BFS-17

6.7K 79 2
                                    

Shane's P.O.V

1 week na since nakabalik kami ng manila. Balik na naman sa dati ang buhay ko, estudyante sa umaga, nagbebenta ng laman sa gabi.

Pero ibang way na ng pagbebenta ngayon, Zion paid my night, but he will not show up, All he wants was pay for my night and i should not accept any customers.

In short, pagdating ko ng trabaho, bibigyan lang ako ng pera at sasabihing wala si Zion kaya uuwi naman ako agad.Kaya mas mahaba na ang oras ko ngayon kasama ang mga kapatid ko at may oras na din ako mag aral.

"Ate, wala ka na po bang work?" ..Shiro asked me.

"Meron pa po, May changes po kasi sa schedule ng work ko." Sabi ko na lang at nginitian ang cute na kapatid ko.

Kinaumagahan, matapos namin kumain at mag ayos ng mga kapatid ko ay inihatid ko sila sa school at ako naman ay deretso na din sa university.

"Shane!" .. napalingon ako at napahinto ng marinig ko ang boses ni Ex sa corridor.Kasama niya sila Gab at Yana.

"Nakagawa ka assignment?" tanong ni Gab sa akin.

"Oo, kayo ba?" Balik tanong ko sa kanila.

"Ako lang nakagawa, ang dalawang yan hindi, na busy sa night out kagabi." Sagot ni Yana na may masamang tingin sa dalawa.

"Hindi ka naman kasi sumama." Naka pout na sagot ni Ex.

"Pa kopya kami, Shane.Hehe.Ayaw kasi maga kopya ni Yana eh."May pa kindat pang saad ni Gab.

"Sige, eto uh."Kinuha ko ang papel ko sa bag at inabot sa kanila."Bilisan niyo lang ah, baka abutan tayo ni Prof." Paalala ko.

"Yes! Thanks Shane!You're the best!" At sabay takbo ng dalawa nag mamadali umabot sa classroom.

"Aish, ba't mo binigay?" Naghihimutok na tanong ni Yana.

"Hayaan mo na, kawawa naman, Nakakatakot pa naman si Prof. pag hindi ginagawa ng estudyante ang responsibilidad sa school." Sagot ko.

"Gusto ko sana matuto yung dalawang yun."

"Haha, next time na. " Natatawa kong saad at sabay na kami nagtungo at pumasok sa loob ng classroom.

"Good morning Prof." Bati namin ng makapasok na si Zion.

"Good morning, pass all your assignments." Agad niyang saad sa amin.

Wala ata siya sa mood ngayon.Kasi hindi man lang ngumiti or what basta iba ang aura niya. May problema kaya siya?

"We will have an oral recitation today about your assignment. Your score in your assignment will be based on your answers." Ba't ang terror niya talaga?

"Miss Villanueva stand up." Tawag niya sa kaklase namin.

"Yes sir."

"An island in Batanes group declared, by the Department of Energy as the hydrocarbon island?"

"Fuga Island."

"Very Good, sit down. Next, Miss Dy." Hala Si Gab yun.

"Prof. Walang consideration?" Kinakabahang tanong ni Gab sa kanya .

"You answered the assignment right? So may maisasagot ka." Deretsahang saad niya.

"O-Opo Prof."

"This is known as "Lake within a lake?".. Tanonv niya.

"P-Po?".Napatingin si Gab sa akin. Napahawak naman ako sa uli ko at tinabunan ang mukha ko. And mouthed the answer.

"Should I repeat the question?" Zion asked.

"N-No Sir. Taal Lake is the answer." Mabilis at kinakabahang sagot ni Gab.

"Correct Sit down."

"Hooh." Sabay buntong hininga ni Gab. At ngumiti sa akin and mouthed thank you.

I just nodded.

"Mr. del Rosario. What is the ancient name of Panay?"

"P-Prof." Nauutal na sabi ng kaklase namin.

"May sagot ka o wala?" Deretsahan ng tanong niya.

"S-Sorry Prof. Wala akong sagot."

Nang sabihin yun ng kaklase namin ay nagulat kaming lahat sa ginawa ni Zion.

Pinunit niya ang papel kung saan nakasulat ang assignment ng kaklase namin.

Lalo kaming kinabahan sa ginawa niya.

"Sit down." Utos niya sa kaklase namin. "Miss Imperial." Syeet ako na. Nag uunahan ang kaba sa dibdib ko.

Bumunot ako ng malalim na buntong hininga bago tumayo at nagtama ang aming mga mata.

Napansin kong biglang lumambot ang expression ng mukha niya.

"The island fortress that protects Manila from tidal waves?" Tanong niya. Pero ako lang ba ang nakapansin na parang huminahon ang boses niya?

"Corregidor Prof." Sagot ko.

"Ok Sit down." And there he is, biglang ngumiti, pero bumalik ulit sa pagiging terror ang mukha.

Nababaliw na ba siya?

Umupo at parang nakahinga ng maluwag. Buti na lang at madali lang ang tanong niya.

Natapos ang klase at may ibang parang nabagsakan ng langit dahil walang nasagot at napunit ang assignment nila.

"Hooh, grabeh kinabahan ako dun." Gab said.

"Pasalamat ka at tinulungan ka ni Shane, kung hindi, Goodbye assignment ka." Yana.

"Kaya nga eh. Thank Shane." Gab.

"Walang anuman.Si Ex nga easy na nasagot ang tanong eh."

"Haha naswertehan, yung natandaan ko yung natanong sa akin eh." Ex.

"Kaya nga sa susunod gawa na kayo assignment para di kayo mataranta at kabahan ng ganyan." Yana.

"Opo nay." Sabay na saad ng dalawa.

"But wait, I saw and feel something kanina." Ex.

"Me too." Gab.

"Ako din." Yana.

"Huh? Anong napansin niyo? Ba't kayo lang nakapansin?" Naguguluhan kong tanong.

"Is there something going on between you and Prof.?" Mahinang tanong ni Ex.

"Huh? W-Wala ah." Sagot ko. Parang mas kinabahan ako ngayon kaysa sa oral recitation kanina.

"Shane. Sa Batangas pa lang may napansin na kaming something eh, tumahimik lang kami. Pero kanina? The way he looks at you, talk to you and smiled at you, parang may iba." Gab.

"Alam niyo exaggerated lang pagkaintindi niyo, Walang something sa amin, isa pa, he's our professor. Bawal 'yun." Depensa ko.

"Well, Nothing is prohibited if you're really inlove." Yana.

"But we're not inlove." Pagtatapos ko sa usapan at nagkibit balikat nlang sila at bumalil na sa kanya kanya nilang upuan.

Are we really not inlove?

A/n: Credit to Quizmaster sa mga tanong and answers about literature.

Next update will be this night. Vote, comment and follow. tnx


Body for SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon