Chapter 8: Partner tayo sa Prom? :)

621 8 0
                                    

Kathryn's PoV

Dumating ulit si Ms. Ortega, para daw sa mahalagang announcement. Ewan ba namin kung tungkol saan yun. Eh, basta. Pakinggan na lang natin si Ms. Ortega. :)

"Oh class, hiniram ko muna ang time ni Mrs. Dela Cruz, para maipaliwanag sainyo ang sasabihin kong announcement ngayon." panimula ni Ms. Ortega. "Class, we will talk about our Js Promenade." mahalagang announcement na yun? Ganun? Hahaha! Joke. Sino naman makakapartner ko? Psh. Isang neeeerd. Walang papatol sayo, lol. :(

"Kung alam niyo lang Seniors, mas maganda ang venue at catering services natin ngayon, kesa dati. Ngayon ay mas elegante na, mas maganda, na mafe-feel niyo na mga prinsesa't prinsepe kayo." dagdag ni Ms. Ortega.

"Eh miss, saan naman po gaganapin yan ngayon?" ttanung ni Julia. Adik talaga 'to, makarinig lang ng prinsesa't prinsepe, kami kaagad tinignan ni Julia. Eh diba minsan ganun tawagan namin ni Dj. Hahaha!

'

"Gaganapin yan sa *pangalan ng venue*" wow. Maganda nga dun. Chos. =))))))))))))))))))))))

"WOOOOW, Miss, ang ganda na nga ngayon!" comments ng mga classmates namin.

"Yes, you're right. Okay, maiba naman ang topic naten. I need to know your partners by now. Kasi nagmamadali talaga ang faculty members. Saka yung magtuturo sainyo ng sayaw. Bukas na kasi kaagad ang practice niyo.February 22 ngayon diba?  Gaganapin ang Prom niyo sa February 29." pageexplain ni Ms. Ortega.

Tapos nagbulungan ang buong klase. 

"Oh ano class, clear na ba? Mag-ayaan na kayo!" sabi ni Miss. "Bibigyan ko kayo ng 30 minutes for that. Then I will dismiss your class na." dagdag niya. Hayy, sino naman ang aaya saakin?

Girl 1: Daniel, partner tayo bilis?

Girl 2: Uy Papa D, gumising ka naman diyan. Pilian na ng partners oh. Yayain mo na ako, please?

Girl 3: Daniel, wag ka papaloko sa mga babaeng yan. Ako lang piliin mong partner, pretty please?

Hay, talaga 'to si Dj. Di pa din nagigising. Alam ko kung bakit ganyan yan. Hahaha! Naiirita yan, promise. Kaya naka-heads down lang siya, kunyare tulog. Magaling sa mga ganyan si Dj. Hahay, yan pa?

"Class, tapos na ang 30 minutes niyo. Lahat na kayo eh may partners na, at nalagay na dito sa pape----oh Kathryn, bat wala ka pang partner?" sabi ni Ms. Ortega. Napansin pa talaga ako? 

Nerd kasi, hahaha!

Wala talagang aaya diyan miss!

Oo nga! Kahit gano pa kaganda yan pag walang salamin, wala pa rin!

"CLASS!!!! STOP! You don't have the right to judge her, okay?! Stop that kind of bullying or else, I will call the attention of your parents for the first warning!" pagtatanggol saakin ni Ms. Ortega. Coach kasi namin siya, kaya medyo close kami ni Ms. Ortega. 

"Hindi po Ms. Ortega, okay lang po. Sanay naman po akong ganyan. Saka, okay lang rin po na wala akong kapartner sa Js Promena---" Cut-off.

"Ms. Ortega! *yawn*" sabi ni Dj sa boses na inaantok pa. Baliw talaga 'to si Dj. =)))). Ano nanaman kalokohan niyan? "Papartner po ako kay Kathryn Chandria Manuel Bernardo." wait, what?! Bestfriend ko, papartner sakin? Campus Heartthriob, papartner sakin?!

"Okay, Daniel. You're one of a kind. *smiles*" sabi ni Ms. Ortega. What does she mean?

"Miss, what do you mean?" tanung ni Julia kay Ms. Ortega.

"Kasi sa kabila ng physical traits ni Kathryn, nagawa niya pa ring partneran ito. And that's what a true man do. Tinitignan ang kabutihan ng ugali, hindi sa panlabas na kaanyuan." pag-eexplain ni Ms. Ortega. "Okay, class dismissed." tapos sabay alis niya.

Grabe lang talaga, napaka din netong bestfriend ko eh noh. Lagi akong trip. Bat niya ginawa yun? 

Habang nag-aayos ng gamit ko para makauwi na kami, si Dj nakatayo na lang. Tapos pinapanood akong ayusin ko lahat ng gamit ko. Pano ko nalaman? Eh sa tangkad ba naman niyang yan, sa shadow pa. Ay, siomai. Di ko mareach. -___________-"

"Ano ba, tagal naman niyan." sabi niya. Moodswings. Hahaha! Tumingin ako sakanya sandalii, tas ang cute niya, dala-dala niya si Patrick. [A/N: Natatandaan niyo yung teddy bear? Kung hindi, see chapter 7.]  

"Edi mauna ka na umuwi. Sinabi ko bang maghintay ka?" and then I rolled my eyes. "......yan si Patrick oh.." sabay turo sa teddy bear. "Kasama mo!" dagdag ko ulit.

"Ayoko nga! Mas gusto ko kasama bestfriend ko! Blehh." sabay dila. 

"Eh bestfriend mo din naman si Patrick ah? Saka may kasama na ako oh, si Ella." sabi ko. HAHAHA, sarap magtrip.

"Di ka mapoprotektahan ni Ella noh! Lika na nga." sabay hila saakin palabas. 

Ano kaya mangyayare sa Prom? Sa Practices? Bahala na!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 8 DONE! 1,000+ READS NA. :). THANKYOU! KAHIT SA MGA SILENT READERS. :). OKAY LANG KAHIT HINDI KAYO NAGVOVOTE OR COMMENT.

BASTA, KEEP ON SUPPORTING! 

ALWAYS BE A KATHNIEL LOVER. <3

- Angel. :)

I love you for a thousand years. ♥ ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon