XXII - Katangahan 101 ♡

1.3K 46 30
                                    

                  Chapter 22 - Katangahan 101 

-

{ Yuri's POV }

Tumawag si Nathan sakin kanina at sinabi niya na ipo-postpone daw ang kasal nila Tristan at ni Shana. BWAHAHAH! Edi maganda! AT sana, hindi na nga yun matuloy kahit kelan! BWAHAHAHA!

"Hello Nathan?"

 

"Postpone ang kasal nina Tristan at Shana, nabalitaan mo na ba?"

"Oo. May plano ako."

Tungkol sa plano ko? HAH! Sa plano kong 'to siguradong hindi na matutuloy ang kasal nina Tristan at Shana!


{ Shana's POV }

Nagsusukat nga pala ako ngayon ng mga gown na susuotin ko para sa Debut ko, naks naman debut! Hahahaha nakakatuwa. Ang gaganda ng mga ipinatahi ni Mama at ni Papa. Ang sinusukat ko ngayon ay kulay puti, puti ito dahil ito yung para sa kasal. Hehe, si mama kasi atat eh! Para daw sabay sabay na ipinagawa.

May mga bids bids pang etchetera!

Eto namang isa yung susuotin ko para sa debut ko, kulay pink siya tapos may mga bids din at mga diamonds yung iba hindi ko alam kung anong tawag! Hays, ignorante much =____=

( See the multimedia po para makita niyo ^___^ -----> )

Gusto ko nga itanong kay Tristan kung bagay sakin, kaso uwaaaaah! grabe talaga! ANG PANGIT KO DAW. Tss



{ Jaja's POV }

Putspa naman 'tong mga dumukot sakin sa bahay nila Shana! Ang babaho ng kamay! Nahimatay tuloy ako. >/////< Tapos pag gising ko, nandito na ko sa parang mabahong ewan na--ay naku hindi ko ba alam kung nasan ako!

"HOY MGA MABABAHO ANG KAMAY! LUMABAS KAYO!" -ang hirap naman kasi, nasabi ko na ba sainyo na nakaupo ako sa isang upuan tapos itinali nila ang paa at kamay ko dito? Good thing, hindi nakabusal ang bibig ko. Baka kalawangin dila ko eh, hehehe. Kaya lang yung mata ko may piring! Uwaaaaah help! help! help!


"Pare, sabe ko sayo busalan mo yung bibeg! Hindi yung mata! TANGA!" 

"Both nalang dapat!"

uwaaaah! Naririnig ko yung boses nung mga panget na dumukot sakeeeeen! HELP!!!! "Hoy mga mukhang anak ng junanak! Tanggalin niyo yung piring ko sa mata! Naka contact lens ako baka mabulag akoooo!"

At ang mga utu-uto, tinanggal nga yung piring ko sa mata. "Oh! mga kuya, bakit niyo pa ko nilagyan ng piring sa mata, eh kahit naman hindi niyo lagyan hindi ko pa rin kayo kilala. Hehehe~"




- Raven's POV -

Huhuhuhu, Im zo naiiyak! :'( una, si Tina ay aalis dahil may outing daw sila with her family. E ako? wala! Ayaw pa akong kausapin netong kakambal ko. :( I miss my familehhhh!

"Hoy Raverrr!" sabay kuyog-kuyog ko pa sakanya. Ayaw kasi akong kausapin eehh

"Ano ba!" tapos inalis niya yung kamay ko. Nagpaawa effect ako, kaya ayun mukhang gumana naman kaya kinausap na niya ako. "Ano na naman bang nasa isip mo?"

"Si Mama."

"Si Mama? bakit? nasan ba si Mama?"

"NASA ISIP KO NGA! SHUNGA NETO!"




- Shana's POV -

Nakauwi na nga pala kami sa bahay, pero kanina pa ako hanap ng hanap kay Jaja. Bakit wala pa rin siya? 

"Raven, nakita mo ba si Jaja?" 

Lumingon-lingon siya sa paligid. "Ahmm hindi eh. Akala ko kasama niyo?" 


Napakamot naman ako sa ulo ko, nasan na naman kaya ang---*KRINGGGG Kringg*

Sinagot ko naman kaagad yung phone.


"Hello?"

[Nasamin si Jaja, papuntahin mo dito si Tristan. Kung hindi, papasabugin ko ang ulo netong pinsan mo] BANG! sabay merong tumunog na putok ng baril.

"KYAAAH! Wag niyo syang sasaktan please."

[Hindi namin siya sasaktan, pero papuntahin mo dito si Tristan, bago mag-alas dose. Itetext nalang namin sayo ang address.]

"O-oo..."

[Siguraduhin niyong kayong dalawang lang ang pupunta at hindi kayo magdadala ng Pulis. Maliwanag?]

Pinatay ko na ang cellphone, at ayun. Nagtext na yung kidnapper. 

From: Unknown Number

1234 Lutay Lutay St. kemerut city

Malapit lang yun dito samin ah? "Tristan!!!!"

"Oh?"

"Pumunta daw tayo sa 1234 Lutay Lutay St."

"Bakit tayo pupunta don?"

"Si Jaja, kinidnap!"

"Tss. edi mabuti! Para wala ng maingay dito sa bahay." tapos tatalikod na sana siya pero bigla ko siyang hinatak papunta sa kotse, tapos ako na ang nagdrive papunta kung nasaan si Jaja.


---1234 Lutay Lutay St. Kemerut City---

Uwaaah! Nakakatakot naman dito. Ang dilim. Tapos parang inabandonang lugar na! Napakapit tuloy ako kay Tristan sa sobrang takot. E baka may multo dito? Huhuhu

"Ang kulit mo kasi eh! Sabi sayong wag na tayo magpunta dito. Baka naman pinagtitripan lang tayo nyang pinsan mo!"

"Hindi eh. May tumawag saking kidnapper kanina!"

"Tss"

Patuloy pa rin kaming naglalakad habang nakahawak pa rin ako sa braso ni Tristan. "HELLOOOO! MAY TAO BA DYAN?"

"Pinsan!!! Tulungan niyo ko!!!" 

O________O

"Tris! Si jaja narinig mo? Lika puntahan na natin!" tumakbo naman kami sa lugar kung san namin narinig ang ingay. 

WALA NAMANG TAO. =__________=





"SURPRISEEEEE!" -sabay sabay na boses ang narinig namin ni Tristan mula sa likuran namin. Teka----

"Surprise saan? / Anong surprise?" sabay naming sabi ni Tristan.

"Ano ba naman kayo! Monthsary niyo kaya. 11th monthsary nyo na!" -Jaja

"Oonga. Buti pa kami, alam namin." -Raven

"KYAAAH~ MGA BWISIT KAYO! NAG-ALALA PA MAN DIN AKO KAY JAJA!!!"




-----End of Chapter 22

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Substitute Bride (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon