BFS-12

9.4K 76 2
                                    

Okay happy 24k reads.. hehe sorry super duper late update, since wala naakong work kya focus na ko dto 😂
:(

Shane's P.O.V

"Shane! I thought you can't come." Zeo asked, nang nagpang abot na kami sa bus na sasakyan papuntang batangas.

"Yun din ang akala ko." Napilit lang kasi, idudugtong ko sana.

"Hmm, but it's good that you're here." Nakangiti niyang saad, at inoffer ang upuan sa may window side na katabi niya.

"Thank you." Saad ko.

Dalawang school bus ang ginamit namin, pinaghalo ang dalawang course para daw hindi masyado maingay ang loob ng bus, pag magkaklase lahat ang nagkasama and yes, dito nga ako napadpad sa bus kung saan andito si Zeo, which is advantage din naman sa akin dahil atleast may kakilala ako.

Napako ang tingin ko sa harapan ng bus, nang may naramdaman akong nakatingin, and di ako nagkamali, when i saw Zion, seriously looking at our side.

I bowed to him bilang respeto since, he still our professor. Pero agad naman siyang umiwas at kinausap ang driver ng bus.

Dalawang professors ang kasama namin ngayon,na kanina ko lamang nalaman kung hindi pa sinabi sa akin ni Zion. Siya at si Miss Patrice.

And yes,maybe because of Miss Patrice kaya ako napasama. Aba malay ko ba. NApilit lang naman. Napilit nga ba?

"Shane uh." Sabay abot ng travel pillow sa akin.

"Huh? Hindi na ayos lang ako Zeo." Ibinalik ko naman sa kanya, pero pagbalik ko, ay siay namang paglagay niya sa leeg ko.

"Gamitin mo na, di ko naman kailangan yan." Napakunot ako ng noo. Kung di niya kailangan, bakit niya dinala nuh?"Di ko sadyang dalhin yan, nasa bag ko kasi." Nagkibit balikat na lang ako, malamang nabasa niya ang nasa utak ko. Hindi na ko nakipag argue pa, since alam kong matatalo pa din ako.

Habang nasa byahe,Kahit pinaghalo na ang dalawang course sa iisang bus, maingay pa din.Yung iba nagkakantahan, Yung iba sumasabay sa kanta, then yung iba nag tatawanan, si Zeo naman ngumingiti lang habang nakaheadphone, parang timang lang.

Nang makarating kami sa isang resort dito sa batangas, agad kaming dumiretso sa isang hall kung saan lahat ay magtitipon muna bago dumiretso sa mga kwarto.

"Ok students, welcome to batangas!".. Panimula ni Ms. Patrice, nagsigawan naman halos ang lahat.. halatang tuwang tuwa at excited."Today's first activity will be announced right after lunch.. since its 10 am pa, you have 1 and a half hour vacant, you can go to your rooms and stroll for remaining hours.."

Yun lang at kanya kanya na kaming panhik sa mga cottages kung saan yunn din ang magiging kwarto namin, naging madali lang din ang paghahanap dahil may mga listahan ng pangalan apat kada cottage.

"Dito akooo." Pabagsak sa higaan na sabi ng babaeng blonde ang buhok.

"Buti na lang magkakasama tayong tatlo sa room." Saad naman ng isang babae na may pagka nerd.

"Boy hunting tayo after?". Habang nag aayos naman ng kanyang gamit ang babaeng maikli ang buhok..

Di ko sila kilala actually. Kaya ako ay tahimik lang sa gilid at nag aayos din ng mga gamit ko.

"Shane right?" Saad ng babaeng blonde, Tumango lang ako bilang tugon. "By the way Im, Gabbie." Pakilala niya.

"Yana." Maikling sabi ng babaeng nerd.

"And I'm Ex. " Saad naman ng babaeng maikli ang buhok.

Ngumiti ako sa kanila. Pero tahimik pa din akong nag aayos ng gamit.

Body for SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon