***
"Anak change your clothes na. Baka matuyuan ka ng pawis. Pati rin ung kapatid mo." Tawag ni Herchelle sa anak nito.
"Pero ma, naglalaro pa kami ni Luelle." Tugon naman ni Uexian ang kakambal ni Luelle.
Napabuntong-hininga nalang ito.
"Oh, anong nangyayari?" Tanong naman ni Lucho sakanyang asawa."Ito kasing mga anak mo. Ang tigas ng ulo. Ayaw makinig sakin."
Bigla niyang niyakap ang asawa. "Hayaan mo na sila. Mamaya nalang natin pagsabihan ok. Ako muna asikasuhin mo." Pilyo niyang tugon.
"Hmp. Tumigil ka nga.! Magluluto lang ako."
"Uy. Sige na. Tsk. Wala ka bang balak na dagdagan ang anak natin. Herchelle!" Habol ni Lucho dito. papunta sa kusina.
Ito ang balintataw ng dalaga habang naglalakad sa altar. Ngunit alam niyang hindi na ito mangyayari. Dahil ang matali sa lalaking pilit na minamahal ay tila kalabisan lamang.
Sa pagluha na lang ang tanging nagawa upang kahit kaunti ay maibsan ang lungkot na nadarama.
Pagkahatid ng ama nito ay siya namang kabit ng braso niya sa binata.
"Maroon. Your incharge to take care my daughter. I will leaved it to you." Wika ng kanyang ama dito.
"I will Dad." Pagkatapos ay humarap na sila sa altar.
Nagsalita na ang pari hanggang mapunta sa katanungang hindi kayang isagot ng dalaga.
Lucho... Pwede bang ikaw nalang.
"I... i d--" paghihinto nito.
"Herchelle." Bulong ni Maroon sakanya.
Tumingin ang dalaga dito. "Father..."
Hinawakan siya ng binata sa braso. "Im sorry... But i can't."
Maraming nagulat, nagbulong- bulungan,Nagtaka. Ngunit hindi ito inalintana ng dalaga. "Im sorry Maroon. Hindi ko talaga kaya."
Kahit labis na nasasaktan ang binata. Ay alam nitong hindi kailanman liligaya si Herchelle sa piling niya.
"Ok. Hindi kita pipilitin. I will give up. Sya talaga eh. Wala akong magagawa. Malaya ka na." Napangiti naman si Herchelle saka pumunta sa magulang nito.
"Im sorry mom, Dad."
"It's ok anak. Tama lang ang desisyon mo." Sabi ng kanyang ina.
Magsasalita pa sana ang dalaga ng biglang tumunog ang telepono nito.
Si Lucho.
Kaya agad naman niyang sinagot.
"Hello Herchelle... Papunta na ako dyan."
"No. Pupuntahan na kita."
Dagli namang umalis ito. Nagpaalam sa pamilya, at tuluyang nagpaagos sa kasiyahan niya.
"Herchelle. Ako na nga."
"Ayoko. Nasan ka. Pupuntahan kita?"
Mamaya-maya ay nasa isang highway na ang dalaga. Habang palinga-linga kaliwa't kanan.
"Nandito ako sa ***place. Tatawid nalang."
"Wait, patawid narin kasi ako--" nang masagi ng paningin nito ang binatang si Lucho sakabila ng kalsada.
Nagngitian sila sa isa't isa. "Saglit. Ako na ang tatawid."
Sinunod na lamang ito ni Herchelle. Habang si Lucho ay patakbong pumunta sa kinaroonan ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Nurture Dream
Historia CortaAng babaeng hindi perpekto, pero kung mag-imagine, wagas. Ngunit, paano kapag dumating ang araw, tanghali, hapon, at gabi. Magkagusto sya sa taong... Pwedeng ikadulot niya sa kapahamakan. "Mahal na mahal ko sya...kaya gagawin ko 'to para sakanya." ...