Chapter 2: First day of school...anyareh?

1K 15 0
                                    

"Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggg!!!! Kriiiiiiiiiiiiiiinggg!!!!" Sabi ng mala-telepono kong alarm clock.

"Kriiiiiiiiiiiiiinggggg!!!! Kriiiiiiiiiiingggggggg!!!" Ang ingay, ano ba yan. Natutulog pa ko eh, bastusan lang?

"Kriiiiiiiiiiiinggggggg!!! Krriiiii---" Che! Ang ingay, ingay mo. Teka.... 5:31 am?! 

OMYGOOOOSH! Oo nga pala, first day of school ngayon! 8:00 am pa naman ang klase. Ayaw ko pang bumangon, pero kailangan eh.  Aba, eh. Isang oras yata ako maligo? Deh, joke lang syempre. Mabagal lang talaga ako kumilos, kaya kina-kailangan kong gumising ng maaga.

May kasabay ako pumasok. 

[A/N: Da who itech, bakla?]

Ms. Author talaga oh! Aissh. Hahah! Sina Dj....

[A/N: Weh?! As in si Dj lang?!]

Hindi ah! Pati din kaya sina Diego at Juls. Ewan ko lang sina Kuya Neil at Ate Yen. Sabay yata sila pumasok ngayon, at syempre, hindi sila makakasabay saamin. 

Bakit kami magkakasabay? Eh magaling kasi mga magulang namin eh, magkakaibigan sila since mga bata pa kaming apat. Magbe-bestfriends din silang lahat, kaya yun. Close kami nina Diegs, Juls at Dj. 

Aishh, makababa nga muna. Baka malate ako, pagong eh. 

*

"Good Morning, Kuya Xian! *beso* Good Morning, Mommy! *beso* At good morning sayo, bunso! *beso*"  Sabi ko sakanila. 

"Oh, ang aga mo yata magising, bebe ryn-ryn?" Arghh, KUYA STOP CALLING ME BY THAT NAME. Iba lang ang tumatawag sakin ng Ryn-ryn, at hindi yun ikaw, okay? Ayy, BTW. Kuya ko nga pala, si Alexander Xian [Lim] Bernardo. Kilala siya ng barkada pero hindi siya sumasama saamin.

"Alam mo kuya, yan ang mga excited pumasok!" Sabi naman ng kapatid kong maliit. Siya naman si Xyriel Ann [Manabat] Bernardo. Epal minsan, pero nakakasundo at siya ang pinaka-close ko sa lahat, saka ang Ate kong nasa ibang bansa. Si kuya naman kalahati lang. Bleehh.

"Ewan ko sainyo. Dami niyong alam, magsama nga kayo. Hahaha!" Sabi ko sakanila. 

"Hay nako! Prince, at Princesses ko, tigilan niyo na nga yan. Tayo na't kumain. Nakahanda na sa lamesa ang almusal oh. Mamaya magkapikunan kayo niyan. Papahirapan niyo nanaman akong kausapin kayo." Sabi ni Mommy, with -______- face. 

"Di yan mi, si Kath pa? Eh good nerdy girl yan eh!" Ambaboy neto, kumakain. Tapos magsasalita? Err. At isa pa, ayoko sa lahat yung tinatawag akong nerd. Arghh, ang weird ko noh? 

"Nang-asar pa..." Sabi ko. Acting lang yan syempre, para tumigil na si Kuya sa kakaasar. 

"Kuya Xian wag mo na nga asarin si Ate! Ako magagalit sayo. Hindi ko na kayo sasamahan ni Mommy!!" Sabi ni Xyriel. Ankyutt ng kapatid ko, kasi yung mukha niya, naggagalit-galitan. Hahah!

"Aba! Marunong na mamblockmail! Kanino mo natutunan? Kay Ate mo noh?" Ay, ako nanaman napansin neto ni Kuya! Nakakainiiiiiss. 

"Ako nanaman napansin mo. Argghh. Mommy, maliligo na po muna ako ah. Baka po kasi dumating na sina Dj eh." Sabi ko na lang. Nakakainis na kasi si Kuya eh. :(

"Oh, sige. Bilisan mo na, 6:00 na oh." Weh? 6:00 na? Parang bumawas-bawas na ang pagiging mabagal ko ngayon ah? Hahaha!

FLASH-FORWARD - Naligo, Nagbihis, Nag-ayos. 

I love you for a thousand years. ♥ ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon