Chapter 10 Heart to Heart Talk

6.1K 183 2
                                    

Lemuel

"I love you too"

Nasabi ko na! Nasabi ko na! Nawala na sa akin and matagal ko ng pasan sa balikat. Mga salitang matagal ko ng gustong sabihin sa kaniya. Mas magaan pala sa pakiramdam kung sasabihin ang mga salitang ito ng harapan sa pinakamamahal mo.

At yung mga halik niya...hala! Ang galing at ang sarap niyang humalik! Parang di na kami aabutan ng umaga sa tuwing ginagawa namin yun.

Lalo kaming naging intimate sa isat isa. Ang mga haplos niya, ang mga yakap na nagbibigay sa akin ng kakaibang kasiyahan na bumabalot sa buo kong katawan.

Halos manginig siya sa tuwing hahaplusin niya ako ng may pagmamahal. Ang mga bulong niya na ako lang ang buhay niya sa tuwing hahalikan ko ang buo niyang katawan. Nahuli ko rin kung saan ang pinakamalakas niyang kiliti ha ha ha.
Ang cute talaga niya pag naiiyak na sa kakatawa.

Sarap na sarap ako sa tuwing magdidikit ang aming hubad na katawan at magtama ang aming matitigas na ano kapag nakapatong ako sa kaniya. Marami pa akong gustong gawing eksperimento pero nagpigil ako. Nagsisimula pa lang kami at maraming pagkakataon pa na maari ko ng gawin sa kaniya ang lahat. Bago lang kami sa pagtatalik sa parehong kasarian kaya sa susunod ay hahayaan ko na lang ang puso ko sa kung paano ko siya mapapaligaya ng lubusan sa kama.

Ang tagal din naming naging magkaibigan. Ngayon ay kami na nga at higit pa. Ngayon lang ako natameme sa tao. Ngayon lang ako nagseryoso sa isang bagong relasyon. Seryoso naman ako sa dati kong girlfriend dangat nga lang ay nagbe-break din kami dahil sa selos.Dati puro aral, basketball at barkada. Ngayon iba na! May bago na sa buhay ko!Love life! Sex life! Seryoso! Lol!

Ikalawang gabi namin noon sa Batangas ng nagawa namin ang una naming pagsisiping. Di ko makakalimutan ang tahimik naming mga ungol-hingal. Pinilit naming wag maging mag-ingay dahil baka marinig kami ng tropa sa kabilang tent. Sana laging ganun kami ni Lester, magkasama habang buhay.

Isang linggo ang nakalipas mula ng magtapat siya sa akin. Hanggang ngayon at lumilipad pa rin ang isipan ko na boyfriend ko na siya. Wala namang nabago sa aming dalawa pagnapasok at magtabi sa klase. Ganun pa rin, pero lihim pa rin na boyfriend niya ako he he he. Wahhh kami na!!!

Ingat lang kami na huwag mabuko lalo na kina Sid at Anthony. Di ko alam kung ano ang kahihinatnan kung malaman nila na kami na ni Lester

Tinawagan ko si Lester. Ilang ring lang sa kabilang lang at narinig ko ang kaniyang pasagot.

"Hi baby!"
Yun ang tawag niya sa akin. Kahit narinig ko na sa iba ang ganitong tawagan parang bago lagi sa pandinig ko.

"Hi babe. Busy ka ba? Pwede ka bang makita ngayon?"
Tanong ko na may halong panunukso.

Ilang buwan na rin ng maging kami kaya napagdesisyunan namin na magtapat sa aming mga magulang. Nagset kami ng date para sa isang dinner na magkasama ang aming pamilya ngayong gabi.Kahapon lang namin napag-isipang ipagtapat sa kanila ang tungkol sa amin nang nagroad trip kami dalawa gamit ang motorsiklo ko.

"Iniisip lang kita, naalaala ko lang yung ginawa natin noon sa Batangas kaya ako napatawag, he he he!"

"Ha ha ha! Salbahe! Miss you too baby! Iniisip din kita palagi po!"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Batid ko nakangiti din siya. Para akong adik na sabik kahit marinig lang ang boses niya ay solve at high na ako.

"Baby pwede ba tayo magkita ngayon kailangan kita makausap e. Importante lang."

"Pwede naman baby. Pero di ba magkikita naman tayo mamaya sa dinner ?"

May pag-aalala sa boses ni Lester sa kabilang linya. Kilala ko siya pag nag-iiba ang tono niya.

IKAW LANG PARE KO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon