Lemuel
Para akong pusang pupungas-pungas na nagising sa malakas na alarm ng aking cellphone.
Alas sais na ng umaga na naman at kahit inaantok pa ang mga mata ay kailangan ng bumangon.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko dahil isang araw na namang pagpasok sa eskwela.Kung pwede lang na huwag munang bumangon, pero kailangan na talagang maghanda kahit di pa nakakabawi ang katawan ko sa pagtulog.
Pinuwersa kong mawala ang antok sa pag-uunat ng aking mga braso habang naghihikab.
Inaantok pa nga akong kinuha ang asul na tuwalya at puting panloob patungo sa sarili kong banyo.Kahit may heater ang aking shower, pinili kong huwag itong buksan.
Isang malamig na tubig pampaligo ang tuluyang gumising sa aking inaantok na katawang lupa.
Matapos maligo,madali akong nagpunas,nagpatuyo at isunuot ang aking panloob.Muli ay bumalik ako sa aking silid na tanging tuwalya ang nakatapis sa aking ibabang bahagi.
Kahit mag-isa sa aking silid ay conscious pa rin ako sa aking privacy.
Kasalukuyan kong inihahanda ang aking pamasok ng mag-ring ang aking cellphone. Isang tawag mula sa matalik kong kaibigan, si Lester.Tinanggap ko ang tawag at nagsalita.
" Uy! Pre! Napatawag ka?"
" Wala naman! Gusto ko lang marinig boses mo! Ha ha ha!"
Malambing na tinig ang narinig ko sa kabilang linya.
Sanay na ako sa kaibigan ko sa tuwing tatawag siya at magbibiro. Sa hindi ko maintindihang pakiramdaman ay lagi kong naeenjoy ang kaniyang boses sa tuwing nagkakausap kami sa telepono.
"Ulol! Bakit ka nga napatawag?"
Kung makikita lang ni Lester ang mukha kong nakatingin sa kawalan ng may saya at ngiti habang kausap siya na para bang kumpleto na ang umaga ko.
"Namiss lang kita pare ko!"
Totoo ba ito?
May mga araw kasing sa tuwing magkasama kami,madalas niyang naipapakita ang mga ganitong pa-tweetums sa akin na hindi naman niya ikinahihiya dahil noon pa may normal na sa kaniya ang ganun ka sweet sa akin.
Hindi rin naman ako nawiwierdohan sa asal niya noon pa dahil matalik ko siyang kaibigan. Nasanay lang talaga ako sa kakaibang approach ng aming pagsasamahan.Akala nga ng iba ay magsyota kami kung magbiruan.
Yung may pagkakataong isasandig ang ulo niya sa balikat ko, ang yakapin ako sa likod at magpatong ang aming mga kamay ng di nacoconcious sa harap ng mga nakakakitang barkada.Walang malisya sa amin na umupo ang isa sa amin sa gitna ng aming mga hita pag nagkukuwentuhan.
Minsan pa nga ay naghoholding hands kami para asarin ang ilang kaklase naming may mga syota na at ipakita na mas sweet pa kami kesa kanila na nauuwi sa tawanan.Di ko alam bakit ganito kami ni Lester sa isat isa.
Magyakapan o magkandungan man kami ay normal na sa amin ng walang halong kaberdehan at normal sa mga kaklase namin ang ganitong bagay na makita sa aming dalawa.
Second year kami ng maging magkaibigan ni Lester.
Ngayong grade 11 na kami sa isang prominenteng paaralan ay kami pa rin ang magkasama. Isang usapang di pwedeng bawiin dahil ayaw talaga naming maghiwalay.Kaya mula noon kahit sa anong paraan kailangan lagi kaming makatabi at magkasama.
Gusto kong inaakbayan siya, ang hawakan niya ang mga kamay ko, ang haplos niya sa likod ko.
Kumpleto ang araw ko basta laging siya ang kasama sa araw araw.
