Pagkatapos naming kumain namasyal pa kaming dalawa ni vice sa isang market kung saan maraming bilihin, ayaw nya nung una dahil pagod na daw ako di ko alam kung concern lang talaga sya saken or tinatamad syang kasama ako. Sabi kase ni anne sakin, di daw sanay si vice na may kasamang ibang babae bukod sa kanya, nagtaka naman ako kung bakit yaan ko nalang daw sabi ni anne. Ang weird lang ang alam ko kase sa isang bakla ang madalas na kasama ay mga babae pero bakit sya hindi.
Pero sa huli, napilit ko pa din syang mamasyal sa market na yun. Nakakatawa lang yung itsura nya ngayon mukang napipilitan lang talaga haha. Sa paglilibot namin di na namin namalayan ang oras maggagabi na pala. Agad kaming umalis na at nagtungo sa hotel kung saan ako magche-check in. Hinatid naman ako ni vice papunta sa unit ko.
"Nag-enjoy ako super! Nakaka-amaze pala talaga ang pilipinas."
Sabi ko in a full smile pa habang nasa loob kami ng elevator."Marami ka pang hindi alam sa pilipinas, marami pang lugar dito ang mas maganda pa."
"Talaga? Pwede ba tayong pumunta dun?"
"Ha? Tayo? Ah eh... Ano kase.."
"Please vice??? Can you show me how beautiful the philippines is?"
"Marami pa kase akong gagawin te. Sina anne nalang isama mo."
Ayaw nya talaga akong kasama. Bakit? Gusto ko lang naman syang maging kaibigan din bukod kase kay anne wala na akong ibang kaibigan dito sa pilipinas so i want to know him more. Gusto kong makasama pa sya ng matagal kase I'm starting to like his company even more.
"Pero gusto din kitang kasama."
Sagot ko. Bigla namang nagbukas ang elevator na sinasakyan namin kaya di na sya nakasagot sa sinabi ko. Pinuntahan na namin ang room 214 kung saan ako naka-check in."O sya goodnight na sayo karylle. Pinagod mo ko kaloka ka."
"Haha, sorry again vice masyado lang talaga akong na-excite sa pilipinas. Goodnight din and sobrang thankyou."
I lean closer to him and binigyan ko sya ng isang kiss sa right cheek nya. Halata naman sa mukha nya ang pagkagulat, para syang naging estatwa sa kinatatayuan nya ngayon haha! pasaway na bakla talaga. At Pumasok na ko sa loob ng unit ko leaving him na ganun pa din ang reaksyon.Vice's POV
Ene yen? Eneng genewe nye seken? Kailangan ba talagang ikiss nya pa ko? Pero parang may iba, bakit parang di ako nagalit o nainis man lang? Si anne lang ang nakakakiss sakin ng ganun ah. Shet naman vice! Bakla ka ok? Bakla! Never akong iibig sa merlat!
Pasakay na sana ulit ako sa elevator pababa ng biglang nag-ring yung cellphone ko. Si ngangabu tumatawag patay na sesermunan na naman ako nito panigurado.
"Kailangan mo ngangabu?"
"Kamusta viceral? Kamusta si Karylle?"
"Ayun naidispatsa ko na."
"Ha? Baliw ka talaga. Ano nga?"
"Ok lang to naman para namang may gagawin ako dung masama. Kakahatid ko nga lang sakanya dito sa hotel."
"Bakit ngayon lang? Saan pa kayo nagpunta? San mo yan dinala ha?!"
"Ang OA mo anne curtis. Kumain at namasyal lang kami yun lang, sya naman may gusto nun eh napilitan nga lang ako kase naiilang pa ko."
"Hala mukang nagenjoy ka naman wakla haha! Kung sakali, pang-tatlo ka na nyang maco-convert haha! Converter yang si karylle vice. Magiingat ka hahahaha!"
Ano daw? Converter? Nooooooooooooooooo!!!! Never nya kong macoconvert nuh. Loyal ako sa pagiging bakla ko at di ako titiwalag dun.
"Pwes di nya ko macoconvert. Neverrrrrr!"
BINABASA MO ANG
"Gay NEXT DOOR" | A ViceRylle Story
FanficGet ready to fall in love with a Gay next door.