Lester
Ikalawang class session namin sa school at nais na naming ipagtapat kina Sid at Anthony ang lahat habang sabay sabay kaming kakain ng pananghalian sa canteen.
Sa kasamaang palad ay ako lang mag-isa ang nakarating. Kinailangan kasi si Lemuel ng isa naming guro. Di ko kayang ipagtapat mag-isa ang aming sitwasyon sa dalawa kung wala siya sa tabi ko kaya tikom muna ang bibig ko sa dapat nilang malaman.
Dumating si Lemuel ng pagod dahil sa tumulong pala siyang magbuhat ng ilang computers na inilipat sa kabilang room. Hindi na siya nakabili ng pagkain. Mga tira tira na kasi ang ilang makakain kaya sinubuan ko na lang siya ng kinakain kong spaghetti. Mabuti na lang at nakabili ako ng extra tuna sandwich. Alam ko kasing paborito niya ito. At least hindi magugutom kahit papaano si Lemuel sa maghapon naming klase.
Madami kaming ginawa sa klase kayat wala na kaming pagkakataong gawin sa dalawa ang aming plano. Natapos ang klase ng papauwi na dapat ng yayain kami ni Anthoy na sa kanilang bahay na lang kami gumawa ng assignment at para makapagkwentuhan pagkatapos. Umaayon ang pagkakataon!
Sabay pa kami ni Lemuel na sumagot ng "oo". Para kaming Bananas in pyjamas dahil naiisip ko ang naiisip niya at naiisip niya ang naiisip ko.Agad naming tinawagan ang aming mga magulang at nagpaalam na malelelate sa pag-uwi para sa aming asignatura,kung sino kasama at anong oras uuwi. Pinayagan naman kaming pareho.
Sabay sabay kaming umalis ng school. Nakaangkas ako sa motor ni Lemuel na lagi kong ginagawa. Sina Sid at Anthony naman ay nag commute naman pauwi. Siempre sa biyahe ay nakayakap ako muli sa kaniya. Noong di pa kami ay yakap lang ang nagagawa ko ngayon ay hindi na. Kung nakakakuha ako ng tiyempo ay nahahalikan ko na ang batok niya. Kung minsan namay bumababa na rin ang kamay ko sa kuwan niya ng hindi na nag-aalala dahil okay lang sa kaniya kung gawin ko.
Nakarating kami sa bahay nina Anthony. Ilang sandali pa at bumaba naman ng tricycle ang dalawa naming barakada. Masaya kaming pumasok sa bahay. Pinaderecho kami sa kusina para magmirienda. Isang ginataang halo halo ang masaya naming pinagsaluhan.
Luto ng mama ni Anthony. Natuwa naman ako dahil maraming nakain si Lemuel dahil sa bitin ang kaniyang pananghalian kanina. Talagang abot tenga ang ngiti ng mama ni Anthony kung paano kami nagpasalamat ng ubod saya sa kaniyang luto.
Doon na rin kami gumawa ng aming assignment matapos mailigpit ang pinagkainan. Madali lang namin natapos ang ilang assignment at nagpasya kaming pumasok na sa kwarto ni Anthony. Kaya pala gusto niya kaming ayain ng sama sama ay para ipakita sa amin ang bago niyang PS4 na nabili ng kaniyang daddy. Tuwang tuwa kami sa ganda ng kaniyang game console kaya agad namin itong nilaro.
Magkatabing nakaupo sa sahig sina Sid at Anthony. Kami naman ni Lemuel ay sa likod nila na nakaupong magkatabi.
Enjoy na enjoy kaming nagche-cheer sa dalawa habang naglalaro. Manakanaka rin kaming nagnanakawan ng halik ni Lemuel. Kung busy ang dalawa sa kakapindot ng joystick kami namay busy sa smack kiss at holding hands.
May pagkakatong napasulyap si Sid sa amin at nakita akong pahalik sa pisngi ni Lemuel. Agad naman kaming nagbitawan ng holding hands at naglayo ng kaunti sa pagkakaupo. Hindi ako makatingin dahil sa hiya.
May pagtatakang tumingin si Sid sa amin. Napansin naman ni Anthony ang katahimikan naming tatlo kaya nilingon na rin kami.
"Nakita ko kayo ha? May ginagawa kayo?"
Derechong tanong ni Sid.
Sa aming apat siya ang outspoken. Nagtataka na rin si Anthony kung ano ang sinasabi ni Sid.
"Wag kayong magsisinungaling. Kanina ko pa kayo napapansin. Kanina ko pa kayo naririnig. Umamin kayo? Ano ginagawa nyo?"
Namumula na kami ng pareho ni Lemuel.
BINABASA MO ANG
IKAW LANG PARE KO (BxB)
RomancePaano kung sa hinabahaba ng inyong pagsasamahan at pagkakaibigan ay nagising ka na lang sa katotohanang inlove ka na pala sa bestfriend mo. Susugal ka kaya sa iyong nararamdamang pag-ibig o isasawalang bahala na lang dahil kaibigan mo siya? Ipagsasa...