Squater 08

20 1 0
                                    

***
Herchelle's Pov

Kakalabas palang ni Lucho sa ospital. Syempre nandun ako para masigurong ayos sya.

"Pano na 'yung mga lalaking nambugbog sayo? Nahuli naba?" Tanong ko sakanya. Habang papasakay ng taxi.

"Wala. Hindi na sila mahagilap. Kaya pinatigil ko nalang. Tsaka ayos naman na ako." Sabay ngiti nya.

"Ganun. Pero nasan pala 'yung iba? Ako lang talaga ang nakaisip na sunduin ka dito?"

"Haha... Malay ko sakanila. Ikaw lang, sapat na." Pilyo nyang sagot.

"Tse! Gumaling kalang, bumabalik ka uli sa pagka-korni mo."

"Mahal mo naman."

At dun lang ako hindi nakapagsalita.

***

Pagkarating sa bahay nila. Agad naman kaming pumasok dito. Pero bakit andilim? Walang tao?

"Nasan 'yung people?" Tanong ko.

"Ewan. Baka nagbakasyon." Sabay bigla namang palo ko dito.

"Aray! Nagbibiro lang naman eh."

Pumunta kaming sala sabay switch ng ilaw.

"SURPRISE!!!!"

"Oh? Sino may birthday?" Tanong ni Lucho sakanila. Kasama narin yung mga magulang nya.

"Wala. Bakit bawal bang i-celebrate ang bagong labas naming kaibigan sa selda." Birong sagot ni Ash.

"Tch, Loko." Nakangiti nitong tugon.

"Hay nako, magsikain na nga lang tayo." Sabi naman ng mama ni Lucho.

...

...

...

...

Wala naman ibang nangyari bukod sa celebration kuno nila. Masaya, atleast nabawasan kahit kaunti 'yung kaba ko sa dibdib.

"Ang tahimik mo ata?" Tanong ni Lucho sakin. Nasa garden kami ngayon, nagpapahangin. Yung iba naman nasa sala.

"Ha?"

"Tsk. May problema ba?" Sabay akbay nya.

"P-problema? Wala naman? Bakit?" Magagawan ko rin yung ng paraan. Sana~

"Kung ano man yang iniisip mo... Wag kang mag-alala, matatapos din yan." Sabi nya. Kaya pinisil ko 'yung pisngi nito.

"Ang cute mo." -ako.

Sabay hawak naman nya sa kamay ko.

"Mahal kita..."Mahinang sambit nito. "Kaya dito kalang sa tabi ko ah." Tapos yakap saakin.

"Promise?"

Naalala ko na naman yung sinabi ni Dad. Pinilit kong hindi umiiyak sa harapan nya, pero ang hirap eh.

"Promise." Sabay kalas sa pagkakayakap.

"Oh? May sinabi bakong mali?" Punas naman nya sa luha ko.

Umiling ako. "Mahal din kita."

At binigyan ang isa't isa ng mabilis na halik. At napagpasyahang  pumanhik na ng sala.


***
Dette's Pov

"What?! Totoo ba yan?!" Di mapakaniwala kong tanong sa kabilang linya.

"Ok. Ako ng bahala."

"Uy sino yun?" Tanong ng pinsan kong kabuti.

"Tch. Wag kang chismoso.!" Umalis nalang ako. Kasabay sa pagkamot nya ng ulo. "Sunget naman." Huli kong narinig sakanya.

"Dette!"

Aish! Sino ba yun?

"Dette!"Bahala sya. Tinatamad akong lumingon.

"Dette!" Nang bigla hawakan nya yung balikat ko. Kasabay sa pagpilipit dito.

"O-ouch! Tama na. aray!" Tch, si Notre pala. Agad ko itong tinanggal bago nagsalita.

"Ano bang kailangan mo?" Iritang tanong ko.

"Uhm. Free ka ba mama—"

"Hindi. Kaya wag mo ng balakin." Pagpuputol ko sakanya.

"Wala naman akong balak na solohin ka. Kasama naman natin 'yung iba, syempre kasama si Maroon. Magpapa-party kasi yun. Ano sama ka.?"

"Si Maroon?!"

"O-oo. Parang nagulat ka?" Tatawa-tawa nyang tanong.

Kailangan kong malaman ang halat. "Ahh, wala. Sige payag ako."

"Talaga?!Sure na yan ah. Mamaya, hihintayin kita."

Nginitian ko nalang sya.

Maroon Kang? Sino kaba talaga?






Herchelle's Pov

"Nasan pala si Lucho?" Kanina ko pa kasi hindi sya mahagilap simula umaga.

"Ay yun lang. Hindi ko rin alam eh." Sagot sakin ni Rash.

Hahanapin ko sana sya ng saktong dumating si Sir.

Hanggang sa matapos ang klase, wala akong inisip kung hindi hanapin si Lucho. Ayos lang ba sya? May nangyari kaya?

Nagpaalam ako kay Rash, at Rishi na kasalukuyang nagdadaldalan. Tinanong ko sila kung gusto nilang sumama. Ang kaso, may double date daw sila mamaya. Kasama si Ash, at Dame.

Tsk, Sabi na nga ba. Sila-sila rin ang magkakatuluyan.

Pumunta ako sa room nya.Ang kaso, kanina pa daw wala si Lucho. Pero nakita nila kaninang nakatambay lang ito sa garden ng campus.

Nagcut sya ng class?!

"Buyset!!!" May narinig akong sumigaw malapit sa kinaroroonan ko.

"Bakit ba 'to nangyayar?!!" Nakita kong nagsisipa sa pader si Lucho. Ano kayang problema.

"Wait... Anong nangyari—?" Lapit ko sakanya. Muntikan pa nga akong masuntok. Buti nalang napigilan nya.

"S-sorry..." -sya.

"Anong problema?" Nakatunghay lang ito sa ibaba. Kaya hinawakan ko 'yung mukha nya.

"Uy, bakit ka nagditch? Ikaw ha, paano kung—" Nang bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"Tanggal na si Papa sa trabaho."

"Ha?"

"Sabi daw, dahil may anak syang may malaking kasalanan sakanila."

0__0

Kumalas ako sa pagkakayakap. "Saan ba nagtatrabaho yung papa mo?"

"Sa TG corporation. Bakit?"

Si Dad!

"Pano na yan. Si papa lang ang bumubuhay samin. Wala naman akong trabaho. Si mama, sa bahay lang. Tapos matatanggal lang si papa sa ganung dahilan?!"

Patuloy lang ako sa pakikinig. "Ano bang kasalanan ko sakanila?!"

Bigla ko syang niyakap. "S-sorry..."

"Ha? Ano bang—"

Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap. "Basta sorry."

"Wait... Umiiyak ka na naman ba?"

Hindi ako sumagot.

Sorry talaga.





Kailangan kong makausap si dad.
I have to decide.


To be continue...

Nurture DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon