Herchelle's Pov"Ayusin mo nga yung mukha mo. Panget na nga lalo pang pumapanget." Sabi nitong si Lucho habang sabay kaming naglalakad papasok ng school.
Kanina pa kasi ako naiirita sa set up na ginawa nya. Napaka-hindi makatarungan.
Natuluyan na kasing maging fake girlfriend ako ng gunggong na 'to. Kaya lalong nakaka-galit."Tch, bat hindi mo sabihin yan sa sarili mo. Andaming dapat ayusin, pati pagkatao mo." Sarcastic kong sinabi.
"Tumahimik ka nga." Mahina pero matigas na saad nito.
"Whatever." Sabay roll eyes ko.
"Herchy!" Tawag ni Rishi. habang papalapit sa direksyon namin.
Tapos biglang hinawakan ni galunggong ung kamay ko. Syempre sinubukan kong pumiglas, kaso malakas si koya. kahit mukha syang payatot. *^*
"Good mor-- wait... anu yan?" Sabi ni Rishi. Sabay tingin sa kamay namin.
"A-ah... w-wala... ano kasi--"
"Kami na."
HUWAAATTTT!!! >…<*
"Omg!!for real...Wait kailan pa.?"
"Kahapon lang." Maikli nitong sagot.
"Ano kasi Rishi... gantu yun--"
"And sooner or later... baka magpropose na ako sakanya."
0_______o?!!! Pwede bang iuntog to sa pader.!! As in now na.
She chuckled. "Hindi ka naman ata masyadong nagmamadali noh. Ni hindi nga namin alam na niligawan mo pala tong si herchy"
"Pfft-- kailangan pa ba yun. Eh alam ko namang patay na patay to sakin."
Eh sya kaya ung patayin ko! Napaka hangin.
"Kailangan 'tong malaman ni bessy. Sige gotta go lovers. Babush~" at tuluyan na nga syang umalis.
-_-* -Ako
^u^ -sya
"Tara na." bago pa ako mahila ng lalaking to ay agad nakong malakas na bumitaw sakanya. Saka naglakad.
"Uy, hintayin mo ko."
"..."
"Hoy herchelle!"
"..."
"Baby ko!" Bigla akong huminto sa paglalakad saka hinarap sya. Habang may mapang-asar na mukha ito.
"Lumayas ka."
"Bakit?" sabi nya na para bang nagpapacute.
"Leave me alone. Nakakairita ka na." pero imbis na seryosohin ang sinabi ko ay lalo lang itong naprovoke na asarin ako.
"Nagtatampo ba ang baby ko." Lalo niyang nilakas ung 'baby' word.kaya malamang maraming nakarinig.
"Tumigil ka nga." Mahina pero madiin kong saad sakanya.
"Wag ka ng magselos. Alam mo namang ikaw lang mahal ko eh."
Grr!! kung may sili akong dala. Kanina ko pa sinubo sa bunganga ng gunggong na to.
Bago pa makapagsalita ng kung ano-ano ito. Ay agad ko syang hinila para pumunta sa next subject ko. At dahil hindi naman kami magka-klameyt, nagmukang hinatid nya ako sa tapat ng room.
BINABASA MO ANG
Nurture Dream
Short StoryAng babaeng hindi perpekto, pero kung mag-imagine, wagas. Ngunit, paano kapag dumating ang araw, tanghali, hapon, at gabi. Magkagusto sya sa taong... Pwedeng ikadulot niya sa kapahamakan. "Mahal na mahal ko sya...kaya gagawin ko 'to para sakanya." ...