Kabanata 8

2 1 0
                                    

"Kanina pa kase kitang napapansing tahimik. Hindi ka naman kase ganyang nung pagpunta mo palang dito, so naninibago ako sayo. At mukang may problema ka ata? Tell me, handa akong makinig bilang isang kaibigan mo. Mas maganda na nailalabas mo yan kesa kinikimkim mo."
Panimula ni vice habang hindi makatingin sa mga mata ni karylle.

Nabigla naman si karylle sa sinabi ni vice. Akala nya kase ay wala namang pakialam ito sa kung ano man ang nangyayari sa kanyang ngayon sapagkat ilang araw lang naman sila nagkakilala. Nagdadalawang isip din sya kung sasabihin nya ba ang problema nya kay vice o hindi.
.
.
.
.

"Pansin mo pala hehe. Uhm.. Hindi ko talaga alam kung paano sisimulan eh."

Napa-buntong hininga si karylle habang tahimik lang na nakikinig sa kanya si vice.

"Hindi lang talaga pagbabakasyon ang ipinunta ko dito sa pilipinas, may dahilan kung bakit ako umuwi dito."

Tumigil muna si karylle at tumingin kay vice, tumango na lamang si vice na ibig sabihin ay ipagpatuloy nito ang pagkukwento.

"May hinahanap talaga ako dito. Hinahanap ko ang ama ng anak ko.."

Halata namang nagulat si vice sa sinabi ni karylle sa kanya. Pero sa kabilang banda masaya sya dahil hindi nahiya si karylle na sabihin ang totoo sa kanya, ibig sabihin pinagkakatiwalaan sya nito.

"Nakakagulat ba? Haha!"

"Hindi ko lang talaga ineexpect na ganyan pala ka-seryoso yang problema mo karylle. Pero teka, bakit mo hinahanap ang ama ng anak mo? Hindi ka ba nya pinanindigan?"

"Masakit man pero oo.. Iniwan nya ko matapos nyang malamang buntis ako sa kanya."

"Eh gago pala yun eh! Dapat di mo na sya hinahanap karylle. Kung iniwan ka nya, ibig sabihin hindi nya tinatanggap ang ano mang responsibilidad nya sayo!"

Napatawa nalang si karylle sa mga sinabi ni vice sa kanya, galit na galit kase ito na parang sya pa mismo yung naiwan at hindi si karylle.

"Ano tatawa tawa nalang tayo karylle? Yung totoo, bakit mo pa sya hinahanap?"

"Dahil gusto syang makilala ng anak ko. Gusto syang makita ng anak ko, at di ko kayang ipagkait yun sa kanya dahil alam ko ang mga nararamdaman nya. At bilang ina nya gagawin ko lahat para sa kanya vice."

Natahimik naman si vice sa sagot ni karylle. Naramdaman nya ang lungkot sa mga sinabi ni karylle.

"Sorry."

Yun na lang ang lumabas sa mga bibig ni vice matapos nyang makita ang lungkot at pagkadesperada sa mga mata ni karylle. Hindi nya tuloy alam ang gagawin nya kung paano matutulungan ang kaibigan dahil hindi naman nya alam ang tumatakbo sa isip ni karylle ngayon, hindi nya pa ito lubusang kilala pero nais nya lang ngayon ay maibalik ang saya sa mukha ng kaibigan.

"Anong buong pangalan nya? San sya nakatira dati?"

Out of the blue na tanong ni vice sa kanya. Bigla naman syang napatingin kay vice at sinusuri kung seryoso ba ito sa tanong nya.

"B-Bil.. Bil Gutierrez, hindi ko na tanda yung sinabi nyang exact address nya dito eh pero naalala ko lang is somewhere in laguna."

Sagot ni karylle habang nakatitig pa din kay vice.

Nakita naman ni karylle na may kinuha sa bulsa si vice at yun ay yung cellphone nito, nakita nya din na nagtype ito at parang may tinatawagan.

"Hello. Yeah. May gusto lang akong ipagawa sayo, i want you to investigate a person named Bil gutierrez, he lived in laguna but I'm not sure kung doon pa sya nakatira ngayon. Yes. Sige. Salamat, just call me when you got the informations. Thankyou."

"Gay NEXT DOOR" | A ViceRylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon