Chapter 15: Apologies...

671 18 2
                                    

Sorry nga pala kung hindi ako nakakapag-update ha. Medyo busy kasi eh, may inaasikaso lang.

So here's the Chapter 15. Kahit 6 votes lang ang nakuha ko last chapter. Dedicated sakanya, kasi isa siya sa nagcomment. Hihihi. 

CREDITS TO THE OWNER OF THE .GIF! :)

Pakinggan niyo yung song sa gilid para feel niyo! :)

Here it goes!  Hindi 'to puchu-puchu ah. EMO muna tayo ngayon. T_T 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kathryn's PoV

Okay, sensitive na kung sensitive. OA na ako kung OA. Pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako nakakadama ng ganto. Ngayon na lang ulit ako nakaiyak ng ganito, except nung namatay ang daddy ko. 

Yung iyak ko ngayon, hindi naman yung parang namatayan. Wala, tumutulo lang yung mga luha ko. Pero alam mo yung sobrang umiiyak?

yung puso kong lubusang nasaktan.

Asdfghjkl. Hindi ko talaga alam mga pinagsasasabi ko. Siguro nga, inlove na ako kay Daniel John Ford Padilla. 

"Huhuhuhuhu." oo, umiiyak na talaga ako. Aisshh, I hate this feeling.

"K-Kath??!!" OH MY GOD. Si Dj nandito? Seryoso? Hala. Baka narinig niya yung mga sinabi ko kanina!! Yung pakikipag-usap ko kay Ella!! Baka akalain niyang nababaliw na ako kasi kinakausap ko a ng isang teddybear!!!

Hindi Kath, isipin mo kaya yung mga sinasabi mo kanina na tungkol sakanya!! Loko ka talagaaaaa.

Seriously.....si Daniel John F. Padilla, na kasama si Patrick.

"D-Daniel??!!" sabi ko. Pinunasan ko kagad yung luha ko. Aissh naman kasi eh, pahamak din naman pala 'tong park na 'to! Arghhh. Ginugulo pa din ako netong teddybear na to. Para bang may sinasabi sakin? Na..... 'tanungin mo na kung narinig niya ang lahat' LECHUGAS!! Anak naman ng pechay 'to, nababaliw na talaga ako. "A-anong g-ginagawa mo d-dyan??!! K-kanina k-ka pa ba d-diyan??!!" arghh ano ba 'to! Bat ngayon pa ko humikbi ng humikbi? 

"Uhm eh. Sorry Chandy, di ako makapagsinungaling sayo. Oo, kanina pa ako dyan sa likod ng puno." sabi ni Daniel. Nananadya ka ba? Ha? :|. Umiiyak nanaman ako, not now please. Wag mong ipakita na mahina ka Kath!

Aissh, wala rin. Umiyak din ako.

"Aissh, Kath, tahan na." sabi niya at tumabi sakin, hinihimas niya likod ko. He's comforting me??!!

"N-narinig mo ba y-yung mga s-sinabi k-ko kanina?" sabi ko habang nakatakip yung mukha ko gamit si Ella.

"Oo, narinig ko ang lahat ng yun. Sorry, ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.  Kung bakit ka umiiyak ngayon. Sorry Chandy." sabi niya. Napasandal na ako sakanya, at umiyak na ng umiyak.

Kathryn Chandria Bernardo, ang hina-hina mo promise. 

"Sorry na Kath. Chandy, please. Ayokong nakikita kang ganyan." aba? Pumunta pa siya dito kung ayaw niya ako makitang ganyan? Umalis na ako sa pagkakasandal sakanya. Niyakap ko na lang ulit si Ella.

"B-bakit k-ka n-nga p-pala n-nandyan sa l-likod ng p-puno??" aw syete. Ang oa na yata ng pagkakahikbi ko. Bakit pa ba kasi ako umiyak eh. T3T

"Uhm. Aissh, teka nga. Kuhanin ko lang yung tubig ko sa bag ko."  tapos tumayo siya at pumunta dun sa likod ng puno, at may kinuha sa bag niya. Malamang yung tubig niya. Aisshh, ano ba naman 'to.

I love you for a thousand years. ♥ ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon