Kabanata 9

2 1 0
                                    

"Ayan na yung lovebirds!!"
Sigaw ni billy ng matanaw nila sina vice at karylle na masayang nag-uusap palapit sa kanila.

"Lovebirds mo muka mo!"
Sigaw naman ni vice kay billy habang lumulusong sa dagat hawak ang braso ni karylle.

"Bagay kayo!"
Sabat naman ni vhong sa kanila.

"Bagay din naman kayo ni anne, kaso may iba syang gusto kaya di na pedeng maging kayo!"

"Ay ang hard naman nun brad."

Pagkatapos nilang magswimming ay napagpasyahan na nilang bumalik muna sa kanilang site para kumain ng lunch at para narin magpahinga muna sandali.

Nang akmang papasok na si vice sa kanyang kwarto ay naramdaman nyang may humigit ng braso nya.

"Ano ba ngangabu! Akala ko kung sino na eh!"

"Ikaw bakla ka, sabihin mo nga sakin ang totoo. May gusto ka ba kay Karylle?"

Bigla namang nasamid si vice sa tanong ni anne sa kanya.

"Grabe ka ngangabu! Binibigla mo ko sa mga tanong mong yan eh."

"Just answer my question viceral, I know you, hindi ka magiging ganito ka interesado sa isang tao kapag di mo sya gusto. So tell me, gusto mo ba sya?"

Lumingon lingon naman si vice sa paligid upang tiyakin kung walang nakakarinig sa pinag-uusapan nila ngayon lalong lalo na si Karylle.

"Wala akong gusto sa kanya anne, hello! Nakalimutan mo na bang bakla ako? And yes I'm interested in her pero concern lang ako sa kanya magkaiba yun ok? Tsaka nandito lang naman ako para tumulong sa isang kaibigan. In fact, alam ko na ang pinagdaraanan ni Karylle ngayon, may anak sya at hinahanap niya ang ama nito na hindi ko alam kung saang lupalop napadpad."

"So, alam mo na? Sinabi nya sayo?"

"Natural! Alam ko na nga eh."

Isang malakas naman na hampas ang binigay sa kanya ni anne sa braso.

"Araaayyyy! Bat nananakit?!"

"Siguraduhin mo lang na hindi mo sya gusto naku talaga viceral!"

"Ewan ko sayo ngangabu."

Tuluyan ng pumasok si vice sa kanyang kwarto na naudlot kanina dahil kinausap sya ni anne. Dumiretso naman sya sa banyo upang maligo. Binagabag naman sya ng mga tanong ni anne sa kanya kanina, totoo nga bang wala syang gusto kay karylle? O sinabi nya lang yun dahil yun yung sinasabi ng utak nya pero hindi yung puso nya?

Samantala, sa kwarto nina anne at karylle. Kagagaling lang sa banyo ni karylle ng mapansin nyang kararating lang ni anne.

"Saan ka galing?"

"Ah, kay vice kinausap ko lang."

"Ah ok."


Nagbihis na si karylle at si anne naman ang pumasok sa banyo upang maligo na din.

Kinabukasan nag-impake na sila ng kanilang mga gamit dahil ito na ang araw ng pagalis nila sa boracay at bumalik ng manila.

Ilang oras pa ng byahe nila pabalik ng manila kaya naman nakatulog na sila, habang si karylle ay gising na gising pa din at nakatingin lang sa labas ng bintana habang may malalim na iniisip. Napansin naman ito ni vice dahil hindi rin ito makatulog.

"Gay NEXT DOOR" | A ViceRylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon