Chapter 14: ElRick. ♥

552 13 0
                                    

Hello ulit! :3. Thanks ulit sa mga tumupad ng 5 votes ah? Super happy talaga ako! ^O^ At ngayon, ito na po yung chapter na maganda PARA SAAKIN, I guess? Basta! Hahah!! Sana magustuhan niyo to! :>

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Still Kathryn's PoV

Nandito na ako ngayon sa park. Buti pa dito, tahimik talaga. Walang magugulo, walang maingay. Basta! Spell PEACEFUL? P-A-R-K. Hay, di ko pa din makalimutan yung mga sinabi ni Kris saakin.

Nagseselos ka ba?

Then you're INLOVE with him.

Naupo ako sa bench, na malapit sa isang puno. Hayy, naaalala ko nanaman si Dj. Madalas kasi kami tumambay dito sa ilalim ng puno na to. Sayang, wala siya dito. Si Ella lang kasama ko. Argghh.

"Paano naman ako maiinlove sakanya? Ha, Ella?!" baliw ako masyado noh? Kinakausap ang isang teddy bear........na bigay ng isang taong mahalaga saakin. :(

Traydor na luha, why oh why? "Ella, bakit nanaman ba siya nagbago? Oo nga, ano ba ako sakanya? Bakit ako nangengealam sakanya? Eh buhay niya naman yun." iiyak mo lang, Kath. At niyakap ko na si Ella. Di ko na kaya eh.

"Ano ba ang rason, bat umeksena yung bruhildang impakta na yun?" sabi ko ulit. "Magsalita ka naman Ella! Sana hindi ka na lang naging teddy bear!" tapos umiyak na ako ng umiyak without saying any words na....

Tapos may narinig ako, parang nagbuntong-hininga. Sa likod ng puno...ang lalim ng pagkakabuntong-hininga niya, parang sobrang problemado niya. Lalaki siya, at tiga LMU din. Di ko masyado makita mukha niya eh. Nakatakip yung mukha niya using his hands. Basta! Kung sino ka man, sorry!

Balik ako sa pagka-emo ko......iyak nanaman ako kasi naalala ko nanaman siya. Hanggang kelan ba tong away na to?? Na, dati lang eh, sobrang liit. Ngayon lumaki..

"Sana nandito siya sa tabi ko.....nagcocomfort saakin. Kasama ang teddybear niyang si Patrick." eh ano pa ba? Umiyak ako ng umiyak nanaman. Hayyyss..

"Thank You Ella! Dahil ikaw ang nagreplace sa place ng Daddy mo. Hehe. Siguro miss mo na yung bestfriend mo na si Patrick noh?" pagpe-pekeng tawa ko. "Well, ako din. Miss ko na bestfriend ko!" tapos napaluha nanaman ako. "Salamat talaga sakanya kasi binigay ka. I knew it, ikaw ang maasahan ko pag may problema ako." then I hugged Ella. 

Nasan kaya si Daniel? Este, Dj? :(

DANIEL'S PoV

Halos 2 hours na din akong nandito sa park. Dito ako sa favorite spot namin ni Kath, sa ilalim ng puno. Dito kami nags-stay minsan pagka-uwian. Memories, argghh. Kasama ko si Patrick.Siya lang naman ang makakasama ko, kasi naman si Kuya Neil medyo galit ata, at ganun din ata si Diego.

[A/N: Ito po yung mga sinabi ni Dj nung hindi pa dumadating si Kath sa park. Sana di kayo maguluhan. :)]

"Patrick, bakit ganun? Di man lang ako tinanung ni Chandy kung bakit ko kasama si Zharmella!! Sira nanaman ang friendship namin...okay na kami eh! Badtrip!" sabi ko kay Patrick. Nababaliw na ako noh? Kinakausap ko yung teddy bear na 'to. Lechugas na pechay yan oo. 

"Nakakainis yung Zharmella na yun! Niloko na niya ako dati, tapos babalik siya ngayon? Takte! Patrick! Magsalita ka naman oh! Kahit ngayon lang naman! Damayan mo lang ako." tapos parang may pumasok sa isipan ko, na naimagine ko si Patrick na nagsabi na.... "......ito na nga diba? Ano pa ba ginagawa ko, dinadamayan ka!" then I broke down.

May biglang umupo sa bench. Babae eh, parang tiga LMU din. Naka-uniform pa din kasi. Tapos maya-maya, nagsalita siya. Pinakinggan ko lang muna....

 "Paano naman ako maiinlove sakanya? Ha, Ella?!" sabi nung babae. Ella? No, Dj. Baka may kausap lang yan sa cellphone, at nagkataon lang na Ella ang pangalan nung kausap niya!

"Ella, bakit nanaman ba siya nagbago? Oo nga, ano ba ako sakanya? Bakit ako nangengealam sakanya? Eh buhay niya naman yun." Deej, may kausap lang talaga yan sa cellphone. Pero signs na talaga 'to na si Kath to. I have strong doubts. 

"Ano ba ang rason, bat umeksena yung bruhildang impakta na yun?" she said. "Magsalita ka naman Ella! Sana hindi ka na lang naging teddy bear!"  Tapos umiyak na siya ng umiyak, ng sobra. Arggh!! Teka!! Oo, sigurado na talaga akong si Kathryn 'to! Ang Chandy na bestfriend ko? Umiiyak? Oo!! Umiiyak ng DAHIL SAAKIN!! Ayokong nakikita siyang nasasaktan, dahil nasasaktan din ako.

Napa-buntong hininga na lang ako, at sa sobrang lalim nun, napa- "Hayy.." ako. HALA KA!!!! Lumingon si Kath dito. Omgas, buti na lang hindi ako nakita!!

"Sana nandito siya sa tabi ko.....nagcocomfort saakin. Kasama ang teddybear niyang si Patrick." ang muling pagsasalita ni Kath.. Kung alam mo lang Kath, nandito ako!! Kasama si Patrick. :(

"Thank You Ella! Dahil ikaw ang nagreplace sa place ng Daddy mo. Hehe. Siguro miss mo na bestfriend mo na si Patrick noh?" Psh, nagfake smile pa! :(.  "Well, ako din. Miss ko na bestfriend ko!" Miss na din kita, Kath. "Salamat talaga sakanya kasi binigay ka. I knew it, ikaw ang maasahan ko pag may problema ako." AIISSSHH!! Di ko na mapigilan!!

"K-Kath??!!" tumayo ako.....at lumingon naman siya, at halatang gulat na gulat...

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

HEPHEP!! HAHAHA!!! AYAN NA ANG MULING PAGKIKITA NG KATHNIEL! 

10 VOTES! GORABELS NA, PARA MA-IPUBLISH KO NA YUNG SUSUNOD NA CHAPTER! :""">.

Muli na nga bang magbabati ang dalawang magbestfriends? Abangan!

- Angel. c:

I love you for a thousand years. ♥ ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon