// Chapter 8 - Jaja Madrama ♡
- Shana's POV -
Hay na'ko. Nakakainis na talaga ang dalawang yun! Wala na akong maisip na dahilan para paghiwalayin sila dahil sobra sila kung magkasuntukan! Naisip ko nga eh... napakahirap palang maging referee ano? hmm..
Ay! bakit ba napunta naman ako sa pagiging referee? =_____=
*kringgg kringgg
Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag sa cellphone ko, basta ko nalang yun sinagot pero eto ang sinabi ko sa nasa kabilang linya.
"WALA AKO SA MOOD, KUNG SINO KA MAN BUKAS KA NA TUMAWAG"
[Ok.]
Ibababa ko na sana ang cellphone ko, kaso bigla namang nagsalita yung nasa kabilang linya kaya nalaman ko kung sino ang nandun. Hindi ko kasi tinignan ang pangalan nung tumawag dahil wala nga ako sa mood pero..
"KYAAAAAAAH! Jajaaaaaaaa!!!!"
*toot toot toot
Uwaaaaaaaah! T^T binabaan ako ni Jaja my pinsan so sweet!!!! (_ _")7 I miss her pa naman so much tapos she baba baba lang the call? uwaaaah! I hate her! I hate h--"SURPRISE!" bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang napakaganda kong pinsan na si Jaja (sabi lang ng Mama niya maganda siya. hindi ako nagsabi non hehehe)
"Hmph!" sabay nagkibit-balikat pa siya atsaka pumamewang at binuksan ang TV tapos tumutok lang siya don. Ni hindi man lang niya ako pinansin!
"Uyyyy! nag-iinarte siya! uyyy!" tinusok-tusok ko pa ang tagiliran niya, pano, nagkibit-balikat pa din siya habang nakatutok sa TV. mukha pang masama ang loob niya!
"Heh! minsan na nga lang ako tatawag, tapos susungitan mo pa ako ha pinsan? ganyan ka na ba Shana? ganyan ka na ba? datirati, nung magkasama pa tayo palagi nung mga bata tayo, gusto mo ako palaging kausap. Pagkatapos ngayon, ano? ito na ba ang igaganti mo sakin, ito ba? huh Shana sumagot ka! Ito ba?" buong emosyon niya pang sinabi ang mga katagang yun.
Mga ilang minuto din siguro yun.. ang tagal kong hindi nakapagsalita dun sa mga sinabi niya at nag-isip isip. Atsaka na ako sumagot!
"Pinsan hindi! hindi!"
"Anong hindi huh?"
"Hindi ko talaga maisip kung saang palabas mo kinuha ang mga linyang iyong sinabi, dahil ika'y napaka-makata. HAHAHHAHAHA" at napahawak pa nga ako sa aking tiyan habang humahagikgik pa rin sa kakatawa bwahahhahhah.
BINABASA MO ANG
The Substitute Bride (ON-HOLD)
RandomMahirap na nga magkaroon ng ASAWA, paano pa kaya kung 17 years old ka palang naging SUBSTITUTE BRIDE ka na? atsaka, WAIT LANG. pano siya magiging SUBSTITUTE BRIDE? pwede ba yun? :O basahin mo para malaman mo! hihihi ^---^