Gusto ko ba ang ganoon?
Gusto ko ba siyang laging kasama?Oo,gustong-gusto ko!
"Antayin mo ako dyan. Nagbibihis na ko.Daanan kita sa inyo pre."
Paalala ko sa matalik kong kaibigan.
"Ingat pre! kita na lang tayo sa may gate ng apartment namin."
Assurance ni Lester na magkikita kami sa dating sunduan.
"Oki doki!"
Pagtatapos ng usapan sa telepono ay nagmadali akong nagbihis patungo sa kanila upang sunduin siya.
Bago umalis ay nakailang ikot pa ako ng sipat sa harap ng salamin. Iniinspeksyon ang aking itsura kung maayos sa akin ang lahat.
Mula buhok, ang planstadong puting polo,berdeng slacks at makintab na sapatos, mapuputi at malinis kong ngipin at maligo sa paborito kong pabango.Naninigurado lang na ayus ako sa makakita sa akin,na perfect ang lahat sa akin pagpasok ng campus.
Sa lahat ba ng makakakita?
O para kay Lester?
Nang makasiguro ay agad akong bumaba ng aking silid. Chineck ang bag na nakalagay sa sofa sa aming sala.
School ID, laptop,wallet at iba pang gamit sa backpack at madaling isinukbit sa aking mga balikat. Kinuha ang dalawang helmet na nakapatong sa isang side table at sa isiping ayaw kong maghintay si Lester sa akin.
"Hindi ka ba kakain?"
Si mama ang tumawag sa akin na naghahain pala sa dining area.
"Sa school na lang po Ma'. Nagmamadali po ako."
Paalam ko kay mama na tinungo siya sa kumidora at hinalikan sa pisngi at nagmadali akong lumabas ng bahay.
"Ingat sa pagmamaneho!"
Paalaala ni mama sa akin habang nirerebolusyon ko ang aking motor.
Sanay si mama sa ganitong drama ng estudyante. Kampante siya na kahit hindi ako mag-agahan ay nakakakain naman ako ng maayos sa school.
Mabilis akong nakarating sa apartment kung saan nakatira sina Lester sa takdang oras na kahit kailan ay di pa ako pumalya. At kahit kailan ay di rin pumalya ang lagi niyang porma paghinihintay ako.
Ang maporma niyang upo sa waiting shed ang laging imahe na nakikita ko pagdadaanan ko siya para isabay sa aking biyahe.
Natutuwa akong makita lagi ang maayos niyan gupit at makintab na buhok,ang malalim niyang dimple sa magkabilang pisngi na lalong nagpacute sa pare ko at ang kaniyang uniporme na sumikip na ata dahil sa madalas niyang paggi-gym kagaya ko. Di nalalayo kung paano si Lester pumorma sa akin.
Bagamat pareho kami ng uniporme ay angat ang kagwapuhan niya sa klase. Kung hanapan lang ng hunks sa school di palalamang si pare.
Bagamat sa edad na 17 malaking bulas ito at pwede makipagsabayan sa mga ahead na sa amin.Lalo tuloy lumakas ang dating niya dahil defined and toned na ang mga muscle niya sa braso. Naalaala ko tuloy ang ang mga pandesal sa kaniyang abs at ang manipis na mga balahibong lumalandas papaba mula sa kaniyang pusod pababa sa kaniyang tinatagong ano.
Pucha naman!
Kung alam lang niya na in love ako sa kaniya.
Kung alam lang niya!*****
BINABASA MO ANG
IKAW LANG PARE KO (BxB)
RomancePaano kung sa hinabahaba ng inyong pagsasamahan at pagkakaibigan ay nagising ka na lang sa katotohanang inlove ka na pala sa bestfriend mo. Susugal ka kaya sa iyong nararamdamang pag-ibig o isasawalang bahala na lang dahil kaibigan mo siya? Ipagsasa...