Kabanata 10

3 1 2
                                    

Kinabukasan napagpasyahan ni vice na makipagkita sa mga bakla nyang kaibigan para di na muna nya maisip ang mga bumabagabag sa kanya lalong lalo na kay karylle.

Pumunta sila ng mga kaibigan nya sa mall, park, zoo, bar, at kung saan saan pa halos lahat na nga ata napuntahan nila pero knowing them hindi sila nausuhan ng pagod kaya puro energy pa din sila, dahil.sa dami ng napuntahan nila nakaramdam din sila ng gutom kaya pumunta muna sila sa  chinese restaurant para kumain.

Habang kumakain silang magkakaibigan, napansin namam nila ang isang babaeng naka floral dress na may kasamang lalaki, na kalalabas lang sa kotse.

"Karylle?"
Sabi ni vice na napatigil sya sa pagkain nya ng napansin nyang si karylle yung babae na kasama nung lalaki.

"Meme sino karylle?"
Tanong ng kanyang kaibigang si neggi.

"Ah wala wala."

Sagot ni vice habang pinagpatuloy na nya ang kanyang pagkain ngunit di nya parin inaalis ang paningin nya kina karylle na kasalukuyang papasok na sa loob ng restaurant na kinakainan din nila ngayon.

Agad namang kinuha ni vice ang cellphone nya at agad agad na tinext ang kanina nya pang gustong itext.

V- sino yang kasama mo?

Si karylle naman ay kauupo lang ng naramdaman nyang nag vibrate yung cp nya kaya tiningnan nya muna kung sino ang nagtext sa kanya pero naantala ito ng tanungin sya ng kasama nito kung ano ang gusto nyang kainin.

"Just order anything you want karylle."

"Okay thankyou christian, the best ka talaga! Haha."

"Haha anything for you kaykay."

"Stop calling me that, ang baduy na pakinggan eh."

"Hindi kaya, kahit ano naman sigurong itawag sayo maganda padin pakinggan kase maganda ka."

"Sus, bolero."

Pumipili na ulit si karylle ng oorderin nya sa menu ng mag vibrate ulit yung cp nyang nakalimutan na nyang tingnan kanina kaya kinuha nya to sa pouch bag nya at tiningnan kung sino ang kanina pang nagtetext.

V- sino yang kasama mo?

Ha? Bakit alam nyang may kasama ako ngayon?

Tinignan nya ulit yung other messages na kay vice din galing.

V- Usong magreply.

V- Ana karylle???

V- Kapag di mo nireplyan lalapitan kita dyan at hahatakin kita palayo dyan sa kasama mong mukang bisugo!

What the?! Andito din sya??

Nagpalinga linga si karylle sa paligid para hanapin si vice, nakita nya ito may bandang dulo habang nakatingin ng masama sa kanya habang hawak ang cellphone nito.

Kumaway sya dito pero inirapan lang sya ni vice bilang tugon.

Problema non? Sa isip ni karylle.
Napagpasyahan nalang nyang replayan si vice.

To vicey: Anong ginagawa mo dito? And by the way si christian tong kasama ko okay na po?

Umorder na sila karylle ng pagkain habang masayang nakikipagkwentuhan kay christian.

Habang sa kabilang banda naman nagaapoy na sa galit ang isang baklang selos na selos ngunit di nya maamin sa sarili nya kahit sobrang obvious na.

"Meme ex boyfriend mo ba yung kasama nung babaeng yun? Bakit parang galit na galit ka dyan?"

"Gay NEXT DOOR" | A ViceRylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon