Chapter 7: Kilig moments. :""">

712 7 0
                                    

Kathryn's PoV

Ang sweet talaga ng bestfriend ko na si Dj. Grabe, alam niyo ba nung nagtimezone kami? Ginalingan niya talaga magshoot ng bola sa basketball. Want a flashback?

*F L A S H B A C K*

"Dj, ano ba. Tama na yan, pawis na pawis ka na oh." sabi ko sakanya. Eh sa ayaw niya tumigil? Halos 25 or 30 minutes na yata siya naglalaro dun! Swipe lang siya ng swipe nung card niya. Tapos yung mga ticket niya sobrang dami na! 

"Kath, please. Diyan ka lang, just watch. Makikita mo din." sabi niya. Ano nanaman binabalak neto? Kawawang-kawawa na oh, aissh.

"Deejaaay naman eh. Ano ka ba, tignan mo pawis na pawis ka na. Kada punas ko, may pawis nanaman. Di porket basketball player ka, di ka na napapagod at magaling ka na diyan. Kaya magpahinga ka muna. Please?" argghh, ang hirap niya patigilin. 

kriiiinngggggggggg. time's up!

"Yan, tama na ata ang mga tickets ko. Sana sakto na to." tapos iniwan lang ako. Ah, ganon.

"Teka, Deeejaaay! Wag mo naman ako iwan dito oh." tapos sinundan ko siya.

"Eto na oh, halika na bilis. Baka makuha pa yun ng iba, sayang pinaghirapan ko." sabi niya. Tapos inoffer niya yung braso niya, yung parang sinasabi niya na magcling na ako. Kaya nagcling na ako sa braso niya. Ah, I get it. May kukuhanin siyang prize, na gustong-gusto niya. 

"Sige, leggo!" sabi ko. 

*

"Ate, yung teddy bear nga po na may t-shirt na Batman." eto talaga si Dj. Basta Batman eh noh, paghihirapan? Pwede namang magpagawa na lang ng maliit na t-shirt, tapos bumili na lang ng teddy bear! Nagpakahirap pa talaga siya....

"Ito po ba sir? Worth 750 tickets po ito." habang pinapasok yung tickets ni Dj dun sa may ticket na binibilang kung ilan lahat yun. Basta, alam niyo na yun. =)))). "Wow, sir. You just earned 2500 tickets po sir. Ilan po yung kukuhanin niyong teddy bears?" dagdag ni Dj. Grabe, 30 minutes niya lang ginawa yun ah!

"Hahaha, para sakanya." sabay turo sakin. "........pero dalawa po yung kukuhanin ko na teddy bears, para tig-isa kami. Mahilig kasi kami pareho sa batman. *smiles*" sabi ni Mokong. Wow, para sakin at para sakanya? Una, roses and chocolates. Treat niya ng meryenda, at dinner. At ngayon, eto? Nagsakripisyo siya para dito? HAHAHA.

"Sige po sir. Napakaswerte naman po niyang girlfriend niyo. *smiles*. Batman and Batgirl, perfect match! At bagay pa kayo. Hahaha! Wait a minute, batman and batgirl. Kukuhanin ko lang po yung teddy bears. *smiles*" wow gumaganon si Ate ng timezone. Di kami magcouples noh! BESTFRIENDS lang! Pero it's too late, nasabi na din ni Dj yung magcouple kami. Arggh, no choice but to accept it.

"Thankyou, ate!" sabi ni Dj, kasi ni-abot na ni Ate timezone yung teddy bears na may shirt na batman. Hihihi, walangya. Ano ba meron kay Dj? At naisipan niyang gawin sakin to. =)))))

"Odiba, ang kyut kyut niya!" panggigigil ni Dj sa stuffed toy.

"Yep, kasing kyut naten. Hahah! Deej, let's go home na? Thank you for all the things that you gave today ah. Pangdagdag good memories! May mga pictures na din naman tayo kanina, kaya....may bago na akong ilalagay sa scrapbook or photo album naten!" sabi ko sakanya. Eh kasi naman, nakakahiya. Ako lang ang inintindi niya ngayong araw. Ni-isa sa isang bagay, wala akong nagastos.

"Hahaha! Pagod na din ako eh. Sige, let's go. Ihahatid na din kita. 8:3o pm na pala, sakto yan. No problem, para mapasaya ko lang bestfriend ko." sabi niya. Wee, ang sweet talaga netong lalaking to.

"Hahaha! Thank You talaga, deej. *smiles*" wala nang ibang words pa ang mailabas ng bibig ko, kundi laging pasasalamat sakanya. 

"Ay paulit-ulit? Hahaha! Sabi ko naman kasi sayo, babawi ako. Kaya ngayon, sinulit ko na at pinasaya na kita. *smiles*" shhhhh. Ang sweet niya talaga, batbaaaaa.

"Oo naaaa. Sige na uwi na tayo, at kailangan na nating magpahinga. Lalo ka na." sabay pingot ng ilong niya. Sorry, mahilig ako mang-ganun eh. Hahaha!

*E N D O F F L A S H B A C K*

Isn't it sweet? Nagpagod siya para lang sa simpleng teddy bear na yun. Alam nyo ba, pinangalanan namin yung mga teddy bears na yun. Yung akin, pangalan 'Ella'. Yung kay Dj naman, Patrick. Ewan ko ba kung bakit namin naisipan yun, hahah!

Tapos, may pangalawang pangalan pa yun. 'ElRick' daw. Si Dj nakaisip nun, hahaha! 

Bakit nga pala parang walang lectures and discussions ngayon? Yun ay dahil wala naman ginagawa ngayong araw dito sa room. All of our teachers gives us freedom, pero hindi naman yung freedom na pwede kang mambully, manira ng school properties. 

Syempre good manners naman diba! Hihi, so yun. Wala kaming ginagawa. Si Deejaaaay? Nako, eto katabi ko. TULOG, as always. Ano ineexpect mo diyan? Lagi yatang puyat kakabasa ng mga nakakakilig na stories sa Wattpad. 

Sige, gisingin ko muna tong unggoy na to. Nang may makausap naman ako, hahaha!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 7 DONE! BUMABAWI LANG PO AKO SA LONG TIME NA HINDI AKO NAKAPAG-UPDATE. :). SO HERE I AM. HAHAHAHA! SORRY TALAGA, YAN TALAGA ANG PUMASOK SA IMAGINATIONS KO. =))))))))))))

KEEP ON SUPPORTING GUYS! <3

ALWAYS BE A KATHNIEL LOVEEEER. :">

- Angel. :">

I love you for a thousand years. ♥ ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon