BFS-8

12.2K 98 2
                                    

Shane's P.O.V

Papasok ako o hindi?

Papasok ako?

Ai hindi?

Nalilito ako ngayon, naSa tapat ako ng pinto ng classroom, nagdadalawang isip pumasok, anong mukha pa ihaharap ko sa kanya, aftr ng nangyare kagabi?

I know, para akong timang ngayon, okay sana na may nangyare sa amin, pero ako bilang Helena, hindi niya kita mukha ko, pero iba kagabi eh.,

"Aren't you're goin' inside?".. Napatigil ako sa pag iisip at parang nab slow motion ang paligid at dahan dahang nagtama ang paningin naming dalawa.

"G-Goodmorning Prof." Yumuko lang ako at mabilis ng pumasok sa room.. Ang awkward nito, nafefeel ko na..

"Goodmorning Students.." Bati niya.. Aba, maganda ata mood?

"Goodmorning Prof.." Sabay sabay naman na sagot namin.

"I have an announcement to make.. Next week, we will be having a trip.." Nag start naman na mag ingay ang klase, halos lahat excited.."In a beach resort in batangas, together with the marine engineering students.." Anong connect namin sa marine engineering?

"Sir, para saan po yung trip natin?" ..Tanong ng isa sa mga kaklase namin.

"Honestly class, it's for marine engineering only, but, since im also handling this class, I proposed na isama kayo, since the resort also has a mini forest that can be part of our next lesson in literature." He explained.. Yung mga kaklase ko tuwang tuwa sa balita..

Hindi naman siguro mandatory ang sumama di ba?

Hays..

Lunch break na, as usual nasa cafeteria para maglunch.

"Ang lalim na naman ata ng iniisip natin ah.." Oo sobrang lalim talaga, iniisip ko malamang yung nangyare kagabi.

"Sorry kagabi Zeo." oo, si Zeo yung lumapit at nagsalita sa akin..Nag sosorry ako kasi nasalasing ako..

"Nah, ako dapat ang magsorry Shane, napasobra ako sa alak, hindi na nga kita nahatid kagabi eh, Si kuya na nga naghatid, Nakauwi ka ba maayos kagabi?" .. Nakauwi nga ba?

"Ano bang tanong yan, Zeo, malamang oo." Sabay ngiti ko para di niya mahalata na kasalungat sa sagot ko ang totoo.

"Good, by the way, nilapitan kita, to give you this.."Sabay lapag niya ng isang box na nakabalot pa ng panregalo.

"Eh? Para saan yan?" Di ko ata namalayan na may box siyang hawak hawak kanina, siguro nga ang lalim lang talaga ng iniisip ko.

"Yan, susuotin mo mamaya sa party.." Sabay ngiti pa niya, Ai oo nga pala, may party pala mamaya, muntik ko ng makalimutan.."Is it okay, na ako naman maghatid sayo mamaya uwian, para malaman ko kung saan kita susunduin, papunta ng party?"

"Hindi na ayos lang, sabihin mo na labg sa kin ung lugar, kaya ko naman mag isa.." Pagtanggi ko, nakakahiya na din kasi.

" Nope, inabala kita , kaya hayaan mo na ko na gawin to okay?.."

"Aish, oo na nga lang.." Sagot ko na, halata naman kasing ayaw niya magpatalo.

"Good! Antayin kita maya sa parking lot , ah? .." Ngumiti na lang ako, sabay tango..

Hay buhay..

Nagpaalam na din si Zeo, dahil sa labas daw sila maglulunh ng mga barkada niya, inaaya niya din ako,tumanggi lang ako, since, di niya ko mapipit kasi nga kumakain ako habang kausap niya kanina.

"Shane?" Eh? Sino na naman tong tumatawag sa pangalan ko?

"Yes?" Sagot ko sa kanya, isa siyang nerd, pero tanda kong magkaklase kami sa literature nito.

"Pinabibigay ni Prof. Monteverde, naiwan mo daw sa upuan mo kanina." Sabay naman abot ng isang maliit na box..

"Huh? Hindi sa akin yan , wala akong ganyan.." Nakapagtataka eh, wala naman aking box na maliit sa bag ko.

" Sayo daw eh, kasi mah shane sa ilalim ng box..Wala naman daw siyang ibang Shane na estudyante, ikaw lang then, sa archair mo pa daw nakuha."

"Naku, hindi talaga sa akin yan." Pagtatanggi ko, hindi ko naman talaga gamit yan.

"Kunin mo na lang tapos buksan mo, baka sayo talaga iyan, ibigay mo na lang kay Prof. ulit pag hindi sa iyo." Sabay lapag niya sa maliit na box.. "Una na ako Shane." Paalam niya.

Tiningnan ko naman ang maliit na box, Wala talaga akong matandaan na meron ako nito eh,.

Wala naman sigurong masama kung buksan ko di ba,? Total, di ko naman kukunin to.

Pagbukas ko, Isang Silver necklace ang laman na hugis Libro ang pendant..Weird ng pendant ah.

Sigurado talaga akong hindi to sakin eh..

Ibabalik ko na lang to kay Prof.

Wait, kanino ko ibabalik?

Kay Prof.?

Prof. Monteverde?

Parang gusto ko na lang biglang angkinin na akin, ah..

Oh my gheeedd Shane., Ano ba tong pinasok ko?

Nasa harap ako ng salamin ngaun, Suot suot ang blue tube dress na hanggang paa ko at may slit na medyo mahaba sa hita ko.. Inihatid nga ako kanina ni Zeo kanina, at maya maya lang ay susunduin niya na ako.

"Ai bongga ate Shane! Korona na lang kulang, pabg Miss Universe ka na! Confidently beautiful with a heart! Amazing! " Baliw atang tong si she, kung ano pinag sasabi may palakpak pang kasama, at kasabay niya pang pumapalakpak c Shiro..

Aish, mga kapatid ko talaga..

"Ate ganda mo talga!" Tuwang tuwa na sambit ni Shiro.

"Talaga? Ai nako walang panget sa dugo natin.." Sinakyan ko na lang din sila.

Tumingin ulit ako sa salamin at ngumiti.. Naka messy bun lang ako, Mas bagay kasi yung ganitong buhok sa tube, para ma emphasize yung shoulder..

"Ate, Si kuya pogi andito na." She..Nakasilip kasi sa may bintana ng may marinig na dumating na sasakyan.

"Oh siya, Alis na ako, Isarado niyo maigi ang pinto, mamaya tatawag ako pag pauwi na ko.." Bilin ko sa kanilang dalawa.

"Opo ate, enjoy ka.." Sagot ni She, at ngumiti.

"Zeo.." Bati ko sa kanya, ng makalabas ako ng bahay.. Pero di siya sumagot sa halip ay nakatitig lang sa akin. "Hello Zeo..??" Ulit ko pero nagmumukha na siyang tanga ngayon.. "Zeo!!!".. Sigaw ko sa harap niya, na may kasama pang palakpak..

"Ai Shane.." Baliw na ata to eh.

"May problema ba?" Tanong ko.

"W-Wala, Ang ganda mo lang."Ah, so pinoproblema na pala ngayon kagandahan ko?.. "Let's go?" He asked kahit medyo wala pa siya sa sarili niya.

Pinagbuksan niya ko sa front seat ng kotse niya, Medyo naiilang ako sa kakatitig niya sa akin, nagmumukha na talaga siyang baliw.

A/n:.. Napagtripan ko kang ngayon, pampa antok. lol 😂😂😂


Body for SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon