XIV - Harana ♡

1.6K 45 18
                                    

                           Chapter 14 - Harana 

— ♡ — ♡ — ♡ —

- Third Person's POV -

Hanggang ngayon, ayaw pa rin pansinin ni Shana si Tristan. Pag nagkakasalubong sila, parang wala lang. Hays, magkakabati pa kaya 'tong Dalawang 'to?

"Nakakainis naman kasi eh!" Sigaw ni Shana mula sa garden nila. Hindi yun maririnig nila Tristan dahil malayo ang garden nila.

"First Monthsarry namin yun, tapos kinalimutan pa niya. :(" Dugtong pa ni Shana na ngayon ay paluha na. Hayyyy!

Tumayo na si Shana mula sa damuhan pagkatapos ay pumasok na sa loob. Tapos pagpasok niya, eto pa yung nadatnan niya.....

"Oh! Talo ka pre! Wag kang madaya!" -Raven.

"Daya mo naman eh!" -Raver.

"SINO NANALO?" -Jaja.

"Ako ang panalo! HAHHAHAHAH" -Tristan.

"Nakuha pa nilang maglaro ng baraha. Samantalang ako, nasasaktan dito." Sabi ni Shana sa isip niya tapos ay tahimik na umakyat sa kanilang kwarto ni Tristan.

Nilock niya ang pinto dahil baka biglang pumasok si Tristan. Pagkatapos ay kinuha ang kanyang Diary atsaka nagsulat.

Diary,

      Ganun ba ko kahirap mahalin?

Ginagawa ko naman lahat ah. Minahal ko naman siya.

Pero bakit ganun? Parang kulang pa rin.

Ganun ba ko ka hindi importante sa kanya?

Na nakalimutan niya pa yung First Monthsarry namen?

Siguro nga...Siguro nga mahal pa din niya si Ate Yuri.

--ShanaBells<3

 

** I came in like a Wrecking Ball

I never hit so hard in love,

All I wanted was to break your walls

All you ever did was break me

Yeah you, you wreck me.... **

"Huh?" nasabi nalang ni Shana. Nagtataka siya dahil hindi niya naman yun ringtone. Saka isa pa, bakit biglang tumugtog yun pagkatapos niyang magsulat at magdrama? Parang nakiki-ayon sakanya ang tadhana. Naisip nalang niya.

Tatayo sana siya para mag-CR dun sa baba, kaso.....

*boooooooogsh toooogsh!*

"ARAAAAAAAY!" sigaw nina Jaja at Raven. Nandun pala sila sa may pintuan. At malamang, eh sila din ang nagpatugtog ng Wrecking Ball =_____________=

"Shana, pag lalabas ka. Kumatok ka naman muna!" Sabi ni Jaja pagkatayo niya.

"Bakit ako kakatok eh lalabas nga ako? tch!" sabi ni Shana, sabay dumiretso na sa may hagdan.

Pababa na sana siya kaya lang, may bigla na namang tumugtog pero ngayon, mula sa baba na....At parang....t-teka..."Boses ba ni Tristan yun?" napaisip si Shana.

♫ ♪ Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya

Kung may nasabi man ako init lang ng ulo 

Pipilitin kong magbago pangako sa iyo.

Sorry na, nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na

Sa ugali kong ito, na ayaw magpatalo

At parang sirang tambutso na hindi humihinto

Sorry na talaga, kung ako'y medyo tanga

Hindi ako nag-iisip nauuna ang galit

Sorry na talaga sa aking nagawa

Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo

Sorry na...... ♫ ♪

"Yun na ba yun? Tapos na ba! Ano bayan, ano bang dapat sabihin ko? Kyaaah! kinikilig ako ano ba yan. Ihhh ang landi." naisip ni Shana sa isip niya. HAHAHA sino nga ba namang hindi ganyan ang magiging reaksyon kapag hinarana ka hindi ba? :)

"Sorry na, MAHAL" -Tristan.

===================================================

A/N: Sana kinilig at natuwa kayo sa chapter na ito, kasi ako nung tina-type ko palang kinikilig na ako eh! Mwahahaha, sana maka-experience din ako ng haranahin noh? yikes. Ang harot ko lang. XD

The Substitute Bride (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon