// Chapter 7 - Walk Out ♡
-----
Tristan's POV
Nagdire-diretso lang ako sa kwarto ko, atsaka ko ibinagsak ang katawan ko sa kama. Grabe! paano nagawa ni Yuri yun sakin?
Sinasabi ko na nga ba eh!
Una palang.... una palang meron na kong pagdududa sa kanilang dalawa ng Ron na yun.....
** FLASHBACK **
Papunta na ako ngayon kina Yuri, susurpresahin ko sana siya dahil 1st anniversary namin! Ang saya nga eh. Binilhan ko siya ng paborito niyang mga pagkain.
*T--*
Kakatok na sana ako sa pinto pero natigilan ako dahil nakarinig ako ng dalawang taong nag-uusap sa loob.
"Pwede ba RON! tigil-tigilan mo na ako! may boyfriend akong tao!" boses ni Yuri yun ah. T-teka... sinong Ron?
"Hindi kita titigilan Yuri!" narinig ko namang napa-ARAY si Yuri ng mahina pero bigla ulit nagsalita yung lalaki sa loob. "Subukan mong mainlove sa lalaking yun, PAPATAYIN KITA! PAPATAYIN KO KAYONG DALAWA!"
Nung marinig ko naman ang mga patayan na salita, kaagad naman akong kumatok "YURIIII! YURI! YURI BUKSAN MO YUNG PINTO! YURI!!!"
At binuksan niya naman na ang pinto, gulo-gulo ang buhok niya. Tapos medyo parang namumula pa yung braso niya. "Sino siya?" tanong ko kagad sakanya. May nakita kasi akong isang lalaki dun na mukang nag-aadik.
"A-ah.. eh.. Siya yung--yung nagdala nung mga pagkain! Oo, tama! siya yung nagdala nung mga pagkain, nagpadeliver kasi ako k-kasi...k-kasi 1st anniversarry natin!" nangangatal niya pang sabi.
"Eh nasan na yung mga pagkain?"
"AH.. EH.. NAUBOS KO NA! TAMA, NAUBOS KO NA TRIS! H-HEHE?"
.....
** END OF FLASHBACK **
Dapat kasi, dapat kasi....si Shana nalang talaga ang minahal ko dahil una pa lang... una palang eh talaga namang siya na ang ma-"Yo Tristan!" ay pusakal! Lord, bakit mo ba ko binigyan ng napaka-epal na kaibigan? :(
BINABASA MO ANG
The Substitute Bride (ON-HOLD)
RandomMahirap na nga magkaroon ng ASAWA, paano pa kaya kung 17 years old ka palang naging SUBSTITUTE BRIDE ka na? atsaka, WAIT LANG. pano siya magiging SUBSTITUTE BRIDE? pwede ba yun? :O basahin mo para malaman mo! hihihi ^---^