Anne's POV
Nandito kami ngayon ni karylle sa MOA. And yes di ko sya napiling dalhin kase gusto ko paki nyo ba haha! Dahil nagutom na kami parehas dahil kanina pa kaming paikot ikot dahil sa sobrang pagkagala nitong kasama kong si Karylle. Di na ko magtataka kung pati si Vice napagod kahapon haha. Pumunta muna kami sa isang restau kung saan namin napagdesisyunang mag window shopping charot! Syempre kumain.
"Grabe ka talaga K. Di ka ba nauubusan ng energy? Parang ako pagod na pagod na ikaw hindi. Sabihin mo nga sakin umiinom ka ng milo noh? Kaya nag energy energy gap beat energy gap nag-milo everyday! Hahaha."
"Hahaha puro ka talaga kalokohan anne. Napapagod din naman ako syempre, pero since ngayon lang ulit ako nakapunta dito kaya parang lahat ng pagod ko nawawala sa sobrang excitement ko."
"Hahaha! Kaya pala pagod na pagod si vice kahapon kase pinagod mo, yan tuloy di nakasama satin ngayon."
"Mukhang di naman sya napagod anne."
"Ha? What do you mean K?"
Tiningnan ko naman kung saan tumuro si Karylle. And I so vice sa labas ng stall and since itong restau ay transparent kitang kita ang mga tao sa labas.
Bwiset na viceral yan! Ang sabi pagod sya eh bakit nandito yang baklang yan at may kasama pang dalawang lalaki. Humanda ka sakin viceral ka.
"Come on' K. Mamaya na tayo kumain may sasakalin lang akong bakla sa labas."
Yaya ko kay Karylle at agad kaming lumabas sa restau and buti nalang mabagal maglakad sina vice ay nagkasalubong kami agad."Pagod ka palang bakla ka ha. Then what are you doing here?"
"Ah... Ano kase anne.. Ano kase..."
"Bwiset kang bakla ka! Pag ako ang nagyaya di ka sumasama pag sila sama ka agad?!"
"To naman si ngangabu ang HB mo. Eh ngayon ko lang naman sila vhong at billy nakasama eh ikaw lagi na kitang nakakasama."
Ngayon ko lang naman napagtanto na sina vhong at billy pala ang kasama ni vice. Shet namiss ko sila.
"Hi anne!"
Kaway ni vhong habang naka-ngiti pa."Hi aning!"
Kaway naman ni billy."Hi vhongskie, Hi din billy joe. Shet namiss ko kayoooo!!!"
Niyakap ko silang dalawa. Para kaming mga siraulo dahil nagtatatalon talon pa kami. Habang yung dalawa O.P haha."Masyado nyong namiss ang isa't isa ha. Lalo na yang si vhong, miss na miss ka na nyan anne."
Sabi naman ni vice."Talaga vhongskie?"
"Oo naman anne. Hehe"
Haha cute talaga ni vhong. Sayang lang may boyfriend na ko sa states eh.
Karylle's POV
"O sya tama na yan. Para di ka na magalit sakin ngangabu sama sama nalang tayong lahat maggala dito para masaya."
Suggest ni vice.Grabe parang wala ako dito ah. O.P ako sa kanila. Tss.
"Great idea! Tara na!"
Agad namang nagsitakbuhan sina anne, vhong at billy at iniwan kaming dalawa ni vice. Kainis talaga si anne nakalimutan na ata ako? Ni hindi man lang ako pinakilala dun sa dalawa nyang kaibigan. Kainis lang ha.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni vice ngunit agad syang nagbawi ng tingin at tumingin nalang sa iba. #AWKWARD kami ngayon. Ano bang problema nito? Magkasama lang naman kami kahapon bakit parang nakalimutan na agad ako?
BINABASA MO ANG
"Gay NEXT DOOR" | A ViceRylle Story
FanfictionGet ready to fall in love with a Gay next door.