Kabanata 2

18 1 0
                                    

At eto na nga, andito na kami ngayon ni anne sa airport para antayin ang pagdating ng friend nya. Kinuwento na sakin ni anne tungkol dun sa friend nya para daw mas makilala ko pa sya, as if namang bet kong kilalanin sya di naman ako interesado tse! Maganda daw sya sexy at matalino bagay daw kami yuck lang ha. Lakas talaga ng pagkabaliw netong sisteret ko.

"Sis, ayan na sya!!!!!"

"Anne bunganga mo baka akalain ng tao may sunog dito."

Tiningnan ko kung saan tumakbo si anne para yakapin yung friend nya. Infairness, tama yung sinabi sakin ni anne maganda nga sya at sexy ang gorgeous nya tingnan kahit sino sigurong lalaki magkakagusto sa kanya pag nakita sya. Hunghang lang ang lalaking di sya magugustuhan. At ako yon! Haha hunghang ako eh hahahaha

"Sis!! Meet Ana Karylle Tatlonghari. Karylle, meet my friend Vice."

Inoffer nya yung kanang kamay nya para makipag shake hands sakin. Tss mukang na inlove lang to sakin e dumadamoves na agad. Galawang karylle. Nakipag kamay naman ako sa kanya mahirap na baka malamon ako ng buhay ni anne curtis eh.

"Nice to meet you vice? Vice right?"

"Yeah."
Walang gana kong sagot. Kala ko ba naturuan to ng tagalog bakit parang di naman ata? Maghahanda na ba ko ng bulak panlagay sa ilong ko.

"And since finally, magkakilala na kayo. Pwede ko na ba kayong iwan dalawa?"

"Anne wait lang, wag muna mukang dudugo ilong ko dito eh. Sinasabi ko na nga ba dapat di na ko pumayag e. Tss!"

"It's ok vice. Marunong naman akong mag-tagalog."

"See? Alright I need to go na. Enjoy each others company ha. Baboooshhhh! Viceral, yung bilin ko sayo ha behave ok?"

"Tss! Bwiset ka ngangabu."

Umalis na nga si anne at iniwan kaming dalawa ni karylle. Tinulungan ko syang dalhin yung maleta at bag nya kase syempre kakahiya naman sa kanya. Haha.

"No, its ok. Kaya ko naman."
Sabi nya saken with matching ngiti pa. Jeske, help me lord mukang may magpapabalik kay jose marie. Chos! Syempre joke lang yun.

"Ako na, mukang mabigat eh dinala mo na ata buong bahay nyo dito haha."

"Haha sorry. Just my important things that I actually brought here kase pag lahat baka abutin ng 50 na maleta haha."

"Grabe naman yun te. O sya gorabels na."

"What's gorabels mean?"

"Gorabels means let's go! Gutom na si bakla! Gosh, mukang maoospital ilong ko."

"Hahahahaha! You're funny."

Para yun lang natawa na sya? Di ba nauso ang joke sa pinanggalingan nito? Kakaloka

"Gutom na din ako, if you want we can eat muna before we go to the hotel?"

"Oh sure. Teka, libre mo ko pinagmamadali kase ako kanina ni anne kaya di na ko nakapagdala ng pera."

"Haha ok. Gorabels."

Haha natuto na kaagad sya ng mga salita ko. Yari ako kay anne nito kung ano ano tinuturo ko haha.

Inilagay ko na yung maleta at bag nya sa likod ng mamahalin kong kotse oo na kinareer ko na talaga ang pagiging tourist guide dito sa kaibigan ni anne paano ba naman mapapatay ata ako ni anne kapag hinayaan kong magisa dito to. Di pa daw sya masyadong familiar sa lugar kahit na dito sya pinanganak.

Binuksan ko ang pinto ng kotse na katabi ng driver seat para makasakay sya. Wag nyong iisiping gentleman ako masasapak ko kayo.

"Thankyou."

"Welcome. Baka kase pati pagbubukas ng kotse di ka na familiar haha. De joke lang."

Sumakay na din ako at umupo sa driver seat.

"Ay teka wait may nakalimutan ka."

"Ha? Ano yun?"
Tanong nya. Unti unti akong lumapit sa kanya. Lumapit pa ko ng mas malapit pa hanggang konti nalang talaga ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

"Ah... Vice? What.. What are you doing?"

"Yung seatbelt mo kase te di mo kinabit. Kaloka ka."

Agad ko namang inabot yung seatbelt at kinabit ito. Haha akala nyo kung ano na gagawin ko ha. Wag naman kayong pahalata na atat kayo sa SPG mga batang to!

"Ah ok. Salamat."

Pinaandar ko na yung kotse ko. Papunta sa restaurant kung saan kami kakain.

Pagkatapos ng 30 minutes kong pagmamaneho nakarating na din kami sa restaurant na napili ko di ko namalayan na nakatulog na pala si karylle. Halatang napagod ang babaita sa biyahe. Slight naman akong napatawa dahil may tumulong laway sa nakakanganga nyang bibig. Kagandang babae salaula naman haha!

"Karylle gising na." Sinudot sundot ko ng slight yung pisngi nya.

"Hmmm."

"Karylle, nandito na tayo bilisan mo gutom na ko please bangon ka na dyan.."

Karylle's POV

Naalimpungatan ako ng may sumundot ng pisngi ko.

"Karylle, nandito na tayo bilisan mo gutom na ko please bangon ka na dyan.."

Pagdilat ko ng mata ko nakita ko ang mukha ni vice na nakasimangot at naka pout pa ang nguso. Ay oo nga pala kakain nga pala kami nakalimutan ko.

"Sorry. Nakatulog pala ko, tara na."

Agad naman kaming lumabas ng kotse at dumiretso papasok sa isang restaurant. Agad namang umorder si vice dahil gutom na daw talaga sya ni hindi na nga tumingin sa menu eh kung ano nalang daw masarap yun nalang. Haha habang ako naman di ako makapag-decide kung ano kakainin ko.

"Karylle, baka gusto mong bilisan gutom na talaga aketch. Masarap daw yung baby back ribs nila dito yun nalang iorder mo."

Kulit talaga ng baklang to. Pasalamat nalang talaga sya gwapo sya kundi baka kanina ko pa tong nasapak.

"Ah ok sige. Yun nalang yung sakin"
Sabi ko sa waiter na kanina pang nakatitig sakin. Bet ata ako ni kuya haha.

"Koya naka-order na sya diba? Pwede ka ng umalis."
Sabi naman ni vice na halata na ang pagkairita sa waiter. Dali dali namang natauhan ang waiter at umalis na.










---
GND.

"Gay NEXT DOOR" | A ViceRylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon