Nang makatapos na ko sa pagbibihis ay bumaba na ako para hanapin sila. Nakita ko naman sila na nagsu-swimming na habang nagbabasaan ng tubig. Habang nakita ko sina anne at Karylle na nagpo-floating lang muli namang namula ang mukha ko ng maalala ko yung kaninang pagtitig ko kay karylle. Sino ba naman kase ang di mapapatingin sa kanya sa sobrang sexy ng katawan nya at kitang kita mo ang kurba nyang katawan her body is perfect. Ay ano ba yan!! Kung ano ano na namang iniisip ko kakaloka! Makapaghanap na nga lang boylet dito.
Nang wala akong makitang gwapo ay lumapit na ko sakanila para magswimming na din.
"Oy bestie dyan ka na pala! Come here!"
Sigaw ni billy ng makita nya kong papalapit sa kanila."Hindi wala pa joke lang to."
"Haha sungit mo."
"Tse!"
Nang magsawa na kaming lahat magswimming dahil nilalamig na din kami. May naisip na naman yung dalawang loko loko na sina vhong at billy. Mag bonfire daw kami and maglaro ng spin the bottle ayoko pumayag nung una dahil alam kong may kalokohan na naman silang gagawin, kilalang kilala ko na sila. At dahil pinanganak silang mapilit eh wala na naman kaming nagawa kundi pumayag nalang.
General POV
"Syempre mas magiging masaya ang spin the bottle natin kapag meron nito!!!"
Sabi ni billy habang may kinuha sa kanyang likod."Beer!!"
Excited na sigaw ni anne.Kasalukuyan silang naka upo at nakapa-libot sa bonfire. Magkatabi sina vhong, vice at sa kanan naman si billy then sina anne at karylle.
Isa isa namang binuksan na ni billy ang 5 beer at isa isa nya tong binigay sakanila.
"Ok lets start!"
Pinaikot na ni billy yung bote at natapat ito kay anne.
"Oh my gosh! Ako agad?"
"Oo anne. So, truth or dare?"
Tanong namin nina billy."Hmnn.. Sige para exciting ill go for dare!!!"
"Alright. Ano kaya.. Ah alam ko na! Inumin mo yang isang bote ng beer dapat ubos ha, and straight dapat!"
Sabi ni billy. Nagtawanan naman silang lahat dahil mukang kinabahan si anne sa idea ni billy. Pero kilala naman nila si anne na sanay uminom ng alak kaya di sila nagwo-worry na may mangyaring di maganda."Yun lang ba? Sisiw!"
Agad namang ininom ni anne yung isang bote nya ng beer ng straight. Pagkatapos ay napatayo sya at napasuka. Tawang tawa naman silang lahat dahil hindi na maipinta ni ngangabu yung mukha nya ngayon.
"Gosh! I hate you all!"
Sigaw ni anne pagkatapos nyang magsuka."Ok. Next!"
Pinaikot ulit ni billy yung bote habang silang lahat nagdadasal na ng paulit ulit na sana hindi sakanila matapat yung bote.
Then tumapat yung bote kay vhong naman.
"Ok kuys! Truth or dare?"
Tanong ulit ni billy."Truth nalang!"
"Ok. Hmnn... Totoo bang crush na crush mo si anne noon pa hanggang ngayon? At umaasa ka pa din ba na may pagasa kayong dalawa na maging mag-jowa?"
"Hala may boyfriend na si anne ngayon di na appropriate yang tanong mo kuys."
"O edi, kung wala mang boyfriend si anne ngayon, liligawan mo ba sya?"
"Oo naman. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang anne curtis-smith diba?"
"Ayieeeeeee!!!!"
Sabi naman nilang lahat ng sabay-sabayPagkaraan ng ilang oras Naka-ilang ulit pa ang laro nilang lahat at dahil marami-rami na rin silang naiinom na beer ay lasing na lasing na sila.
"Okeyy nexxhh naa!"
Sabi ni billy."Hahahaha vaysh! Shayo tumapat yung-- yung bote! Troth or der?"
Wala namang kamalay-malay si vice na sakanya pala tumapat yung bote.
"Mga gago kayo! Di..nuduga nyo ba ko ha?! Psh. Payn dare ako!!!"
"Ha.. Hal..halekan mo shi Kawyl! Lips to lips in 1 minute!"
"Di nya.. *hik* Kaya yan! *hik* bakla yan *hik* eh!! Hahahaha!"
Singit naman ni karylle na lasing na lasing na din nakapikit na nga ito at parang nakikiramdam nalang sa mga nangyayari."Tss! Bakit *hik* kay karylle pa?! *hik* gago ka talaga!"
"Just do it baysh!!!"
Sigaw naman ni anne na naka-higa na ang ulo sa balikat ni vhong."Ayoko!! *hik*"
"O eydi key anne nelang!"
Sigaw naman ni billy."Mash *hik* ayaw ko! *hik* malamon pa ko *hik* ng buhay nyan!"
"Grabe ka bakla ha! Bunganga ko na naman yang nakita mo!"
Sigaw naman ni anne at binato sakin yung bote nyang hawak na walang laman."Oy dali na baysh kay kawyl na halikan na kayo!"
Sigaw naman ni vhong habang nainom pa din ng kanyang beer."Psh! Lika na karylle!!*hik* halikan daw tayoooo!"
Tumayo naman si karylle habang inaalalayan ni vhong sa kinauupuan at pumunta ito kay vice na pagewang gewang. Nang makarating na ito sa harap ni vice ay nagsexy dance ito habang nakaupo pa din si vice at pinapanood ang pagsayaw ni karylle.
"Oh my gosh!!!!!"
Sigaw naman ni anne.Bigla namang tumayo si vice habang nakatingin kay karylle at hinawakan nya ito sa bewang at hinatak palapit sa kanya.
"Hinahamon *hik* mo talaga ko *hik* karylle ha."
Sabi ni vice habang magkatitigan pa din sila ni karylle."Hahahaha! As if *hik* namang kaya mo *hik* kong halikan! *hik* haha---"
Tatawa pa sana si karylle na bigla na lamang syang halikan ni vice sa lips. Damang dama nya ang mga labi ni vice sa labi nya at ang amoy na alak sa kanilang mga hininga. Di sya makagalaw sa sitwasyon para bang nawala lahat ng kalasingan nya sa mga nangyayari ng unti unting igalaw ni vice ang kanyang mga labi ngunit hindi parin nya magawang mag-respond dahil para na syang naging estatwa. Nanatiling nakadilat ang mga mata nya sa labis na pagkabigla sa mga nangyayari, rinig na rinig naman nya ang mga sigawan ng kanilang kaibigan dahil maging sila ay nagulat dahil nagawang halikan ni vice si karylle kahit na bakla ito.
Sa kabila ng kaingayan ng mga kaibigan nila hindi pa din tumitigil si vice sa paghalik kay karylle. Itinulak naman ng bahagya ni karylle si vice dahil mukang wala syang balak itigil ang paghalik nya sa dito.
"Vice stop.."
Sabi ni karylle ng maghiwalay na ang mga labi nila sa isa't isa. Ngunit mukang wala pa din sa wisyo si vice at lasing na lasing pa din."Psh! Matagal *hik* tagal mo na *hik* ding hinintay to karylle!*hik* chusy ka pa hahaha!"
Sabi naman ni vice.Bumalik naman sa pagkakaupo katabi ni vhong si karylle at gulat na gulat pa din sa nangyari.
"Hahaha beshtie! Shabi ko 1 minute leng! Bakit naging 5 minutes ata yon?? Haha! You're the man!"
Sigaw naman ni billy habang tawang tawa kay vice na may pagtapik pa sa balikat ni vice.Napag-pasyahan naman nila na tumigil na sa paglalaro at paginom dahil lasing na lasing na silang lahat, nag stay muna sila sa bonfire ng isang oras at napagdesisyunan ng bumalik sa site at magpahinga na.
At dahil marami-rami ang nainom nina anne,billy at vice ay inakay ni vhong sina anne at billy while si karylle naman kay vice.
Inihatid na ni vhong si billy sa kanilang kwarto at pagkatapos si anne naman sa kwarto nina karylle. Si karylle naman hinatid na sa kwarto si vice. (Walang magaganap na milagro wag kayong ano dyan! Harot harot nyo!)
---
GND.
BINABASA MO ANG
"Gay NEXT DOOR" | A ViceRylle Story
FanfictionGet ready to fall in love with a Gay next door.