ZIE's NOTE:
"Ahh..Herchelle."
"hmm.?"
"Pwede ba kitang i-date?"
nagulat ang dalaga sa narinig. Dahil ang matagal na niyang hinahangaan ay niyaya syang lumabas.ngumiti ito. "O-oo. Kailan.?"
"Gusto ko sana... mamaya. kung libre ka.?"
lalong lumawak ang mga labi ng dalaga sabay tango ng mabilis. "Sige.."
Napangiti ang binata saka unti-unting nilapit ang kanyang mukha dito. Hanggang sa...
"Hoy, Hershey. Anyare sayo.?" Biglang natauhan ang dalaga sa tanong ng kanyang kaibigan na si Hazel.
"H-ha.?"
Napataas ng kilay ito. "Hayy, nako. Si Maroon na naman. Pasalamat ka vacant tayo. Dahil kung nagkataon na makita ka ni Ms.Bitter. ay nako... good luck nalang sayo."
"tsk. Ano bang problema sa pagde-daydream. Dito nga ako sumasaya eh. Ba't hindi mo nalang ako suportahan." Paliwanag nito.
"eh kung dagukan kita dyan. Tama nayang pagpapantasya. harapin mo ang reyalidad. Katulad nalang nito..." sabay nguso sa paparating na si Maroon. Kasabay sa pagtili ng ILANG mga kababaihan.
bumilis ang tibok ng puso ng dalaga at naramdaman nitong nagiinit narin ang kanyang mukha.
Umupo ang binata. pero-- sa kasamaang palad. hindi nya ito katabi.
Si Maroon Kang ay may dugong koreano at pilipino. Ngunit ganun paman hindi nya alam ang mga lenggwahe sa bansa ng kanyang ina which is sa Korea. Maraming nahuhumaling sa taglay na kagwapuhan ng binata. Isama na ang kanyang good statistic, like Matalino, suplado,snober, Stick-in-three, at higit sa lahat may appeal. Iyan ang mga masasabing magandang ehem-- ugali DAW ng binata. Na gustong-gusto naman ng mga kababaihan.
"Bakit hindi mo sya lapitan.? Titig na titig ka oh. Ayaw mo bang kausapin manlang. Mag-hello, how are you, can i be your girlfriend.?" Biro ni Hazel.
napakunot ng noo si Herchelle. sabay buntong hininga. "Paano ko yun gagawin... Eh ang hirap nyang abutin." Tapos bigla syang nakatanggap ng batok sa kaibigan.
"anong hindi maabot.?! Ayan na oh. Sa harapan lang. Himas-himasin mo katulad ng mga babae dyan. tsk. Alam mo Hershey, tanggalin mo nayang pagka-emotera mo. Nakakasura. Anu ba-- 2017 na. pero ganyan kaparin." Sabay roll eyes nito.
"Ewan. Sapat na saakin na hanggang sulyap ko lang sya."
"Ikaw ang EWAN.! bahala ka. Tatanda ka talagang dalaga dyan."
hindi na dinugtungan ng dalaga ang sinabi ng kanyang kaibigan. Dahil may panibagong panggulong dumating sakanilang klasrum.
"Yow Maroon. Hello girls." sabay kindat nito sa mga kababaihan. at lapit naman sa binata. "Gala tayo." Wika nito sakanya.
"Saan naman." malalim at kalmado nitong boses.
"kahit saan. uhm-- gusto mo sa Girls C.R." Biro nito sabay tawa.
"Ugok ka talaga. Kanina pala nakausap ko yung obssess mong Ex-Girlfriend. Hinahanap ka."
"bakit daw.?"
"Ewan. Baka nakikiusap na magbalikan kayo."
"Ako nalang pls.~" biglang singit ng isang babae malapit sakanila.
"tsk.Sorry babe-- taken na kasi ang puso ko." tugon nito.
Napangisi ito."Ano ba talagang ginagawa mo dito Min.?" maangas na tanong ni Maroon sakanya.
BINABASA MO ANG
Nurture Dream
Short StoryAng babaeng hindi perpekto, pero kung mag-imagine, wagas. Ngunit, paano kapag dumating ang araw, tanghali, hapon, at gabi. Magkagusto sya sa taong... Pwedeng ikadulot niya sa kapahamakan. "Mahal na mahal ko sya...kaya gagawin ko 'to para sakanya." ...