ko. Iba ang sarap na hatid na binibigay ng paghimas ko sa hita niya.nakaka-el. Di ako mapakali na parang may gusto akong ilabas. Naging malikot ako dahil nanakit ang paninigas ng kuwan sa loob ng pantalon ko.
"Pare okay ka lang?"
Napansin ata niya na hindi ako mapakali.
Tumango lang ako sa kanya. Nanuyo ang aking lalamunan.Batid ko ang pag-init ng aking tenga. Akala koy sasawayin niya ako sa aking ginagawa sa hita niya.
Tiningnan ko siya at ngumiti at muling tumingin sa screen ng laptop para magresearch muli.
Inayos niya ang upo. Naiilang ata kaya inalis niya ang kaniyang pagkakaakbay sa akin. Nakaramdam ako ng pagkahiya dahil naasiwa ata siya sa paghimas ko sa kaniyang hita. Nakaramdam ako ng lungkot at takot.
Pinagpatuloy ko ang paghahanap sa internet. Para naman akong sinilaban sa sumunod na ginawa ni Lemuel. Ipinatong niya ang kaniyang kanang kamay sa aking kamay na nakapatong sa kaniyang hita.Akala ko ay aalisin niya ang pagkakapatong ng kamay ko sa hita niya. Pero ikinagulat ko ng maramdaman ko ang paglalaro ng kaniyang hinlalaki sa gilid ng kamay ko.
Akala koy magagalit siya, pero kampante siya na parang wala lang sa kaniya ang ginagawa ng aking kamay sa kaniyang hita. Patapos na ang klase pero parang nasa kalagitnaan lang kami ng aming ginagawa. Hindi sa pagreresearch kundi sa ginagawa ng aming mga kamay.
Manakanakang pinipisil ko ang hita niya. Siya naman ay ang pagpisil sa kamay kong nakapatong sa kaniya. Narinig na lang namin ang pagring ng bell. Tanda na tapos na ang klase. Nalungkot ako bahagya dahil inalis na niya ang kaniyang kamay sa pagkakapatong sa kamay ko. Inayos na rin niya ang kaniyang laptop at isinilid sa bag. Maging ang kaniyang upuan ay inilayo sa akin. Nalungkot ako dahil nahinto na ang ginagawa namin.
Napansin siguro niya na nag-iba ang timpla ko ng maalis ang kamay ko sa hita niya ng siya ay tumayo. Para akong nalungkot. Tumayo ako at inayos ang aking mga gamit para lumabas. Para akong higad sa bagal kumilos kaya kaming dalawa na lang ang natira sa silid.
Pero bago lumabas ay niyakap muna niya ako ng mahigpit ng ilang segundo,kumalas siya at tinitigan ako sabay labas ng dila na parang batang nanunuya. Napangiti ako sa ginawa niya kaya sabay kaming lumabas ng silid ng nakaakbay siya sa akin.
Habang naglalakad ay bumalik sa akin ang ginawa niya kanina. Nagustuhan ba niya ang paghipo ko sa kaniyang hita? Maging ang paghawak niya sa kamay ko ay okay lang sa kanya. Ang pagyakap sa akin? Hanggang ngayon ay hinahanap ko ang kaniyang hinlalaki na naglalaro sa aking kamay. Ano kaya ang nasa isip niya?
Kailangan ko na sigurong magtapat sa kaniya sa nararamdaman ko. Gusto ko ng maging malaya ng walang takot na ipakita sa kanila ang nararamdaman kong pagmamahal hindi lang bilang isang pare niya.
"Mahal kita Lemuel, mahal kita pare ko."
Ang paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko.
*****
BINABASA MO ANG
IKAW LANG PARE KO (BxB)
RomancePaano kung sa hinabahaba ng inyong pagsasamahan at pagkakaibigan ay nagising ka na lang sa katotohanang inlove ka na pala sa bestfriend mo. Susugal ka kaya sa iyong nararamdamang pag-ibig o isasawalang bahala na lang dahil kaibigan mo siya? Ipagsasa...